Chapter 3

1.3K 56 2
                                    

"Mommy!" Tawag ko.

"Bakit anak may kailangan ka?" tanong ni Mommy.

"Mommy niyaya po ako ni Lance mag-Enchanted kingdom kasama po yung kapatid niyang lalake."

"Ipapasyal po kasi ni Lance yung kapatid nya at sila lang daw kasing dalawa, eh! boring naman daw po kung sila lang daw pong dalawa ng kapatid nya!" paliwanag ko.

"Anong oras ka susunduin ni Lance?" Tanong ni Mommy.

"2 pm daw po Mommy, So Mommy papayagan mo na ako?" nagpapacute na tanong ko.

"Oo na anak pinapayagan na kita. basta mag-ingat kayo ah?" bilin ni Mommy.

"Opo, Mommy mag-iingat po kami!" sige po Mommy ihahanda ko lang po yung susuotin ko." tuwang-tuwa na sagot ko. Tumango naman si Mommy.

Umakyat na kaagad ako sa taas para pumili ng susuotin ko pinili ko maong short, t-shirt at sapatos nalang. Nagchat muna ako kay Freya baka magalit sya, eh! Kasi crush pa naman nya si Lance. ayoko rin na magtampo siya sakin.

PeachyMartinez: Hi! Freya niyaya ako ni Lance mag Enchanted kingdom kasama ng kapatid nya gusto mo sumama?

Maya-maya rin ay nag-reply na sya.

FreyaCuerva: Ha, Peachy! Hindi ako pwede ngayon, eh. aalis din kasi kami ni Mommy ngayon. Kayo nalang enjoy ingat kayo.

PeachyMartinez: Ah ganun ba, Sige, Freya. Ingat kayo!

Pagkatapos kong magchat naligo na rin ako kasi 1 pm na. Pagkatapos ko maligo nagbihis na ako at naglagay lang ako ng lipgloss nagdala din ako ng extra t-shirt. Pagkababa ko dumating na rin si Lance.

"Good afternoon po, Tita!" bati nya kay Mommy.

"Good afternoon din! Lance, ingatan mo yung anak ko ah? lagot ka sakin kapag may nangyari jan." pananakot ni Mommy. Natawa naman ako.

"Opo, tita! ako po bahala kay Peachy." nakangiting sagot ni Lance.

"Oh sya, Sige umalis na kayo para ma-enjoy ninyo yung date ninyo!" pagbibiro ni Mommy habang tumatawa.

"Mommy, naman! Hindi naman date 'to eh. Sinamahan ko lang sya para ipasyal yung kapatid nya." nakangusong sabi ko.

"Oo na, anak. umalis na kayo! Lance 8 pm kailangan nakauwi na yung anak ko ah?" Bilin ni Mommy kay Lance.

"Opo, Tita. thank you po! Una na po kami." sabi ni Lance.

Nang palabas na kami ng bahay tinanong ko sya. "Nasaan pala yung kapatid mo Lance?"

"Nasa sasakyan na Peachy, Tara!" sagot ni Lance.

Pagpasok ko ng sasakyan nakita ko yung kapatid nya ang pogi at ang cute cute. Ang sarap pisilin yung cheek nya kasi ang taba taba.

"Ang cute naman ng kapatid mo Lance!" tuwang-tuwa na sabi ko.

"Syempre! Peachy, pogi din yung kuya. eh!" sagot niya.

"San banda Lance? HAHAHAHA!" natatawang sabi ko.

"Ang cute mo naman! ano pala pangalan mo?" tanong ko sa kapatid ni Lance.

"My name is Carl Dave Montero po!" nakangiting pagpapakilala niya.

"Ang ganda ng pangalan mo!" sabi ko.

"Ilan taon ka na pala?" tanong ko pa sa kanya.

"5 po ate!" sagot naman nya.

"Ako naman si Ate Peachy mo." pagpapakilala ko sa kanya. At ngumiti lang siya.

Bumaling ang tingin ko kay Lance at nakasimangot na siya ngayon.

"Oh, bakit ka nakasimangot jan Lance ah?" natatawang tanong ko

THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)Where stories live. Discover now