"Hoy, teh! Wala ka bang balak na kumain?"
reklamo na tanong ni Ashenia sa akin habang nagbabasa ako ng mga emails sa laptop ko. Nandito siya ngayon sa loob ng opisina ko at nakaupo sa chair na nasa harapan ng table ko.
"Busog pa nga ako," tamad na sagot ko at nakatingin lang sa laptop.
"Hay, naku! Hindi ka na nga nag-almusal! Hindi ka pa maglulunch!" inis na sermon niya sa akin. Para ko talaga siyang nanay rito sa france, lagi niya ako sinesermunan. Wala kasi talaga akong ganang kumain, lalo na't noong nakaraan na nag-usap kami ni Ace gusto ko na lang umiyak dahil nasasaktan ko ang kaibigan ko nang dahil sa akin. Mahal ko siya pero hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kaniya. Hindi naman siya mahirap mahalin pero mali lang talaga ang taong nagustuhan niya. Bakit kasi ako pa? Bakit kasi ako pa yung nagustuhan niya? Bakit ako pa?!
"Hoy, kinakausap kita! Bakit ka nakatulala dyan?!" natauhan ako nang biglang sumigaw si Ashenia na nasa harapan ko.
"Grabe ka naman sumigaw! Nakikinig naman ako!" inis na reklamo ko sa kaniya. Halos mabingi na ako sa lakas ng sigaw niya sa akin.
"Tseh! Bahala ka na nga jan! Lalabas na ako!" inis na sabi niya habang naglalakad papunta sa pinto at malakas na sinarado ang pinto ng opisina ko.
Napabuntong hininga na lamang ako at kinuha ang phone ko na nasa desk ko para umorder ng pagkain. Umorder lang ako ng pasta with bread at ice tea.
Ilang minuto lang rin ay dumating na ang inorder kong pagkain. Nagpasalamat lang ako sa nagdeliver, lumabas rin siya kaagad sa opisina ko at pagkatapos kinain ko rin kaagad ang pagkain ko. Medyo gutom na rin kasi ako.
Nang matapos akong kumain, tinapon kona ang pinagkainan ko sa basurahan na nasa gilid ng table ko at pagkatapos tinuloy ko na ulit ang pagbabasa ng mga bagong emails.
Gabi na nang matapos akong magbasa ng mga emails, tumayo na ako at pinatay na ang laptop para makauwi na ako. Kinuha ko na ang bag at phone ko at lumabas na ng opisina.
"Uuwi kana?" tanong ni Ashenia pagkalabas ko nang opisina.
"Oo, ikaw ba?" Pabalik na tanong ko.
"Oo, sabay na tayo," sabi niya at tumango lang ako. Sumakay na kami sa elevator at ilang oras lang rin bumakas na ito. Lumabas na kami at pumunta na sa parking lot.
"Ingat ka," sabi niya bago pumasok sa loob ng kotse niya. Tumango lang ako at sumakay na rin sa sasakyan para makaalis na.
Habang nagdadrive ako naisipan kong dumaan muna sa grocery store para bumili ng ilang ingredients na kakailanganin ko para sa sinigang. Naisipan ko kasing magluto ng sinigang ngayon.
Bumili lang ako ng mga gulay at iba pang mga sangkap. Habang hinihila ko ang push cart ko nang may biglang bumangga sa akin na isang babae. Namilog ang mga mata ko habang tinitignan ko sya.
It's Cassandra!
"Peachy?" gulat na gulat na sabi niya.
"Hi!" iyon lamang ang nasabi ko sa kaniya. Hindi ko alam ang sasabihin ko at lalong lalo hindi ko alam ang gagawin ko.
"Peachy, can we talk?" kinakabahan na tanong niya. Napatitig naman ako sa kaniya.
"Hey, babe! are you done?" Bigla akong napatingin sa lalakeng lumapit kay Cassandra, nagtataka ko namang itong tinignan.
"Ah, Peachy, this is Gavin! My fiancé!" pagpapakilala ni Cassandra sa lalakeng katabi niya.
"Hi, i'm Peachy!" pagpapakilala ko naman sa fiancé ni Cassandra.
YOU ARE READING
THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)
Romantik(FRIENDSHIP SERIES #1) Gabriel Kyle Castro He's a famous guy on campus, and he never expected to fall in love again. Until he meets the transfer girl, her name is Peachy Lynn Martinez, the smart, kindless, and obedient girl ____________________ Genr...