Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nakatapat sa mukha ko. Sobrang sakit ng ulo ko dahil anong oras na kami natulog ni Gabriel.
Bumangon na ako at wala na pala akong katabi. Pumasok na ako sa bathroom at naligo.
Pagkatapos kong magbihis. Nagsuot lang ako ng simpleng white dress, at bumaba na ako.
Pagkababa ko nakita ko si Tita at Tito sa kitchen kaya dumiretso ako doon.
"Good morning po," bati ko.
"Good morning, Hija." bati nilang dalawa.
"Si Gabriel po? Nasaan?" tanong ko.
"Nasa labas sila hija," sagot ni Tita.
"Sige po." sabi ko at pinuntahan ko sa labas si Gabriel.
Pagkalabas ko nasa dalampasigan silang lahat. Kaya pumunta na ako sa kanila.
"Oh si Peachy? Gising na pala?" sabi ni Kuya Theron at napalingon naman bigla si Gabriel.
Lumapit siya sakin at niyakap ako.
"Good morning, Love!" bati nya.
"Morning, Bakit hindi mo 'ko ginising?" tanong ko.
"Ang sarap kasi ng tulog mo eh, Kaya nahihiya naman akong gisingin ka." natatawa pa niyang sabi.
"Psh..."
"Love?" tawag nya.
"Mmm..."
"Mamaya bibili tayo ng regalo, ah?" bulong nya.
"Sige." sagot ko.
Niyaya nya ako kumain sa restaurant kaya pumayag na rin ako dahil gutom na rin ako. Pumasok kami sa isang restaurant at siya na um-order ng pagkain namin. Pagkalipas ng ilang minuto, dumating na rin ang order naming dalawa.
Tahimik lang kaming kumain. Pinagmasdan ko na rin siya habang kumakain siya. Nagulat pa ako nang bigla siyang nagsalita kaya iniwas ko agad ang tingin ko.
"Love, Merry Christmas..." bati nya.
"Merry Christmas din..." balik kong bati sa kanya.
Nalungkot ako bigla dahil ngayong pasko hindi kami kompleto nila Mommy at Daddy.
Pagkatapos namin kumain. Pumunta na kami sa mall para mamili ng ipangreregalo namin sa pamilya niya at bibili na rin ako ng ipangreregalo ko sa pamilya ko.
Nandito na kami sa loob ng mall para maghanap ng pwedeng iregalo at nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Ang gwapo niya, napakagwapo!"
Paulit-ulit ang papuri ng mga babae, naagaw nila ang atensyon ng iba dahilan para mapatingin din ang mga ito kay Gabriel.
Huminto kami sa harap ng men's perfume botique. Pumasok na kaming dalawa sa loob.
"Good afternoon, Sir, Ma'am!" agad na bati samin ng babae, tumango lang ako at nagsimulang magtingin.
Binilhan ko ng perfume si Kuya Theron at si Tito. Si Gabriel naman dalawang perfume ang binili nya para naman kila Tito at Kuya theron. Pumasok naman kaming dalawa sa Dior bumili siya ng bag para sa Mommy nya at kay ate Rhian. Ako naman ay pumasok sa forever 21 para dun bumili ng pangireregalo ko sa mga kapatid ko at kay Ate Rhian.
Umakyat kami sa sumunod na floor at doon ay may nakita akong book store. Pumasok kaming dalawa dun at bumili ako ng mga coloring book para kay Sofia. Pumunta kami sa gucci store dahil bibili ako ng bag kay Mommy at Daddy. Matapos ang ilang minuto ay natigilan ako nang may nakita akong dress kaya pumasok kami dun at bumili ako para naman kay Tita.
YOU ARE READING
THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)
Storie d'amore(FRIENDSHIP SERIES #1) Gabriel Kyle Castro He's a famous guy on campus, and he never expected to fall in love again. Until he meets the transfer girl, her name is Peachy Lynn Martinez, the smart, kindless, and obedient girl ____________________ Genr...