Chapter 37

572 27 6
                                    

"Ang lambot ng labi mo." nakangiting sabi ko habang pinapantay ng liptint ang labi niya.

"Mas malambot sayo." seryosong sagot niya. Napatingin naman ako sa gilid namin kung may nakarinig at buti na lang wala.

"Psh, tara na nga bayaran na natin 'to." aya ko at natatawa naman siyang tumango.

Tinatawa nito? Anong nakakatawa sa sinabi ko?!

Binayaran na namin yung pinamili ko at naglibot libot pa kami kung saan merong magandang store.

"May gusto ka pang bilhin?" tanong ng katabi ko habang naglalakad kami.

"Uhmm... Punta tayo sa national bookstore may bibilhin pala akong libro. Natapos ko na kasing basahin yung mga libro ko." sagot ko at tumango naman siya.

Pumunta na kami sa national bookstore at ilang minuto lang rin ay nakarating na kami, kaya naman pumasok na kami at naghanap na ako ng libro.

Sa libro lang talaga ako kinikilig, libro din ang kasiyahan ko simula noong nasa france ako... Libro ang naging sandalan ko sa araw araw tuwing malungkot ako or kung masaya man ako...

"Kaya mo talagang basahin yan? Sobrang kapal yan?!" gulat na gulat na tanong niya sa hawak kong libro. Ang title nito ay Harry Potter.

"Oo naman, kaya ko nga rin na isampal 'to sa mukha mo. eh!" natatawang sabi ko. "Pero, huwag kang mag-alala buhay ka pa naman pag-sinampal ko 'to sayo."

"Huh?!" nagtatakang tanong niya.

"Joke lang, di ka naman mabiro!" tuwang-tuwa na sabi ko.

"Tsk,"

"Tara na nga, bayaran na natin 'to." sabi ko at tumango naman siya.

Nagbayad na rin kami kaagad at pagkatapos, naisipan naming manood ng sine. Kaya naman pumunta na kami sa sinehan. Nang makabili na kami ng ticket bumili na muna kami ng popcorn at drinks bago kami pumasok sa loob.

Busy lang kami sa panonood habang kumakain ng popcorn. Maganda yung movie, love story kasi. Habang kumukuha ako ng popcorn nagulat ako ng kamay ni Gabriel ang nahawakan ko. Kumukuha rin pala siya!

"Oh, sorry." sabi ko at tinanggal ang pagkakahawak sa kanya.

"Sige, ikaw na muna kumuha." sagot niya at tumango lang ako.

Kumuha na ulit kaagad ako at tumingin na ulit sa harap para manood. Napainom tuloy ako ng ice tea dahil sa kahihiyan.

Habang umiinom ako at nanonood nagulat ako ng may biglang humawak sa kamay ko kaya naman napatingin ako kay Gabriel.

"Why?" tanong niya. Umiling lang ako at tumingin na ulit sa harapan para manood.

Ilang oras rin nang matapos ang pinapanood namin, kaya naman lumabas na kami kaagad at naisipin muna namin kumain sa fastfood bago kami umuwi.

"May gagawin ka ba bukas?" tanong niya habang nagdadrive.

Nandito na kami sa kotse niya at ihahatid na niya ako, kakatapos lang din namin kumain.

"Baka pumunta ako bukas sa office ng Daddy mo para kunin yung pinapakuha ni Tita." sabi ko.

"Sunduin kita bukas." saad niya.

"Huwag na, may trabaho ka bukas diba?" tanong ko.

"Oo, pero pwede naman kitang sunduin." sambit niya.

"Huwag na nga, kulit! Pag talaga sinundo mo ako bukas. Break na talaga tayo!" pagbabanta ko sa kanya.

"Okay, love, hindi na po." pagsuko niya at natawa naman ako.

THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)Where stories live. Discover now