GABRIEL'S POV
I can't believe we already Peachy and I... And I also can't believe I'm with Peachy now and we're dating...
Sa dami ng beses na naming nagdate ito ang pinakamasarap sa pakiramdam at sobrang saya.
Sya lang talaga ang babae para sakin at wala ng iba... sya lang ang gusto ko makasama habang buhay at wala ng iba...
"Love..." tawag ko sa kanya.
"Mmm??" nakangiting sagot nya.
"Nasabi ko na ba sayong... Ikaw ang pinakamagandang dumating sa buhay ko??"
"A-ah?"
"Ang ganda mo sobra, Love!"
"Thanks, Ikaw rin napakagwapo mo!" nakangiting sabi nya.
"Mahal na mahal kita love..."
"Mahal na mahal din kita..." nakangiting sagot nya.
"T-Talaga mahal na mahal mo rin ako?!" nakangiting tanong ko.
"Oo... s-sino ba namang hindi magmamahal sayo?? Gwapo... matalino... napakabait... napakagentleman... lahat lahat nasa iyo na Gabrie-"
Niyakap ko sya agad!
"I love you... Love... I love you so much..."
"I love you more..." sagot nya at niyakap na rin ako.
"Tara??" yaya nya pa at tinanguan ko naman sya kaya naglakad kami papunta doon sa mga puno.
Nandito kami sa Picnic Grove sa tagaytay mga 3 days kami nandito kaya sinusulit na namin ang date namin.
Sabay naming tinignan isa-isa ang mga puno kaya naman inilabas ko ang camera ko at nagpicture pa kami...
"One... Two... Three..." bilang ko pa bago pindutin ang shutter.
Pagkatapos naming magpicture umupo kami sa isang sementong upuan at tumingin sa view ng tagaytay.
"Napakaganda ng lugar na 'to noh?" biglang tanong ni Peachy at isinandal nya ang ulo nya sa balikat ko.
"Mmm..." sagot ko.
"Kailan ka pala nag-kagusto sakin?" tanong nya habang nakatingin lang sa harapan.
"Noong una, hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko para sayo pero noong sinama mo ako sa cebu, narealize ko na parang nagkakagusto na talaga ako sayo." nahihiya kong sagot.
"Weh? Talaga?!" gulat na tanong nya habang nakatingin na sakin.
"Oo." sagot ko.
"E-Eh bakit lagi kang galit sakin kapag kinakausap kita?!" Tanong nya.
"Ang cute mo kasi kapag ginagalit kita." sagot ko sabay pisil sa ilong nya.
"Hoy! Ano ba? Ang sakit!" sabi nya sabay palo sa dibdib ko.
Binitawan ko na ang ilong nya.
"Eh ikaw? Kailan ka nagkagusto sakin?" nakangiting tanong ko.
"Hindi kita nagustuhan." deretsong sagot nya.
"Sakit ah! Bakit naman hindi mo ko nagustuhan? Ang pogi ko kaya." sabi ko.
Tumawa pa muna sya. "Ang sungit mo kaya paano kita magugustuhan! Kung lagi mo 'ko iniinis." natatawang sagot nya.
Sabay kaming tumawa at niyakap ko sya bigla.
"I love you," bulong ko at hinarap ko sya sa mukha ko, Then, hinawakan ko ang baba nya.
YOU ARE READING
THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)
Romance(FRIENDSHIP SERIES #1) Gabriel Kyle Castro He's a famous guy on campus, and he never expected to fall in love again. Until he meets the transfer girl, her name is Peachy Lynn Martinez, the smart, kindless, and obedient girl ____________________ Genr...