Kabanata 2

893 46 5
                                    

Kabanata 2

Nang araw ding iyon ay nagdesisyon na lang akong lumabas  ng bahay para magliwaliw nang tuluyang maiwang magisa. Lumuwas ng Maynila si Tatay, habang si Nanay naman ay kailangan nang pumunta sa pwesto namin sa palengke, unang araw ng klase kaya nasa eskwela si Lairre, ako din sana kung pinayagan ako ngunit dahil hindi ay wala na akong nagawa. Nagtungo ako sa Park 'di kalayuan sa bahay namin. Dito ako malimit magpalipas nang oras kahit noong bata pa ako. Sa lawak ng San Ignacio, ito sa lahat ang paborito ko. Katabi lang kasi ng park na ito ang Lake of Happiness.

Sabi ni Tatay noong panahon daw ng Amerikano pinangalanan ang lawang ito. Pero giit naman ni Nanay ay noong panahon daw ng Hapon. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko sa kanila, pero 'di bale na lang kasi kahit kailan pa man pinangalanan ang lawang ito para sa akin ay isa itong napakagandang likas na yaman.

Naglabas ako ng sketchpad at ng lapis. Tsaka ako umupo sa tabi ng matandang puno at iginuhit ang lawa. Ngunit bago 'yun ay isinalpak ko muna sa tainga ko ang earphone ko, nag-sound trip ako habang nagda-drawing.

Hilig ko na talaga ang pag-guhit simula nung bata pa ako. Naalala kong una kong naiguhit noon ay ang mga magulang ko at katuwa tuwang hawig na hawig talaga nila iyon. Naalala kong ipina-frame pa iyon ni Tatay dahil talagang natutuwa raw siya sa akin.

Ilang oras din ang tinagal ng pagda-drawing ko at halos limang tanawin na ang naiguhit ko mula sa aking posisyon dito. Ilang saglit pa ay nakaramdam ako nang gutom. Kaya naman nagpasya akong umuwi na.. Sana!

Kaya lang kasi habang naglalakad ako sa gilid ng daan pabalik sa bahay ay hindi ko namalayang may bukas na manhole pala sa nilalakaran ko, and the next thing happen.

Nahulog lang naman ako. Great! Just great!

"Waaa!" impit na irit ko nang mahulog at lumagapak ang pwet ko sa lupa rito sa loob ng manhole. Gosh! Ang malas ko! Paniguradong kung may nakakita sa akin ay na-video-han na ang kashungahan ko. 'Yung tipong may background pang Coffin Song. Geez! Can't imagine.

Buti na lang at ipinagpapasalamat kong walang laman ang kanal na ito dahil kung hindi na-tegi na talaga ako. Bakit ko ba kasi naisipang mag-drawing habang naglalakad.

"Kakainis naman!" Nagpapadyak pa ako sa inis nang makatayo ako. Tsaka masama akong tumingin sa itaas kung saan ako nahulog. "Paano ako nito makakaakyat!" hiyaw ko at nagsimula na akong mag-tantrums. "Tulungan niyo ako! May tao ba riyan? Nahulog po ako! Yohooo!"

Actually hindi naman ganon kataas ang nabagsakan ko. Mga 8 feet lang iyon pero hindi ako maka-akyat, medyo maliit lang kasi ako. Medyo lang naman.

H'wag nang kwestyunin nangangagat ako!

"Tulungan niyo po ako!" Nakagat ko ang labi ko nang maamoy ko ang masangsang na amoy rito. Pero keri pa naman kasi mukhang lumang kanal na ang isang ito. Syete lang kasi nagugutom na talaga ako.

Subalit biglang umurong ang gutom na 'yon nang makarinig ako nang kaluskos. OMG! Hindi kaya may ahas dito? Shems! I need help!

"Tulong! Nahulog po ako walang sumalo, tulong!" Naghihisterikal na hiyaw ko. H'wag naman sanang ito na ang huling araw ko. Kasi ang pangit lang nun wala pa akong lovelife matetegi na agad ako, nakakaloka naman ata 'yon.

Napapadyak na ako ng paa nang mas lumakas pa ang pagkaluskos. OMG! Hindi na ako nagbibiro, natatakot na talaga ako.

"God! Pramis magpapakabait na talaga ako, tulungan niyo lang po ako. Omg! Tulong!"

Tinawag ko na ata kanina pa ang lahat ng pangalan ng mga Santo at Santa para mahingian ko nang tulong kaya lang wala ring nangyari. Anong gagawin ko?

Ti-nry ko na ring mag-ala-spider man at kumapit na ako sa pader kahit na medyo may kalagkitan, para lang maka-akyat, pero wala ring nangyari. Akmang uulitin kong kumapit sa pader nang may biglang nagsalita.

El Destino desde 1870Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon