Kabanata 56

101 13 1
                                    

Kabanata 56

Lumipas ang mga araw, buwan, at taon. Naging busy na ako sa mga school works kaya naman hindi na rin ako halos nakapag-basa pa. Naubos ang oras ko sa paggawa ng mga essays, project, at research. Dahil HUMSS student, more on sulat talaga kami. Dala-dalawa kada 2nd Semester ang Research namin sa loob ng dalawang taon. Malaki talaga ang pasasalamat ko at kahit papaano ay nairaos ko ang dalawang taon na iyon.

Nang mag-college ako, ti-nry ko muling magbasa kaya lang doon ko na lang nalaman na wala na rin palang update ang kahit na sino kay Ten. Nakakalungkot lang pero, life must go on kaya naman churva pa rin si ako.

I take the course journalism. Impluwensya na rin siguro ng pagbabasa at ng napili kong strand noong Senior High. Bagay na hindi ko naman naisip simula pa lang nang mag-aral ako.

Dala ang napakaraming papel ay nagtungo ako sa library ng school. Hindi kasi ako tiwala sa mga nababasa ko online kaya mas pinili ko na lang na maghalughog sa school library para sa Chapter Two na Related Literature ng Thesis na ginagawa ko.

About ito sa history ng San Ignacio. Sobrang laki nito at talagang nakapagtatakang isipin na tila mas malaki pa ito kaysa sa mga karatig bayan kaya naman naisipan kong gawin siyang topic.

Pumasok ako roon ng tahimik at ibinaba ang lahat ng aking dala sa may lamesa. Halos mapapikit pa ako nang mag-buzz ang phone ko. Buti nalang talaga at naka-silent, dahil kung hindi? Lagot na naman ako sa librarian dito. Suki na rin kasi niya ako, suking palayasin. Masyado niyang inaapi ang mga magagandang kagaya ko.

Napilitan tuloy akong lumayo muna sa lamesang pinaglagyan ko ng mga papel para sagutin ang tawag nang hindi natatanaw ng librarian.

"Hello? Bakit ba iyon? Nasa library ako, sino ba ito?" pagalit na hasik ko. Hindi na nag-abala pang tingnan kung sino iyon.

"Nasaan kana ba, Enang? Ano na? Gabi na ahh!" Mabilis pa sa alas kwatrong tiningnan ko ang pangalan ng caller para makasigurado. At nang makita kong si Tatay nga iyon ay halos kastiguhin ko na ang sarili sa katangahan.

"Hala Tay, sorry hindi ko alam. Nasa school pa ho ako. May tatapusin lang 'Tay. Bago mag alas-otso ay nandiyan na ako, promise." Mabuti na lang talaga at madaling kausap si Tatay at hindi na siya nagtanong. Pinagbantaan niya lang ako na kapag hindi ako nakauwi ng alas-otso ay talagang malilintikan daw ako. Wala naman akong nagawa kung hindi ang mapa-oo na lang.

Babalik na sana ako nang muli na namang may tumawag sa pag-aakalang si Tatay ay agad ko iyong sinagot.

"Hello po ulit." Subalit natigilan nalang ako nang marinig ang boses nila Lizzette, Yannie at Alecxis.

"Hoy gaga, asan ka na?"

"Gabi na kaya!"

"Nandito kami sa inyo. Grabe, birthday na birthday mo tapos ikaw pa ang wala rito." Nangiwi na lang ako nang ipaalala ni Alecxis ang bagay na iyon. Kung tutuusin ay gusto ko rin talagang umuwi na sa bahay pero hindi ko naman owedeng gawin iyon dahil deadline na ng pasahan nito sa isang Linggo at ngayon ay nasa Chapter Two pa lang ako. Balak ko sanang tapusin muna ito bago ako umuwi para Methodology na ang sunod kong gagawin and so on and so forth. Nang mag-college kami talagang nagkahiwa-hiwalay kami ng course dahil nag-education si Alecxis. Si Lizzette nag-Tourism habang si Yannie nagtake ng Business Administration.

"Wait niyo lang ako guys. Promise, bago mag-8 nandiyan na ako. Mabilis lang 'to. Pi-picture-an ko na lang." Sumang-ayon naman sila roon at inasar pa ako na baka may ka-date. Natawa na lang ako ng mahina sa pang-a-asar nila at pinagpatayan sila.

El Destino desde 1870Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon