Kabanata 1

2.7K 98 66
                                    

Kabanata 1

Ayun kay Maya Angelou, “There is no greater agony than bearing an untold story inside you,” and as a reader and aspiring writer kung papalarin ay naniniwala ako sa katotohanang ito. Para siyang tawa na mahirap pigilan, hangin sa tyan na hindi mailabas o kaya naman kati na hirap pigilang kamutin. Ganon ang bawat story, to be precise once na simulan mo there is some tendency na ang story mismo at ang ugali ng karakter ang magdedesisyon ng kahahantungan ng mga pangyayari. And maybe, just maybe that time... in that moment... he might also think that way.

Tahimik akong napapahikbi nang matapos kong basahin ang Blow by the Wind ni TEN. Napakamapanakit naman kasi, but at the same time ang daming learning.

Si Ten nga pala ang paborito kong author sa iba't-ibang writing platform. Napakagaling niya talaga at sa katunayan nga niyan, lahat na ata ng 24 niyang akda ay nabasa ko na. Bukod doon ay may mga nagawa na rin siyang libro under the unknown publishing company. Ang totoo niyan ay napaka-private at mysterious ng manunulat na ito pero dahil doon at sa husay niyang magsulat ay minahal siya nang mga tao. 

Isa ako sa mga followers niya na nagmamahal sa kaniya. Hindi lang 'yon, dakilang stalker niya pa ako pero in a good, wise and silent way naman. Maraming chismis na isa raw multong manunulat si Ten. Like duh! As if namang may multo talaga. Meron ding nagsasabi na isang matandang babae na mga 50 years old daw si Ten base raw kasi sa pagkakasulat niya nang librong 'Off the Wall' ay parang marami na siyang karanasan tungkol sa mga buhay. Ang genre kasi ng OTW ay action na may pagka-tragic. Apat na raan din ang bili ko sa librong iyon, ang ganda-ganda kasi napakahaba pero sulit naman. 

Subalit para sa'kin naniniwala akong isang gwapong lalaki si Ten, isang maginoo na gentleman pa. Teka? Parehas yata 'yun ah? Basta!

Basang-basa ang kumot ko, maging ang unan ay ganon din dahil sa walang tigil kong ka-iiyak. Medyo masakit kasi iyong nangyari sa dalawang bida. Tipong Hindi kayang hilumin ng isang ice cream lang.

Ganito kasi iyan—

Hindi ko pa man nasisimulang ipaliwanag ang aking nabasang istorya ilang minuto lang ang nakalilipas nang biglang malakas na sinipa ng magaling kong kapatid ang kama ko. Bale double deck kasi ang kama namin. Obviously, ako ang nasa itaas.

"Ano ba 'yan! Ate naman kung wala kang balak matulog please! Magpatulog ka naman!" Bakas ang iritasyon sa kaniyang sinabi. Doon na ako napanguso, gayunpaman ay hindi napigilang hindi mapairap. 

Nakakainis naman ang isang 'to panira ng moment. Tsk! Napaka-kill joy.

"Bakit 'di kana lang matulog, nangingialam ka pa sa'kin!?" pasigaw ko ring banat sa kaniya. Kung kaya niya akong sigawan syempre ako rin kaya ko rin siyang bulyawan.

"For pete sake, ate! Don't you know that it's already 1 am in the morning? Please let me sleep!" mas malakas na niyang hiyaw ngayon. Kaya naman natahimik na ako. Kilala ko ang kapatid ko at kapag ganiyan na siya at nag-e-english na badtrip na talaga siya non.

She's my little sissy Lairre Ricarte, 13 years old at freshman student ng Southern Academy. For more info isa lang naman siyang gamer. Mahilig siya sa mga panlalaking laro like COC, Dota, at iba pa. Wala siyang hilig sa pag-aaral at hate na hate niya ang mga libro.

Ibi-nack ko na ang cellphone ko at pinatay na iyon para matapos na ang isyu nang napaka-epal kong kapatid at natulog na lang.

El Destino desde 1870Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon