Kabanata 19

337 36 0
                                    

Kabanata 19

Nagising na lang ako na nasa isang malawak na silid. Amoy ko ang sariwang halimuyak ng sampaguita. I feel like nasa isang kombento ako.

Hala siya! Anong ginagawa ko rito?

Agad kong nailibot ang paningin sa buong paligid. Gawa sa pawid at kawayan ito na sinamahan nang adobeng bato para tumibay sa pagkakatayo. Sinaunang style pero napakaganda talaga. Hindi mo masasabing mainit dahil talagang sariwang-sariwa pa ang amoy ng kalooban nito. Nakahiga ako sa isa sa mga kama rito. Mayroong krus sa bandang harapan at ilang mga statue ng mga santo at anghel.

"Mukhang nagkamalay ka na, Laveinna." Doon na lang nabaling ang atensyon ko sa isang sakristan na nag-a-ayos ng mga gamit niya. Mukhang kasing edad lang siya ng kapatid ko.

Nasaan ba ako? Bakit ganito ang paligid ko? Ang huling naaalala at naaanalisa ng utak ko ay naging ako raw si Olivia at si Pedro daw si Leonardo. My god! Kaya hate na hate ko ang drugs, buti panaginip lang 'yon. Akala ko totoo na.

Ano kaya iyon, napunta kami sa story na Arrow Pen? At bakit sa dinami-rami ng lalaking kilala ko ay siya pa ang naging si Leonardo? Sabagay, okay na iyon, gwapo rin naman siya—teka ano raw? Sinong gwapo? Tsk!

Pero teka nga muna, asan ba ako? Bakit parang nasa kombento yata ako?

"O mas maganda yata kung tatawagin kitang Binibining Olivia o Señorito Ramiro na lang?" Doon na nanlaki ang mata ko bago dumako sa damit ko ang aking paningin. Kagaya lang din kanina ay naka-camisa de chino pa rin ako.

OMG! What is the meaning of this? Seryoso? Teka, seryoso talaga?

I was about to scream nang batuhin ako ng isang bolang gawa sa kawayan ng salbaheng sakristan.

"Huwag mong balaking sumigaw, baka akalain nila na ika'y sinasaniban ng masamang espiritu upang manggulo sa bagong tayong bahay dalanginang ito." Matapos niyang sabihin iyon ay inismidan niya ako.

"Times up lang ha!" Itinaas ko pa ang kamay ko. "You mean, ako? Ako si Olivia Cartello Ig—" Isang matalas na tingin mula sa kaniya ang natanggap ko.

"Mali ka, dahil ikaw si Ramiro Laong. Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalang iyan. Huwag mong babaguhin ang mga kaganapang nakatakda." Hindi ko inaasahang ganoon na lamang siyang magsalita sa mura niyang edad. Para bang alam niya ang lahat. Ganoon pa man ay lakas-loob akong nagtanong.

"P-Pero bakit? Bakit ako nandito? Teka, pumasok ba ako sa mundo Arrow Pen? Ano bang nangyayari?" Pero imbis na sumagot ay tinawanan niya lang ako.

"Iniisip mo bang pumasok ka sa isang  istorya?" matawa-tawa na niyang tanong tsaka nag-cross arm. Tumango naman ako, pero dahil doon ay mas lalo lang siyang natawa. "Diyan ka nagkakamali. Dahil ito, ito ang nakaraan mo bilang si Olivia. Ikaw si Olivia at reinkarnasyon ka niya."

Doon na ako natigilan. Tila tumigil ang aking paghinga nang sabihin niya iyon. Hindi naman ako ganon ka tanga para hindi maunawaan ang sinasabi niya. Ang kaalamang ito ang biglang nagbigay sa akin nang kasagutan tungkol sa aking mga bangungot at mga pamilyar na pakiramdam. Dahil ito rito. Kung gayon ay nandito ako sa taong 1869?

"You mean, n-nag-transport ako? Na nandito ako sa taong 1869?" Tango lang ang isinagot niya. "Di nga? Walang keme?" Sinamaan niya ako ng tingin. "Oh my god! P-Pero bakit? Why?" Ito talaga iyong tanong na kanina pang naglalaro sa isipan ko.

"Para dugtungan ang naputol na nobelang ipinangako nang isang dakilang nagmamahal para sa kaniyang minamahal at sa bayan."

Ano raw?

"Ano kamo?"

"Nasabi ko na, ayaw kong nagpapaulit-ulit." Nangiwi ako.

"Ang sungit mong bata ka!"

"Umayos ka, huwag kang sumigaw. Ilang sandali na lang at darating si Ginoong Leonardo at Padre Martin."

"Sino ka?" tahasang tanong ko.

"Mensahero ni Ten." Simpleng sagot niya na lalong ikinalaki ng mata ko.

Ten? Si Ten?

"You mean, si Ten iyong author nito I mean ng kwentong ito—este iyong nagsulat sa buhay nitong si Olivia na ako na yata ngayon?" diretsahang tanong ko.

"Oo," simpleng sagot ng masungit na bubwit.

"Weh, 'di nga?"

"Oo nga sabi."

"Si Ten talaga? OMG!"

"Wag ka ngang OA."

"Teka, kilala ako ni Ten?" Sumama lalo ang timpla ng mukha ng batang sakristan. "Paano niya ako nakilala? Lalaki ba siya? Matandang lalaki? Babae ba? Matandang babae? Bakla? Baklang ulikba? Tomboy? Matandang Tomboy?" mabilis kong mga tanong.

"Tunay nga ang sabi niya, mahihirapan siya dahil napakadaldal mo talaga. Paano na lamang kung may magawa kang kabalbalan? Hindi sa lahat ng oras ng pananatili mo sa lugar na ito ay makakasama mo ako," pagbabanta niya.

"Nino? Ni Ten? Sino ba siya? Nandito ba siya? Mi-nagic niya ba ako? Ano ba ito?"

"Ikaw ang makakasagot sa tanong mong iyan. Sino nga ba siya sa palagay mo?" Sasagutin ko pa sana ang surot na sakristan nang biglang bumukas ang pinto. Doon bumungad sa akin si Peter Einstein na ngayon ay si Leonardo na.

"Gising kana pala, Binibini." Ang lamig ng pananalita niya ay naroon at hindi ko maiwasang hindi humanga.

Pero, teka paano 'to?! Hindi pa ako nakakapag-rehearse eh, hindi ba pwedeng trial muna? Naman!

Hindi ko alam kung anong iaakto, ni sasabihin ko. Dali-dali akong lumingon sa niknik na sakristan subalit laking gulat ko nang wala na ang kabuteng sakristang iyon.

Oh my gosh! Asan na 'yon?

I M _ V E N A

El Destino desde 1870Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon