Kabanata 14

473 41 0
                                    

Kabanata 14

IKA-PITONG NA KABANATA
Filipinas 1869
Ika-20 ng Umaga ng Disyembre

"Ay jusmiyo! Mahabagin!" gulat na bulalas ng katulong nang siya ay makapasok sa kuwarto ni Ramiro. Ang katotohanang wala naman siyang balak na sapilitang pasukin ang pinto ng silid ng Ginoo, subalit wala siyang ibang magagawa. Inutusan siya ng Señor Carlos na tawagin ang kapatid upang sumabay sa agahan. Kaya naman sa pag-a-akalang sobra-sobrang himbing nang pagkakatulog ng Ginoo ay binuksan niya ang pinto upang sana ay gisingin ito.

Subalit bumungad sa kaniya ang isang hindi maipaliwanag na kaganapan. Naroon at mahimbing ang pagkakatulog ng dalawang binibini sa ibabaw ng kama ng kaniyang pinagsisilbihan.

"S-Sino kayo?" malakas na bulalas ng Mayor Doma ng mansyon. Agad namang naulinagan iyon ng dalawang binibini. Kaya agad silang napabalikwas.

"M-Manang!" gulat na saad ni Olivia na siyang si Ramiro naman.

"Señor! Señor! Mayroong mga binibini sa silid ni Ginoong Ramiro!" malakas na hiyaw nito na tila ba may sunog na nangyayari. Rinig ito sa buong mansyon kaya naman maging ang iba na nagtatrabaho sa mansyon ay nag-usisa sa kagulat-gulat na kaganapan.

"N-Naku, Manang a-ano b—" Hindi naituloy ni Olivia ang sasabihin nang kulbitin siya ni Agnes. Inilingan siya nito sabay tingin na tila ba sinasabing tingnan ang damit niya. Doon bumalik sa alaala ni Olivia na hindi pala siya nakapagpalit ng damit kagabi sa sobrang kagalakan at sila ay nakatulog na lang.

Bahagya niyang binalingan ng tingin ang sayang suot. Napapikit siya tsaka yumuko at nakagat ang pang-ibabang labi.

"Ano ang nangyayari, Manang?" Doon na siya nag-angat ng tingin nang marinig ang tinig ng bagong dating. Si Carlos iyon, ang kapatid niya. Sabay silang tumayo ni Agnes at sabay ding bumati gamit ang kastilang lenggwahe.

"Buenos Diyas Señor Carlos!" (Good Morning Señor Carlos) Gulat ang rumihistro sa mukha ni Carlos nang makita ang dalawang binibini at mas lalo itong nagulat nang maulinagan niya na si Olivia ang isa sa mga ito.

"B-Buenos Diyas," wala sa sariling tugon nito. Sa puntong iyon ay doon biglaang sumulpot si Leonardo na nakasuot ng salakot subalit, kay garbo ng suot. Nakapamulsa pa ito at may hawak na tabako. Nagsalubong ang tingin nila ni Olivia na talagang nagpangiwi sa dalaga na nagpangisi naman sa binata. Gustuhin man niyang huwag batiin ang Ginoo ay kawalan iyon ng respeto kaya naman napilitan siyang gawin iyon.

"Buenos diyas, Señor Leonardo." (Good Morning Señor Leonardo.) Tinanguan lamang siya nito subalit ni sandaling hindi inalis ang tingin sa kaniya.

'Dukutin ko kaya ang kanyang mga mapangbuskang mata. Hindi na nakatutuwa pa ang Ginoong ito.'

Isip-isip ni Olivia iyon habang pasimpleng sinasamaan ng tingin ang binata. Napansin iyon ni Carlos na ikinangiti niya.

"¿Cómo te ilamas?" (What is your name?) Puna ni Leonardo sa mga ito, bakas ang pangbubuska sa tono. Isang malakas na buntong hininga ang inilabas ni Olivia, bago niya pagalit na sagutin ang tanong.

"Ako po si Mira Asuncion at siya naman po si Agnes Tenor, kami po ang mga umawit at nagtanghal kagabi." Pilit na inaalis ang pait sa pananalita. Matawa-tawa namang inilayo ni Leonardo ang tingin kay Olivia upang hindi bumunghalit ang pinipigilang halakhak.

"Kung gayon ay ano ang ginagawa ng dalawang binibining ito sa loob ng silid ng aking kapatid? Ano ang inyong pakay? Nasaan ba siya?" seryosong puna ni Carlos sa kanila. Hindi naman malaman ni Olivia kung pinaglololoko ba siya ng dalawang Señor.

El Destino desde 1870Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon