Kabanata 75

132 14 0
                                    

Kabanata 75

Gusto ko man maging malapit sa kaniya ay alam kong hindi maaari sapagkat hindi pa ito ang takdang panahon. Narito lamang ako upang hanapin sa taong ito ang kaniyang talaarawan at ang hintayin ang pagdating ni Peter ng taong 2013 matapos ay babalik na rin ako sa Spain para roon isulat ang akda at hayaang ang tadhana ang magtagpo sa aming kapalaran.

Sa tinagal-tagal ko sa mundong ito. Napag-isip-isip ko na naka-base sa simpleng desisyon natin ang ating tadhana. At nang magdesisyon akong lapitan siya sa mga panahong nandito pa ako sa library nang ikwento ko ang tungkol sa istorya ng 'Hey Horizon' sa kaniya ay gumawa ako ng sarili kong tadhana na magkalapit kami sa ganoong paraan. Kahit asar na asar na siya sa akin ay masaya pa rin ako na kahit sa ganoong paraan ay napapalapit kami sa isa't-isa. Pero may mga pagkakataon din naman na nangyayari talaga ang coincidence.

"Tsk! Sa iba ka magyabang. Layas! Ayaw kita rito!" bulyaw niya na ikinangiti ko naman.

"Bakit mo ako pinaaalis, sa'yo ba ito? Binili mo ba itong lupang ito, ha?" Pangaasar ko. Nagkataong nakita ko siya dito, mga pagkakataong ipinagpapasalamat ko.

"Paano kung sabihin kong oo?"

"Asan ang titulo?"

"Ewan ko sa'yo. Diyan ka na nga!" hiyaw niya muli at akmang tatawid na ng kalsada nang biglang isang malakas na pagbusina ang narinig ko mula sa isang truck. Nang oras na iyon ay halos takasan ako ng kaluluwa.

No! Not in front of me. After all those years, no!

"Olivia!" And the next thing I knew ay nahapit ko na siya palapit sa akin at nayakap ng mahigpit.

"Shh, it's okay. It's okay, you're fine now. You'll be alright." Nanginginig ako. Nangingilid ang luha dala ng gulat sa nangyari. I did not expect that and will never will.

Doon ko napagtanto na kung ipipilit ko ang paglapit sa kaniya ay mapapahamak lang siya. Hindi pa ito ang tamang panahon, kailangan ko pang maghintay. Matagal ko nang ginagawa ito. Alam kong kaya ko pa siyang hintayin.

But just this once, just one day.

Kaya naman nang oras na iyon ay inimbitahan ko siyang pumunta sa bahay. Para bago man lang ang lahat ay makasama ko siya. Kahit saglit at nakaw sandali lamang.

"May ibibigay ako sa'yo."

"Pero—"

"Hihintayin kita, kagaya ng palagi kong ginagawa."

Hindi ko inaasahang matapos ang araw na iyon ay sunod-sunod ko nang mai-u-update ang Arrow Pen. Hanggang sa dumating na nga ang araw na mahanap ko na ang kaniyang talaarawan na nakatago pala sa kubong itinayo ni Olivia sa gubat na dati ay San Fernando. Sira-sira na iyon at halos tila mga kahoy-kahoy na lang. Kung hindi ko pa napansin ang kahon sa ilalim ng puno ng acacia na sinasandigan ng kubo sa itaas ng puno ay hindi ko pa iyon matatagpuan.

Muntik pa nga iyong makita ni Laveinna at mabulilyaso ang lahat. Sa pagkakataong ito, ang tangi ko na lang namang hinihintay ang ay pagdating ni Peter nang taong 2013.

I M _ V E N A

El Destino desde 1870Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon