Kabanata 7

733 53 16
                                    

Kabanata 7

"Aizael!" Doon ako biglang napabangon at habol hiningang napahawak sa dibdib ko. Anong klaseng panaginip iyon? Ito ang unang beses na managinip ako ng isang weirdong panaginip, bukod sa pumatay ako ng isang tao.

Bakit ganon ang nangyayari? Bakit naroon si Aizael? At bakit parang totoong totoo ang panaginip na iyon. Nakararamdam ako ng sakit. Naiiyak ako, pero bakit?

Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko at ang panlalamig. Kakaibang takot ang bumabalot sa akin at hindi ko iyon maintindihan.

"Ate, ayos ka lang?" Halata ang pagkaantok na tanong sa akin ni Lairre. Dinungaw pa niya ako at halos ikalaki ng mata niya nang makita niya kung paano ko guritin ang damit ko para makahinga. Kinakapos nanaman ako.

Napansin kong handa ng tumakbo si Lairre para tawagin sila Nanay subalit agad ko siyang pinigilan.

"H-Huwag!" Umiling pa ako sa puntong iyon. Halatang natataranta na siya at hindi na alam ang gagawin. "M-Matulog ka na, a-ayos lang a-ako," pag-a-assure ko sa kaniya.

Ayos lang naman talaga ako hirap lang akong makahinga pero sanay ako. Kaya hindi na kailangan pang mang-abala ako ng pagtulog nila.

"Pero, ate!" bakas ang pag-a-alala niya. Nginitian ko na lang siya at tinanguan. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang mapabalik sa pagkakahiga. Ako nama'y dahan-dahang kumilos para buksan ang bintana na katabi ko lamang. Kasabay nang pagbukas ko ng bintana ay ang pagpasok ng kakaibang hangin sa loob ng kwarto namin. At doo'y tila bumubulong sa'kin ng kakaibang salita.

'Yo soy tu pasado... Tu presente y tu futuro.'

Sa hindi ko malamang dahilan ay kinilabutan ako at nanlamig. Saan galing ang mga salitang iyon? Hanggang ngayon ba ay nananaginip pa rin ako? Ano ang nangyayari sa akin?

Hanggang sa hindi na ako nakatulog nang gabing iyon, kaya ang ending, mas lalong lumala ang eye bags ko. Kung siguro naibebenta ito napakayaman ko na. Sino kayang pwedeng pagbentahan nito?

Napagdesisyonan kong maagang pumasok. Ipinaghanda ko muna ng agahan sila Nanay tsaka ako umalis kahit wala pa mang laman ang tiyan. Hindi ako dalawin ng gutom.

Ilang minuto na akong nag-a-abang ng bus dito na masasakyan pero magpasahanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari. Makulimlim ngayon at panaka-naka ang ambon, sa kasamaang palad, wala akong nadalang payong at mas ikinasama pa nito ay walang bubong ang waiting shed.

"Haist!" hasik ko sa sarili bago tumakbo patungo sa isang malaking puno. Kaya lang magpasahanggang doon ay umaampiyas pa rin ang ambon.

Minsan napapaisip ako kung pati ba si Weather nag-a-adik na rin. Kani-kanina lang ay nasisilayan ko na ang bukangliwayway, tapos biglang ka-boom! Dumilim. Ipa-tokhang ko na kaya si Weather, baka sakaling maisipan niyang magbagong buhay.

Ngunit ako na mismo ang sumaway sa sarili. Ano ba 'tong pinagiiisip ko?

"Lagi dapat nagdadala ng payong ang mga babae." Biglang may nagsalita.

OMO! Nagsasalita ang puno?

Sa puntong iyon ay hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hala siya, anong oras palang ba? Shit! Minamaligno ba ako? Grabe, dapat pala hindi na muna ako pumasok ng maaga.

"Pffftt—— Tao ako!" bulalas muli ng isang boses. Doon na ako napalingon at bumulaga sa akin ang mukha ng isang lalaking ginagawang pandong sa ulo ang bag niya.

"Peter?" Bigla siyang ngumiti at tsaka ako kinindatan.

"Bingo! Long time no see!" natatawa nitong sabi habang kumaway pa siya sa'kin. Tila ba hirap na hirap dahil sa ipinapandong niya sa ulo niya ang bag pack. Ano raw? Long time no see? Parang noong isang araw lang nagkita kami, pero sabagay, absent siya kahapon at wala akong cares kung ano ang dahilan niya.

El Destino desde 1870Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon