Kabanata 9

304 25 0
                                    

Kabanata 9

Somehow in my math class I remember our lecture about a straight line that constantly approaches a given curve but does not meet at any infinite distance. They said they called it asymptote. At some point I feel like the given distance between me and Peter was like that line that even fate made us closer and closer to each other our fate would never be entangled as we never understood each other.

Katatapos lang nang exam namin subalit bukod sa lutang dahil puro 'pamilyar' ang sagot ko sa exam ay making effort talaga ang lola ninyo maiwasan lang si Pedro.

Minsan talaga may pagka-eng-eng talaga ako at gumagawa ng sariling ikapapahiya. Bakit ko ba kasi nasabi 'yon sa harap niya? Para tuloy akong bulate ngayon na hiyang-hiya.

"Anyari? Bakit late ka?" tanong sa akin ni Alecxis. Magkasabay kaming naglalakad dito sa hallway. Nauna na sila Yannie, gutom na raw sila, papunta kami sa tambayan.

"Tinanghali ng gising," sagot ko na lang. Tinanghali ako nang gising at puyat dahil kakaisip sa sariling kahihiyan.

"Ahh! Masipag? Nagrereview ka?" Umiling ako sa kaniya. Kung sana inereview ko na nga lang ang kahihiyan ko, may naisagot pa sana ako kanina. Bwiset na bwiset pa sa akin si Lairre kagabi, napakalikot ko daw. Muntik pa akong itakwil na ate niya.

"Hindi e, tinanghali talaga ako."

"Bweno, saan ka pala galing last Friday?" Doon na ako natigilan.

"Nasa bahay ako!" Nakangusong dahilan ko.

"Ay! Don't me po, alam kong wala ka sa bahay ninyo, nagpunta kaya ako sa inyo. Hinanap ka pa sa'kin ni Tita 'no!" Napahinga na lang ako ng malalim. Wala talaga akong maililihim sa isang ito. "At wag mo na ring balaking magsinungaling ulit sa'kin, sasaktan kita!" pananakot niya pa na ikinatawa ko naman.

"Ganito kasi 'yan—"


Halos hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang habang naglalakad sa kahabaan ng hallway ay may nakabunggo ako. May dala-dala siyang mga libro at lahat iyon ay mga novel books. Agad ko siyang tinulungan dahil nagkasabog-sabog iyon at kumalat. Subalit napukaw ng isang makalumang notebook ang atensyon ko. Kinatitigan ko iyon, para kasing pamilyar ang bawat gilid noon pati ang kulay nitong abo ay pamilyar.

'Desde 1870' 

Lalo na ang salitang nakaukit sa pinakagilid niyon. Maging ang sunog na tagiliran niyon ay pamilyar na pamilyar na tila ba minsan nang naging akin iyon. Akmang pupulutin ko ang notebook nang may kamay na naunang pumulot noon.

"Salamat, pasensya na nagmamadali kasi—" 

Maging siya ay nagulat nang makilala namin ang isa't-isa. 

Si Pedro ang nakabunggo ko.

"S-Sa'yo ba 'yon?" tanong ko. Nabigla ako nang basta na lang iyong ibinulalas ng bibig ko.

"Ang alin?" Ngayon ay iba na muli ang ekspresyon niya. Kung kanina ay seryoso at aligaga, ngayon ay nakangiti siya at kalmado na tila ba awtomatikong ngingiti siya kapag ako na ang kausap niya.

"Iyong notebook."

"Huh? Notebook? Ano bang pinagsasasabi mo? Puro libro lang itong mga hawak ko." Nangunot ang noo ko. 

Ako ba pinaglololoko ng lalaking Espanyol na 'to?

"Hoy Pedro! May nakita akong gray na notebook diyan, iyong parang makaluma tapos may sunog sa gilid at may nakasulat pa ngang Desde 1870." 

"Pasensya na, pero wala talaga akong ganoong dala. Mauna na ako sa'yo, may aasikasuhin pa kasi ako." Matapos iyon ay bigla na lang siyang tumakbo. 

Aba bastos 'yon ah! 

Sisigawan ko sana siya nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at tila ba parang nag-slow motion nang humarap siya sa direksyon ko.

Isang ngiti ang pinakawalan niya at kahit nahihirapan ay kinawayan niya ako sabay sigaw..

"Gracias amore!" Bahagya pa siyang natawa. Matapos ay biglang tumalikod na siya at tumakbo muli.

Ang pamilyar na pagkabog ng puso ko ay muling nangibabaw sa pagkatao ko. Ginawa ako nitong bato na nakatitig lamang sa papalayong tao na unang nagpadama ng ganito sa isang tulad ko.

Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang pakiramdam na ito. Pakiramdam ko parang may mali. Isang napakalaking hindi tama. Kinakabahan ako at hindi ito maganda.

“Hoy! Bebe Eins, may balita ako sa'yo!” Malayo pa lang ay sigaw na iyon ni Lizzette. “May update na ang Arrow Pen at ito ha! Hindi lang isa kundi walo. Oo bebe walo, walong chapter ang update ni Ten mo!” Alam kong may sinasabi siya subalit hindi ko iyon maintindihan, masyadong malayo sa realidad ang aking isipan bagamat nakalayo at hindi ko na rin tanaw si Peter.

Hindi ko talaga maintindihan ang pakiramdam na ito, hindi ito maganda sa totoo lang. Huli kong naramdaman ang kabang ganito ay noong second year pa ako. Nang maaksidente si Tatay sa trabaho.

"Ini-snob ka Bebs Zzette papayag ka niyan?"

Napabuntong hininga na lang ako subalit ganun pa man ay naramdaman kong may humampas sa akin.

"Aray naman!" hiyaw ko. Ikaw ba naman ang hampasin sa balikat ng topperware.

"Earth on Laveinna Encarnacion Ricarte, where are you? Yohooo!" anang ni Yannie na kumakaway-kaway pa.

"Kinakausap kaya kita, hello?" sarkastikong anas ni Zzette.

"Ah.. sorry, may iniisip lang kasi ako. Ano nga ulit 'yon?"

"Sabi ko may update na si Ten mo at eight chapter lahat 'yon." Doon na nanlaki ang mata ko.

"Oh my gosh! Talaga?"

I M _ V E N A

El Destino desde 1870Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon