Kabanata 3

1.3K 72 52
                                    

Kabanata 3

I don't know pero simula nang makilala ko si Peter parang palagi na lang akong kabado sa paligid niya. Sabi ng mga friends ko, baka naman daw crush ko lang ang new transferee namin. Hindi naman na iyon kagulat-gulat kasi gwapo naman talaga ang damuhong but, I don't know. Parang hindi lang simpleng crush lang 'tong nararamdaman ko sa kaniya parang may mas malalim na koneksyon pa na hindi ko naman mapangalanan.

Kagaya ngayon nakasunod siya sa akin, well palagi naman siyang nakasunod sa akin lately. Ilang linggo na din niya itong ginagawa at pilit niya akong kinakausap kahit ayoko.

"Hindi mo talaga ako naaalala?"

Naramdaman ko pa ang kakaibang kuryente nang saglit na maglapat ang balat namin sa kalikutan niya pero sa ngayon ay binalewala ko muna iyon. Nagtungo ako sa pinakadulo ng Fairytale section kung saan doon ko itinago ang librong 'Hey Horizon' na isa muli sa mga akda ni Ten.

Inilapag ko iyon sa lamesa at walang pakialam na nagbasa. Burado na ang isang ito sa mga reading platform at napakamahal din ng librong ito. Nakita ko lamang ito rito sa library kaya tinago ko na. Nung una nga ay nagtataka ako kung bakit meron nito rito at doon ko na lang naalalang historical fiction ang isang ito kaya siguro nandito ito sa library.

"Hey Horizon," Narinig kong basa nitong mahanging ito. Aba't akalain mong nandito pa rin siya kahit na tinaray-tarayan ko na siya kanina. "Hindi ba 'yan yung Historical Fiction ni Ten na may Erotica sa bandang gitna?" Doon ako napalingon sa kaniya. OMG! 'Di nga? May erotica ito sa bandang gitna? Teka nga lang.

"Ang spoiler mo!" giit ko.

"Biro lang." Nag-awang ang labi ko.

"So, biro lang na may erotica rito?" tanong ko, umaasa akong sana oo kasi medyo pa-inosente ako kahit na may mga nababasa na rin akong ganoon.

"Hindi 'no! Ang ibig kong sabihin biro lang na sa gitna dahil nasa panghuli 'yon!" Inis na naisarado ko ang libro.

"Pang-asar ka ano!" Hindi ako nagtatanong nagsasalaysay ako.

"Kaunti lang."

"Lumayas ka na nga lang dito! Panggulo ka lang!"

"Quiet!" Nagulat ako nang marinig ko ang malakas na sigaw ng librarian.

"Ang ingay mo kasi," sisi pa sa'kin ng hambog na ito.

"Anong ako, ikaw kaya," pabulong kong bulyaw sa kaniya. Kaya lang itong taong ito tinawanan pa ako. Ano sa tingin niya? Nag-jo-joke ba ako? Ka-imbyerna!

"Alam mo bang ang kwentong iyan ay hango sa totoong buhay?" seryosong saad niya kaya nilingon ko siya. Pakiramdam ko ay minsan lang mag seryoso ang isang ito, palagi lang kasi siyang nakangiti na tila ba walang kaproble-problema sa buhay.

"Iyang kwentong 'Hey Horizon' ay hango sa totoong buhay, kwento iyan ng buhay sa panahon ng Espanyol. I think mga 18th century sa tantya ko at sa pagkakatanda ko. Buhay iyan nang isang dalagang tsinay na alalay sa isang hacienda at isang Senior na may-ari ng Hacienda. Kumbaga parang langit at lupa sila." Ewan ko at parang mas interesado pang pakinggan siya kesa ang basahin ito. Naaliw talaga ako sa boses niya. Para bang dinadala ka kung saan mang dimensyon.

"Anong nangyari sa huli?" Wala sa sariling tanong ko. Naku-curious talaga kasi ako kung anong nangyari sa pag-iibigan ni Geneva Cartello at Senor Manuel Ignacio.

El Destino desde 1870Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon