CHAPTER : NINE

13.5K 616 232
                                    

Eleanor

*PAKKK*

Nag ala 180 degrees ang ulo ko nang sampalin ako ni Dad sa pisnge ng sobrang lakas pero hindi man lang ako nakaramdam ng sakit, nasanay na ako sa mga sampal niya sakin.

"You never failed to disappoint us Eleanor! Ano itong nabalitaan kong nakipag away ka ha?!" Nangangalaiti niyang sigaw sakin na maririnig sa buong bahay.

Nandito ako actually dahil kinaladkad ako ng mga tauhan nila. Bigla nalang sila pumasok sa condo namin at binuhat na parang sako and the rest is history.

Kinapa ko ang pisngeng nasampal at du'n ka lang naramdaman ang hapdi at init sa ginawa niya.

"I'm just defending myself to those boys." Mahina kong sabi sa kaniya at tiningnan siya sa mata. Galit ang makikita sa mata niya. Wala na bang bago 'yan nalang palagi? Sure na siya?

"Defending? They are just inviting you to join them in the party!" Singhal niya at kita kong nangangati na naman ang kamay niyang masampal ako. Bakit hindi niya gawin para totally mamanhid na ako sa mga sampal na natatamo ko sa kaniya. Ilang beses na ba niya akong nasampal? I lost count na.

"They are not! Alam kong alam mo ang mga galawan ng mga ganu'ng lalaki Dad. Those boys who will get you into trouble dapat alam mo 'yon!" Tumataas na ang boses ko dahil hindi ko na kinakaya ang mga pinagsasabi niya sakin.

Respect for him is now vanished. Hindi p'wedeng mas kakampihan pa niya ung mga gagong 'yon. Ahh sabagay nga pala kahit naman ata mapahamak ako wala sila pake sakin.

Akmang sasampalin ako nito ulit na may isang boses ang nagpatigil sa kaniya.

"Hurt her Leandro and I'm telling you, you'll be dead." Madiin ngunit ramdam mo ang pagbabanta sa tono ng pananalita niya.

Tila natakot si Dad at namutla sa itsura nito.

Nilingon ko ang may nag mamay ari ng boses na iyon at agad itong dinambahan ng yakap. "Abuela!" Natutuwang tawag ko sa kaniya. Nakaramdam din ako ng ginhawa nang malaman na nandidito siya.

"W-what are you doing here Mamà?" Nahihintakutan na tanong ni Dad.

Naramdaman kong niyakap ako ni Abuela kaya isinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya. "Estoy aqui para visitar a mi nieta." Masungit na sagot ni Abuela rito.

"You are supposed to be in Spain Mamà." Biglang singit ni Mom na may hawak na ice pack.

Tsk! Ngayon may hawak siyang ice pack? Ni hindi niya man lang pinigilan si Dad kanina na sampal sampalin ako.

"Yes I am. But how will I stay calm that knowing my granddaughter are here at baka masaktan niyo nga and I was right you hurt her!" Sermon sa kanila nito kaya hinawakan ko si Abuela sa braso para pakalmahin siya baka kasi tumaaa blood pressure niya at dalhin na naman siya sa hospital.

Isa rin si Abuela sa mga tumutulong sakin noong nasa Espanya kami pero nakatira ako sa maliit na apartment lang. Ayaw kong umasa sa kaniya kahit na Lola ko siya. I want to be independent para maipakita sa mga magulang ko na kaya ko at hindi ko sila kailangan lalo na sa buhay ko. At first Abuela was against at my decision pero kalaunan ay wala siyang nagawa. Hindi rin ako humihingi sa kaniya ng pera at talagang pinaghihirapan ko ang lahat may maipanggastos lang sa araw araw.

"I was just teaching her some lessons Mamà." Dad reason out that made Abuela gave him some death glared.

"But hurting her physically is not a good lesson Leandro! Atleast teach her in a proper way kaya ayaw niya sa sainyo!"

Natahimik naman sila dahil ata sa huling sinabi ni Abuela. Hindi na rin sila kumibo kaya hinila nalang ako ni Abuela papuntang kusina.

"Does it hurt my Apo?" Nagaalalang tanong niya sakin nang makaupo ako sa may stool ng counter top kitchen.

Memories Where stories live. Discover now