Eleanor
"Pst! Hoy!"
Hindi ko pinansin ang kanina pang shokoy na nangungulit sakin. Sinabi na niyang lulubayan niya na ako kapag pumayag ako sa date kagabi pero yawa bakit nandidito 'yan sa harap ko mismo ang pangit pa ng mukha.
"Eleanor, hey." Tawag niya pa ulit.
Nahampas ko siya ng librong pang Architectural nang kalabitin nito ang tagiliran ko kung saan ang kiliti ko. Bwisit inaano ko ba siya.
"What? Javier." Masungit kong tanong at sinamaan siya ng tingin.
Nanahimik buhay ko rito sa loob ng room tapos mangiistorbo siya. Si Yanna nga na hindi ako kinakausap kasi alam niyang wala ako sa mood makipagusap ngayon baka masapak ko lang kapag may umistorbo sakin.
"Why so sungit?" Maarteng tanong nito na kinairap ko. Anong tingin niya tatawa ako sa pagiinarte niya aba hindi 'no. Mukha siyang uod na binudburan ng asin kasi kumekembot pa siya.
"None of your business."
"Ikaw naman ang aga aga sungit mo. Nandito lang naman ako para ibigay itong singsing na nahulog mo kagabi." Sabi niya sabay abot ng singsing ko.
Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko napansin na nawala ang singsing ko kagabi. Masyado kasi akong nakafocus kay Ma'am kaya hindi ko napansin man lang na nawala na pala ang importanteng bagay sakin.
Kinuha ko naman ito at pinasalamatan siya bago itaboy. "Makakaalis ka na alipin."
"Makaalipin ka. Sa gwapong kong 'to?! Tatawagin mo lamang akong alipin binibini? Hindi iyon maaari, sapagkat isa akong maginoong huwarang na humahanga sa ganda mong taglay na tila isang palamuti na tanging namamayani sa kapaligiran." Feeling makaluma eh sa mukha palang niya matagal na siyang luma.
Binigyan ko lang siya ng isang nakakamatay na irap, ang OA niya sa part na 'yon. Sarap niyang ibalik sa nanay niya.
"Nakakahurt ka na ng feelings Eleanor ah. Hindi mo man lang na appreciate pagsasalita ko ng sinaunang tagalog." Madrama niyang turan at humawak sa may bandang dibdib niya.
"Edi mahurt ka. Pake ko?"
"Napaka sungit talaga. Kulang ka ata sa lambing halika rito at ako ang magbibigay ng lambing sayo." Akmang lalapit na ito nang ambahan ko siya ng kamao ko at tinuro ang mukha niya.
Ang gago ngumuso na parang tanga sa harap ko kaya ayan na naman ang mga tilian ng mga kablockmates namin na babae. May ibang kilig na kilig habang may iba naman na pinapatay na ako sa inggit. Mainggit sila e hindi ko naman kaano ano itong isang shokoy na 'to.
"Manahimik ka Javier ah atsaka lumayas ka nga wala pa ngang klase sinisira mo na ang araw ko."
Wala naman siyang nagawa kaya umalis nalang na siyang kinahinga ko ng maluwag. Magsasalita na sana si Yanna dahil kita ko sa gilid ng mata ko na kanina pa siya nakatingin.
"Manahimik ka rin Mare wala ako sa mood baka sayo ko na ihahampas ang librong hawak ko." Banta ko sa kaniya at pumangalumbaba sa lamesa ko.
Inaantok pa ako dahil kulang ang tulog ko kagabi. Hindi kasi ako mapakali lalo na parang ramdam kong may nagmamasid sa amin dalawa o baka guni guni ko lang iyon.
"Napaka sungit. Buti napagtitiyagaan ka ni Miss Dela Costa." Agad ko naman tinakpan ang bunganga niya at lumingon sa paligid kung may nakarinig pa pero wala kaya nnakahinga ako ng maluwag. Punyawa na'to napakadaldal.
"Lalagyan ko na talaga ng stapler 'yang bunganga mo napaka daldal." Asar kong sabi sa kaniya at tinampal ang bibig niya. Nakakaasar eh makulit.
Nagpeace sign lang ang gaga nang marealize siguro ang sinabi kaya sinamaan ko siya ng tingin bwisit na 'to.
YOU ARE READING
Memories
FanfictionMare Series One [GXG] StudentxTeacher Pretending? Lies? A painful heart and a shattered soul. Are they able to meet their end being together or maybe will be stuck with a tragic ending but still believe that in a story there will be always a happy e...