CHAPTER : FIFTEEN

14.4K 580 272
                                    

Eleanor

Nababagot na ako rito kakaupo, wala man lang akong ginagawa. Iniwanan naman ako ni Ae sandali dahil may gagawin pa daw siya.

What about me naman? Ano gagawin ko rito? Bukod sa may piring na mata ko wala naman akong makita. Masakit na rin sa mata kasi ilang oras na ako nakablindfold tapos medyo gutom na rin ako.

Sinubukan ko namang kumanta kaya lang punyetang kanta ang pangit pakinggan kapag ako na kakanta. Pangit kabonding ampota.

At dahil bored na bored na ako ay sinubukan kong tanggalin blindfold ko. Pasaway kasi ako kaya tatanggalin ko na, sisilip lang naman ako kung nasaan ako.

Ngunit bago ka pa magawa ay agad na bumukas ang pintuan kaya dali dali kong nilagay ang kamay ko sa may likuran.

"I brought some foods." I heard she said and An aroma of viands roamed around the room.

T_T ang bango. Ramdam ko namang nagrambulan ang mga alipin ko at umiiyak na sa gutom.

Naramdamn ko ang presensiya nito sa gilid ko at ang paglapag niya ng sa tingin ko ay tray. Actually nakaupo lang ako rito sa kama instead of chairs dahil pinalipat niya ako kanina so I assumed kwarto talaga ang pinaglalagyan sakin ngayon tapos may Aircon din. Ang taray 'no.

"Ae wala man lang bang dumating na magliligtas sakin?" Parang tangang tanong ko sa kaniya.

Narinig ko itong umismid bago magsalita. "None. They're not going to save you, if in the first place they know who is your kidnapper."

Kumunot naman noo ko sa sinabi niyang alam 'nila' kung sino siya kaya hindi na nila ako kukunin rito. "What do you mean 'nila'? Who you were pertaining?" Tanong ko.

"I won't tell. It is for me to know and for you to find out."

Napaikot naman ako ng mata kahit hindi niya nakikita. "Stop rolling your eyes, Eleanor."

Lah? May Scanner ata mata nito.

I tried to rolled my eyes for the second time if she will see. "Stop it kung ayaw mo sa ibang bagay ko 'yan paikutin."

I felt my face heated up upon hearing her statement. Tumigil nalang ako at hinintay kung ano ang gagawin niya sa akin.

Naramdaman ko itong umupo sa tabi ko. "Say ahh." Sinunod ko ang sinabi niya at may sinubo sa akin.

"What's that?" Tanong ko nang malasahan ang pagkain. The taste are familiar but I forgot what is it. Medyo maanghang rin siya.

"Lason."

Pambihirang babae tinatanong ng maayos tapos isasagot ganiyan. Nakakaputangina sarap itapon de joke lang

"Nagtatanong na maayos eh!" Reklamo ko.

"Malamang pagkain."

Napatampal naman ako sa noo ka sa sagot niya ulit sa akin. Anak ng tokwa naman.

"What I mean is what kind of food is this? What's the name of the food?"

"Ayan nilinaw ko na, pakilinaw rin ng sagot kung ayaw mo busalan ko rin 'yan." Pagtatapos ko at pinagkrus ang kamay habang inisa linya ang labi. Kapag ako napikon rito wala lang mapikon lang.

"Bicol Express." Simpleng sagot niya. Mabuti naman at sinagot na niya ako ng matino.

Tumango tango lang ako rito at pinagpatuloy na niya ang pagsubo sakin. Hindi dapat kiligin dahil hindi ko pa siya nakikita.

Huwag kiligin sa hindi pa nakikita.

Pagkatapos niya akong subuan ay nagpaalam muna siyang lalabas para hugasan ang pinagkainan. Infairness kay Ae pang wife material na since she said that she can do household chores and she can cook. Ako lang kasi ang hindi marunong magluto magaling lang akong lumamon. Nu'ng nasa Spain ako tamang Canned Goods lang kinakain ko or hindi kaya noodles mas less budget kasi kesa sa mga lulutuin pa, in that way makakatipid ako.

Memories Where stories live. Discover now