CHAPTER : ELEVEN

14.2K 655 311
                                    

Eleanor

Malamig na hangin ang marahan na humahaplos sakin ngayon and I think galing iyon sa aircon. Nakatali at nakapiring rin ako kaya hindi ko alam kung nasaan at kung sino may kagagawan nito.

Kakacrush ko pa nga lang kay Ma'am tapos ganito pa ang mangyayari, mukhang mapapaaga ang himlay ko. Ano ba kasi kailangan ng kidnapper na'to? Kung pera wala ako bukod sa slapsoil ako eh wala talaga siya mahihita sakin tapos ako pa ang target niyang kidnappin porket mestisa at makinis balat ko napagkamalan niya atang mayaman ako.

"You're Awake." A sweet voice lingered on my ears it was kind of husky yet soothing.

But it came from a woman! Hala babae kidnapper baka p'wede naman namin pagusapan kung bakit niya ako kinidnapp tapos maganda pala siya 'no?

I shook my head before I answer her.

"Hmfsf..." Ay gago nakabusal pala ako ampota naman pangit kabonding.

Narinig ko ang yapak nitong papalapit sa akin kaya ang tibok ng puso ko ay nag ala racing na sa bilis at kaba.

A lavender scent invade my nostril as she went near me, that smell I know someone who have the same scent with the kidnapper.

But I don't want to give some conclusions, maybe they have the same favorite scent that's why.

I flinched at the sudden contact nang ilagay nito ang kamay sa balikat ko at marahan na pinadausdos paakyat sa leeg ko na agad ko rin kinatawa dahil sa kiliti.

Wrong timing naman itong kiliti ko eh.

"Hngghhh!"

"Ticklish?" She softly asked and whispers on my ears atsaka ito hinipan na kinanindig balahibo ko, ramdam ko ang pagtayo ng buhok ko sa may batok dahil sa ginawa nito at wala sa wisyong tumango sa tanong niya.

"Mi Amor..." Malambing niyang sabi at ramdam kong pumunta na siya sa harapan ko.

Ang bango gagi, amoy palang amoy expensive na eh.

Hindi man ako makasagot sa kaniya dahil sa punyetang busal na 'to.

"I miss you." Malumanay ang pagkakasabi niyang 'yon pero mababakas ang lungkot at pagkasabik sa boses niya. Nanlaki rin ang mata ko dahil sa sinabi niya kahit hindi niya makikita dahil sa blindfold.

I'm speechless.

"What happened to you?" Malungkot niyang tanong at hinawakan ang kanang pisnge ko at marahan itong hinaplos.

I can feel how her hands are warm and it is good to be in contact with my skin.

"Hnghh." Bakit kasi hindi niya tanggaling ung busal ko para naman may kausap siya at mapagusapan ang ransom kung sakaling 'yon nga habol niya dahil sa amoy at pagsspokening dollar palang niya mukha na siyang mayaman eh.

Kahit man lang busal nalang tanggalin niya at huwag na 'yong tali at piring ko.

"I'll remove the piece of cloth okay?" Tanong niya. Napansin niya atang gusto ko magsalita.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang matanggal niya na ung busal pero infairness maganda ung tela at mukhang hindi pipitsugin na tela un na parang hindi basahan ung ginamit niyang pangtapal sa bunganga ko.

"Much better?"

"Y-yes" hinihingal kong sagot sa kaniya.

"Did you recognize my voice?"

Umiling naman ako sa kaniya bilang tugon dahil wala talaga ako kaalam alam. Baka mamaya isa siya sa mga naghahabol sakin de joke lang mabait talaga ako at hindi ako babaera tulad nila Yanna.

Memories Where stories live. Discover now