CHAPTER : THIRTY - THREE

14.8K 474 193
                                    

Ava

"Ethereal baby you say babye na kay Momma. We will leave." Sabi ko rito habang busy siyang nakahiga sa lapida ng asawa ko.

Napangiti naman ako sa nakikita ko. It looks like Ethereal were lying on Eleanor's lap.

May nagbabadya na naman na may tumulo sa mata ko ngunit agaran ko itong pinigilan. Ayaw kong makita akong umiiyak ni Ethereal dahil panigurado akong iiyak rin siya.

Kahit na ilang taon palang siya ay nakakaramdam na siya ng emosyon ng tao. Kapag alam niyang galit ako ay magbebehave na siya at kapag naman malungkot ako ay yayakapin nalang niya ako bigla at kapag naman iiyak ako ay iiyak rin siya.

"That fast Mommy? Ayaw ko pa po."nakanguso nitong sabi at may luha ng lumilitaw sa mala Almond eyes nito.

She has the same eyes with my wife. Para bang sa kaniya pinaglihi si Ethereal even her lips and nose are the same shape features with her.

"We need to go home. Lolos and Lolas are waiting for the two of us." Dahilan ko rito.

"Wah! Ayaw ko pa Mommy." Himutok niya at umiyak na ng tuluyan.

Napakamot naman ako ng leeg ko dahil sa ginawa niya. Marami na ring tao ang nakatingin sa amin dahil sa inaakto ng anak ko.

Hindi lang din naman kaming dalawa ang tao rito. May ibang pamilya na buminisita sa kabilang banda.

Nilapitan ko naman si Etheral at binuhat para patahanin siya.

"Hush.. Baby we can visit her again naman eh okay? Stop crying. Mommy will cry na din oh look." Sabi ko rito at pinakita ang mata ko na papaiyak na rin.

"Ihhh Mommy wah!"

Napabuntong hininga naman ako at nilapag muna siya sa blanket bago pumunta sa lapida ni Eleanor.

"I know saying goodbye to you is my hardest words to say but we need to go, Mi Amor. I promise to visit you again. I hope you're okay there. I really miss you. Kung nandito ka lang ay makikita mo na sana kung paano lalaki si Ethereal at kung paano sabay tayong tatanda but yeah maaga kang kinuha sakin. Just remember that no one will replace you in my Heart, Mahal ko. Mahal na mahal kita." Naiiyak kong litanya.

Tumingala ako para pigilan ang luha ko at bumuntong hininga.

Bigla naman tumabi sakin ang anak namin.

"Mommy? Hindi na iyak si Ethereal. Huwag na po crycry see? Tara na po uwi na tayo." Malambing na turan nito at niyakap ako patagilid.

Napangiti naman ako dahil tumahan na siya at pumayag na umuwi.

"Byebye Momma!" Paalam nito.

Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang direksyon ni Eleanor. Tila ba pinaglaruan ako ng mata ko ng makita ko itong nakatayo sa harap ko mismo na nakasuot ng puting bestida at nakangiti ng matamis sakin.

Mariin akomg pumikit at nagmulat ngunit ganu'n nalang ang pagkadismaya ko nang wala akong makitang isang Eleanor.

Maybe I'm hallucinating again.

Naglakad na ako papunta sa sasakyan habang karga ko si Ethereal at hawak ang basket na pinaggamitan namin kanina.

Pinasok ko na si Ethereal sa may backseat at kinabitan ng seatbelt bago ko ilagay sa tabi nito ang basket.

Pinasibad ko na ang kotse pauwi sa mansion ng mga Vasquez.

-----

"My Apo hello you're here!" Excited na wika ni Mom at kinuha sakin ang anak ko tsaka ito dinala sa tabi ni Tita Beth.

Memories Where stories live. Discover now