CHAPTER : TWELVE

14.8K 584 131
                                    

Eleanor

"Get one piece of paper and we were having a surprise quiz up to 100, Now!" A usual cold voice entered our room with a dark aura surrounding her and with a glimpse of irritation can be seen on her face.

Samu't saring reklamo na naman ang naririnig ko sa mga kaklase ko dahil sa biglaang bungad sa amin ni Ma'am at walang pasintabi na nagpaquiz.

Mukha siyang badmood dahil sa hilatsa ng maganda niyang mukha. Kung sino man nagpasama ng mood niya madapa sana siya bwisit.

Wala man akong nagawa kundi kumuha ng papel at hinintay na magsalita siya.

"Punyeta talaga." Mura ng katabi ko.

Ang lutong gagi.

Siniko ko ito at pinandilatan ng mata nang mapatingin sa gawi namin ang tingin ni Ma'am at agad kaming binigyan ng nagbabantang tingin niya pero nu'ng nahuli niya akong nakatingin sa kaniya ay inirapan lang ako nito at tumingin sa harap.

Grabehan ha.

Nagsimula na kaming magtest at mahal ako ni Lord ngayon dahil nakapasa ako sa quiz niya at karamihan sa mga kablockmates ko ay kalahati lang kaya ayan na naman ung bunganga ni Ma'am nag aala machine gun sa sermon na kesyo hindi daw nagaaral at nakikinig ang mga kablockmates ko.

"As your punishment for failing our today's quiz. To those who didn't reached the passing scores you have to retake this quiz and it should be perfect next time, Understood?" Maawtoridad nitong sabi sa aming lahat na siyang kinatakot ng mga kablockmates ko habang ako? Chill lang.

Pasado ako eh.

"Yes Miss." Sabay sabay namin tugon sa kaniya bago niya kami layasan ngunit bago iyon ay sinulyapan niya ako saglit atsaka dumeritso na palabas.

Du'n lang nakahinga ang mga kaklase ko at nagsitayuan na para umalis dahil lunchbreak na namin.

Tumayo na rin ako at tiningnan ang katabi na ngayon ay nakadukmo na parang tanga sa lamesa niya.

"Hoy tara na." Aya ko sa kaniya.

Hindi ako nito sinagot kaya hinampas ko siya sa braso na kinadaing niya kaya inangat nito ang ulo nito at kita ko ang mukha niyang mukhang ewan.

"Anong pagmumukha 'yan Yanna?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

"Maganda gaga ka ba? Kita mo ng maganda magtatanong ka pa tsk!" Masungit nitong tugon at pabalibag na tumayo sa upuan niya bago kunin ang mga gamit at naglakad palabas ng room.

Naiiling na sinundan ko lang ito at as usual 'yan na naman mga tingin nila na nakasentro sa amin dalawa nitong katabi ko na nakasambakol ang mukha. Kahit ata sumimangot ito buong maghapon may titingin at titingin talaga sa kaniya. Ung ganda niya kasi maipapantay na sa akin hindi na ako aangal pa dahil iyon ang totoo.

"Bakit ganiyan mukha niyan?" Pagkuwan tanong ni Sierra nang makarating na kami sa loob ng cafeteria at umupo sa tabi nila.

Gusto nga sana namin sa carinderia kumain kaya lang hindi naman kami papayagan ni Mang Nestor kaya no choice kami kung hindi magistay at pagtiyagaan ang pagkain rito kahit na kulang sa timpla at lasa tapos ang mamahal naman.

Maisumbong nga kay Tito Bogart na siyang may ari nitong University at the same time ninong naming apat. Masyado rin niya kaming iniispoil noon dahil walang asawa't anak si Tito kaya kami nalang tinuring niyang anak. Isa rin siya sa mga kaibigan nila Dad pero siya lang talaga ang hindi nag asawa dahil subsob ito sa trabaho at sa edad na 44 years old ay wala na talaga siyang balak na maghanap pa, kuntento na daw siya sa kung anong meron siya ngayon.

"Paano ba naman kasi nagpasurprise quiz na naman si Miss Dela Costa! Wala pang isang buwan pero grabe na siya magpaquiz up to 100 na tapos ang passing score 80 up punyeta." Reklamo ni Yanna kela Sierra.

Memories Where stories live. Discover now