CHAPTER : FOURTEEN

13.5K 616 247
                                    

Eleanor

I was woke up by the noise of people talking. I felt a cold metal lingering around my wrist and a blindfold covering my eyes and a piece of cloth inside of my mouth.

Deja vu?

"Boss maganda itong nakuha mo. Paniguradong malaking pera ang makukuha natin dahil sa kutis at puti ng balat niya." I heard a man said from the corner.

Natakot naman ako sa sinabi nito pero bangag ba siya? Kailangan ko pa ba isampal ang wallet ko na walang laman at isa lamang akong slapsoil. Ako'y ginigigil nila ah.

Kung maghahanap sila ng kikidnappin dapat ung anak mayaman at sa itsura palang mayaman na datingan e mga ayusan ko nga tamang sa hukay ko lang nabibili tapos ako pa ang natarget. Naalala ko tuloy si ano ay never mind ghoster 'yon. Pagkatapos niyang sabihin na asawa ko siya bigla nalang hindi nagparamdam sakin anak ng tokwa.

"No, don't touch her." A deep and manly voice echoed in what we are right now.

Shems boses palang ang gwapo na ay gagi virus pala sila at lason.

"Bakit boss? Diba kapag nakuha na natin ang ransom itatapon na natin 'yan sa dagat?" Takang tanong nito.

Nanlalaki naman ang mata ko sa narinig ko dahil itatapon daw ako sa dagat kapag nakuha nila ung ransom. Punyeta wala silang mahihita sakin.

"Hmm.." The Man hummed as a response before he leaves us here.

"Sayang ganda pa naman nito pero itatapon lang pala sa dagat. Kawawang nilalang." Hindi ko alam kung namumuri ba siya o nanlalait eh.

Gumalaw naman ako na siyang kinapansin niya dahil tumunog ang bakal na nakatali sakin.

"Gising ka na pala ganda." Sabi niya at lumapit sakin.

"Hmpph!" Impit kong sabi dahil may busal ako.

"Teka huwag kang magulo ganda tatanggalin ko lang ung busal mo para makichika ako sayo." Tinanggal naman nito ang busal ko at napaubo pa.

"Ang baho naman ng kamay mo!" Agad na reklamo ko sa kaniya nang maamoy lupa ang kamay niya buti nalang hindi dumikit sa bibig ko ang kamay niya.

"Aba! Nanlait ka pa ha buti nga tinanggal ko busal mo kahit papaano eh!" Singhal niya sakin.

I hissed and didn't talk again. Ayaw ko nalang magsalita dahil ididispose rin naman nila ako sa huli.

"Ganda anong name mo?" Tanong niya sakin at naramdaman ko itong umupo sa tabi ko.

Hindi ko siya sinagot kaya nagsalita siya ulit.

"Ganda sayang ka rin eh 'no? Mapapatapon ka sa dagat. Any last words para sa boyfriend mong naghihintay sayo." Tanong niya pero sinamaan ko ito ng tingin.

"Wala akong boyfriend." Tipid ko saad.

"Wife meron ako." Dagdag ko na siyang kinalaki ng mata niya at napahawak sa bibig.

"Omg! Bading ka? Anla same!" Tili niya kaya ako naman ngayon ang hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya.

Hindi nalang muli ako umimik at yumuko.

Wala talaga magawa ang mga kidnapper lagi nalang ako ang pinagkakamalan na mayaman.

"Gusto mo tubig ganda?" Aya niya na siyang kinatango ko nalang dahil namamalat na rin ang lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita rin ng maayos.

Binigyan ako nito ng tubig at pahirapan pa dahil ang baho ng kamay niya Pambihira. "Hoy ganda ayusin mo naman ano ba!" Reklamo niya nang bugahan ko siya ng tubig hindi ko na kasi kinakaya ung amoy ng kamay niya.

Memories Where stories live. Discover now