CHAPTER : TEN

14.7K 671 205
                                    

Eleanor

Nakasimangot at masama ang timplang nakaupo ako ngayon rito sa upuan habang tinitingnan ang babaeng nagbabantay sakin.

"Ma'am! Ang daya bakit ako bantay?!" Asar kong tanong sa kaniya at pinagkrus ang dibdib.

"That's your punishment, Miss Vasquez." Malamig niyang turan at matalim na tingin ang pinupinukol nito sakin mula sa mala dagat niyang mata ngunit nalakalunod.

Ako lang naman kasi ung nagbabantay ng gate ngayon at pinagpahinga niya muna si Mang Nestor doon sa may kwarto niya mismo rito sa University. Ang taray halos lahat ata ng staff rito may sariling kwarto.

Friday din ngayon at alam kong sabi nila Sierra may events daw talaga ang University na'to kada Friday kaya imbes na magsaya ako ngayon eh nandidito ako nakaupo habang binabantayan ng isang maganda este striktong professor.

I looked at her from head to toe. She is indeed beautiful,oh scratch that beautiful isn't enough to describe her ethereal beauty. Kung ako nakatuluyan ni Ma'am at nagkaanak kami siguro ipapangalan ko ay Ethereal para maalala ko kung gaano kaganda si Ma'am every time I'm going to call our daughter.

Ang advance ko naman mag isip leche.

"Eh ba't sila Sierra nasa gym? Tapos ako nandidito lang nakaupo. Do I deserve that?" Madrama kong reklamo sa kaniya at ngumuso bago siya tingnan at nagpaawa pa.

"Don't give me that kind of face Miss Vasquez. It doesn't suits you nagmumukha kang ligaw na specimen."

Anak ng tupa. Sinamaan na nga ng tingin nilait pa ako.

"Hoy! For your information maganda ako 'no. Walang lalaki magkakandarapa sakin sa Spain kung hindi ako maganda." Mataray kong aabi sa kaniya atsaka nagflip hair pa. Hindi p'p'wedeng nilalait ang kagandahan tsaka duh I'm gold tapos si Ma'am ang tanso charot Diamond si Ma'am kailangan luhudan este galangin.

Pinagkrus rin ni Ma'am ang dalawang braso niya sa may dibdib niya kaya na emphasize ung ano niya. Iniwas ko naman ang tingin ko rito at tumingin lang sa labas ng gate kung saan maraming tao ang abala at mga sasakyan na padaan daan.

"Who are they? Name drop." Hindi ko alam pero parang iba ung tono ng pananalita niya. Hindi ko tuloy alam kung sasabihin ko ba sila isa't isa dahil una sa lahat wala akong pake sa kanila at hindi ko sila kilala.

"Ba't ko sasabihin sayo? Ano ba kita? Jowa ba kita? Asawa ba kita? Ni label nga wala tayo tapos magtatanong ka kung sino sila? Ayaw ko nga bahala ka kahit maganda ka este pangit ka." Walang saysay na wika ko sa kaniya bago siya irapan at pumangalumbaba.

Nakaramdam naman ako agad ng sakit sa ulo ko nang may bagay na tumama sakin.

Mapanakit hayuf.

Inangat ko ulit ang ulo ko at handa na sana siya bigyan ng masamang tingin kung hindi lang bumungad sakin ang nakataas nitong kilay at ang brasong nakakrus habang ang awra niya ay madilim.

Itinikom ko nalang ang bibig ko at hindi na nagsalita pa baka mamaya anong gawin nito sakin sa asar niya. Pambihirang buhay naman kasi, kasalanan kasi ng mga lalaking kinulang sa buwan nu'ng pinanganak. Buti nga suspended sila ng dalawang linggo.

Dsrv.

Hinanap ko naman ung binato niya sakin kanina, isang ballpen pa talaga at take note G-Tech pa un eh kamahal mahal ng isang piraso niyan tapos sa kaniya ibabato niya lang?

Perks of being a rich woman. Tsk!

Iniwanan naman ako nito saglit kaya yumuko nalang ako para ipikit ang mata. Wala rin naman kasi masyadong tao ngayon dahil nasa gym nga silang lahat miski sila Sierra ay nandu'n rin.

Memories Where stories live. Discover now