Eleanor
Napapakamot nalang ako sa kilay ko dahil sa sobrang init at kanina pa ako paikot ikot pero wala nganga ako.
Naghahanap na kasi ako ng part time job dahil ung wallet ko umiiyak na dahil wala ng laman. May laman nga credit card ko pero hindi ko gagalawin 'yon unless emergency na at para sa future ko lahat 'yon. Ayaw ko naman maging nganga nalang sa future.
Tinry ko kanina sa fastfood restaurant which is Mcdo pero agad ako tinanggihan nu'ng Manager ni hindi pa ako nasusurvey or interview man lang basta sinabi 'Sorry Miss Walang Bakante.'
Walang bakante pero kita sa labas ng restaurant may vacant daw ampota naman. Hindi naman porket ganito itsura ko mukha na akong anak mayaman. Iyon siguro ang napansin nila kaya hindi ako tinanggap pero may binigay silang flyers sakin pero hindi ko 'yon pinansin ta's nilagay sa bag ko.
Sumunod naman ako sa may maliit na cafe and ganu'n ulit ang nangyari at may binigay ulit na flyer. T_T
Nakasampong hanap na ako pero iisa lang ang sinasabi nila kagaya nu'ng sa Mcdo at palagi nila ako binibigyan nu'ng flyer kaya sa asar ay binasa ko iyon.
HIRING!
you don't have anything to do just accompany the boss and you will be paid up weekly.Anong kalokohan 'to? Meron bang ganiyang trabaho? Wala ka lang gagawin at sasamahan lang ang boss tapos may sahod ka na. Anong klaseng boss naman ito.
Naiiling na sinilid ito sa bag ko at kahit na natatawa ay pinuntahan ko ang lugar kung saan ung hiring na 'yon. I just want it to give a try, wala naman siguro mawawala dahil una palang kailangan ko ng pera.
Nilakad ko nalang para tipid sa pamasahe atsaka malapit lang din naman iyon kanina sa pinag applayan ko. Ang papangit nilang kabonding mga bwisit sila.
Nalula naman ako sa laki ng building na nakikita ko ngayon. Isang malaking WOW dahil sa ganda ng structure at apaka details ng bawat exterior ng building.
Naglakad na ako papasok sa entrance pero agad akong pinigilan nu'ng guard at binigyan ako ng mapanuring tingin.
Judgemental yarn?
"Bawal pulubi rito Ma'am." Sabi sakin ni kuya.
Ampota? Alam kong pulubi ako pero hindi naman ako katulad nu'ng mga pulubing nasa kanto. Mukha lang akong haggard dahil kanina pa ako babad sa init at ramdam ko na ang pamumula ng balat ko.
"Kuya hindi po ako pulubi. Nandito po ako para magapply ng trabaho." Paliwanag ko sa kaniya. Kaasar lang si Kuya ha ang judgemental niya sa totoo lang.
Sa ganda kong ito? Hindi niya ba nakita kagandahan ko.
"Sorry Miss pero hindi pa kami hiring ngayon at walang bakante." Napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi niya na katulad rin sa sinabi nu'ng sampung chain kanina.
Naiinis na ako pero pinakalma ko lang ang sarili ko at sinubukan kong kausapin ng mahinahon si Kuya.
"Kuya may flyer pong binigay sakin na Hiring kayo ngayon kaya paano niyo pong nasabing hindi kayo hiring e malinaw po sa flyer na hiring kayo." Mahabang litanya ko sa kaniya pero inilingan ako nito.
"Baka po nascam ka Miss. Mabuti pang umalis ka na bago pa makita ni Madam na may pulubing papasok ng building niya. Ikakasira iyon ng reputation ng company ni Madam kaya Miss Umalis ka na."
Kuya pasapak isa lang.
Bagsak balikat na lumabas nalang ako ng building at nakayukong naglalakad. Naiiyak na rin ako dahil hapon na at wala pa akong makuhang trabaho. Tapos ang laman nalang ng wallet ko 50 pesos saktong pamasahe ko nalang pauwi.
YOU ARE READING
Memories
FanfictionMare Series One [GXG] StudentxTeacher Pretending? Lies? A painful heart and a shattered soul. Are they able to meet their end being together or maybe will be stuck with a tragic ending but still believe that in a story there will be always a happy e...