CHAPTER : THIRTEEN

15.1K 599 143
                                    

Eleanor

"Yanna pakibilis naman! Ang bagal mong kumilis kumag ka!" Sigaw ko sa kaniya mula rito sa labas ng pintuan ng condo namin.

Ang bagal kasi kumilos daig pa ang pagong sa bagal niya. Ilang minuto na akong naghihintay rito baka maiwan na kami nila Sierra. Kanina pa sila bumaba ni Isla kaya kaming dalawa nalang ni Yanna ang naiwan at ayun nga napaka bagal ang bwisit. Nakailang sabi na rin siya malapit na siyang matapos at inabot na siya ng siyam siyam sa kwarto niya.

Siya ung klase ng tao na nagpapahalaga sa oras most especially she wants to be punctual but at this state right now she's not.

"Ito na nga oh, napaka mainipin mo naman." Naasar niyang sabi sakin at siya pa may ganang ikutan ako ng mata. Pambihira naman.

Naglakad na kami papunta sa may Elevator at pinindot ang Basement kung saan ang parking area. May iilan rin kaming nakasabay tapos magjowa pa.

I wanna puke. What an eyesore.

"Sinong hindi maiinip e nakailang sabi ka na malapit ka ng matapos e halos abutin ka ng kalahatinh oras sa kakagayak tapos ang dala mo 'yan lang?" I said with a frustration on my voice and pointed the things she's holding.

"Bakit ba? Pake mo?" She scoffed before ignore me. Napaka ano nga naman.

Asar na tumingin lang ako sa pintuan ng elevator at hinintay na makababa na kami agad sa basement baka mahambalos ko lang siyang gaga siya.

"Bakit ang tagal niyo? Halos layasan na namin kayo ni Sierra eh. Alam niyo namang mainipin 'yon." Bungad samin ni Isla pagkarating namin sa p'westo ng kotse namin.

Mukhang nasa loob na rin si Sierra at ramdam ko ang malalamig nitong tingin dahil sa tagal ata naming bumaba.

"Ask her." Sabi ko at tinuro si Yanna na ngayon ay binigyan lang ako ng nagbabagang tingin pero nagkibit balikat lang ako at pumasok sa passenger seat. Sigurado kasi akong silang dalawa lang ni Isla ang magdadaldalan sa likod kaya kay Sierra nalang ako tatabi para kahit papaano kay kausap siya at hindi maantok sa biyahe.

"Where we heading to?" Tanong ko sa kaniya pagkapasok ko ng kotse hindi ko na rin pinansin ang masasamang tingin na pinupukol niya sakin at kinabit nalang ang seatbelt ko bago ayusin ang dalang mga gamit.

"Mountain." She simply said and started the engine to heat it up for awhile.

Pumasok na rin ung dalawa habang nagbabangayan.

"Kahit kailan talaga ang bagal mo!"

"Eh ano naman sayo? Mabilis naman ako sa anuhan."

"Anong anuhan ka diyan? Tanginamo kung ano ano naiisip mong gaga ka." Singhal sa kaniya ni Isla bago ikabit na rin ang seatbelt niya.

"Sa piano malamang. Masyado namang madumi 'yang utak mo, maligo ka nga ng holy water para naman malinis 'yang napakarumi mong utak!" Yanna mocked and put her things behind the seats.

"Wow coming from you eh?" Sarkastikong tanong nu'ng huli kaya naiiling na binaling ko ang tingin kay Sierra na nakaneutral na naman ang mukha.

Typical her. She doesn't know how to smile with her teeth showing. She always wear her poker face that's why a lot of people scared of her and mostly people call her 'Maldita' but yeah it was kinda accurate?

Pinasibad na niya ang kotse palabas ng basement. Sabado naman ngayon kaya gagala kaming apat. Wala rin naman silang family dinner kaya kami nalang muna ang magsasaya ngayon and we planned to do hikings.

"Saang bundok tayo pupunta? Mukhang uulan oh."

Yanna's right as I looked up the sky. Makulimlim at any moment ay babagsak ang tubig niya. Ang wrong timing naman.

Memories Where stories live. Discover now