CHAPTER : SIXTEEN

14.8K 553 111
                                    

Eleanor

"Stop asking me Mare si Sierra ang tanungin mo about diyan ano ba!" Reklamo ni Yanna habang pilit na kumawala sa hawak ko sa kaniya.

Kumakain kami ngayon ng umagahan ngayon at kanina ko pa sila tinatanong about sa kidnapper ko pero hindi nila ako sinasagot lalo na si Sierra, siya daw dapat ang magsabi pero wala naman siyang kibo tapos ang dalawa naman ay panay tanggi at ilag sa akin.

"Why me?" Biglang tanong ni Sierra at tiningnan kami na akala mo inosente siya.

"Ikaw ang matanda rito kaya alam mo." Sagot ni Isla rito bago niya irapan.

"I'm just 5 months older than you. Stop bringing up that I am old." Malditang turan nito at humigop ng kape sa baso niyang pang ilang tao dahil sa laki nito.

Ayan na naman siya sa kape niya pero wala naman kaming magagawa dahil kung papagalitan mo siya mas galit pa sayo 'yan kaya huwag ka na umangal pa.

"Still that is still counted 'no kaya spill na." Napipikon kong singit sa kanila at binitawan si Yanna na agad namang tumabi kay Sierra bago ipagpatuloy ang kinakain.

Maaga pa naman at may Trenta minutos pa kami bago umalis tutal nakagayak na kaming lahat, lalayas nalang talaga.

"I am not in the position to tell you everything Eleanor. Yes we know who is she but we cannot tell what's her name or identity. Ayan okay na?" Ma attitude niyang paliwanag bago ako tapunan ng mala yelo niyang mata. Bakit ba hindi nalang siya mag audition para sa susunod na frozen, p'wede na niyang palitan si Elsa du'n sa lamig niya palagi. But we cannot blame her tho there is a reason why she became like that and like what she said I'm not also in the position to tell what is it.

"But Do I deserve to know the truth right?" Tanong ko sa kanilang tatli at inisa isa ang tingin pero iniwasan lang nila.

"Let's wait for you to remember."

Napakamot naman ako sa kilay ko dahil sa sinabi ni Yanna. "Paano ako makakaalala kung hindi niyo ako tinutulungan diba?!" Irita kong tanong.

"Have your own way then." Seryosong sagot ni Sierra sakin at tiningnan ako sa mata sa mata. She's looking at me like she knows something that I didn't know and she was the only one who knew it.

"Bu--" I was cut off Isla who's busy munching her breakfast.

"No buts mare kumain ka nalang diyan dahil malapit nang mag alas siyete." Putol nito sa akin.

Sumang ayon naman sa kaniya ung dalawa kaya sumang ayon nalang din ako dahil lugi 3v1 kami. Sila magkakampi habang ako iisa lang.

Like what I said hindi ako mamimilit but in my situation right now gusto ko silang pilitin para malaman lahat but how? When in the first place they don't want to tell me the truth. They want that person to tell me the details but again how? She doesn't even help me to remember her basta nilalandi niya lang ako.

I shook my head and finished my food before I prepared for school.

-----

I'm having a peaceful sleep here under the tree besides the field when someone interrupted me using her cold voice as usual nothing's new about her.

"What are you doing here?" She asked.

"Sleeping obviously." Sagot ko sa kaniya.

Napahawak naman ako sa noo ko na may tumamang bagay rito at bwisit masakit. Masyado talagang mapanakit itong architect na 'to.

"I'm asking you a proper question, Miss Vasquez so answer me with a proper answer." Madiin niyang turan at halata sa boses niyang napipikon siya sakin. Mabilis naman mapikon ang babaeng 'to.

Memories Where stories live. Discover now