***
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ito. Hindi ko alam kung hanggang saan matatapos ang kalungkutang nararanasan ko ngayon.
Kamamatay lang ni Daddy. Hindi pa ako handang makalimot. Sobrang close namin sa isa't isa ni Daddy kaya ngayong wala na siya, parang wala na akong ganang mabuhay pa.
I really love my Dad.
Kung titingnan niyo kung kumusta ako ngayon, wala pa akong jowa since birth. Single ako hanggang ngayon. Never pa akong nagka-jowa.
Ako nga pala si Sunrise Chantelle Francisco. Ako'y labing walong taong gulang na. Nang-aaral bilang isang first year college sa isang sikat na paaralan.
Honor student ako. Mahilig ako sa libro, pero mas hilig ko ang pagkanta. Mahilig akong maggitara. Daig ko pa ang lalakeng laging may nililigawan. Kasi lagi kong dala ang gitara ko na kulay lila.
Nakaupo ako ngayon sa isang bench malapit sa isang puno na may malalabong na dahon kaya malilim. Dito ang tambayan ko sa tuwing nalulungkot ako at kapag naaalala ko si Daddy. Ang hirap mag-move on sa totoo lang. Ang hirap! Kaya lagi na lang akong nagdadasal na sana balang araw, makapag-move on na rin ako. Ang hirap kasi ng ganito.
Habang naggigitara ako, may bigla akong naramdamang tumabi sa'kin . Dahilan para magulat ako at mapatingin dito na may abot-tengang ngiti sa kanyang mga labi, na aakalain mong wala ng bukas.
“Ano ba, Chris? Alam mo namang ayaw na ayaw ko ng nagugulat 'di ba?” reklamo ko sa kanya.
“Sorry na. Huwag ka ng magalit sa'kin, please?” aniya sabay pout.
Tinarayan ko lang ito. “Ewan ko sayo.” sabi ko sabay talikod.
“Bad trip ka na naman ba?”
“Hindi naman,”
“Talaga?”
“Oo, bakit?”
“Mukha kasing dinaanan ng Biyernes Santo 'yang mukha mo,”
Muli ko itong nilingon. “Ah, talaga ba?” tugon ko sa tonong may sarkasmo.
“Oo nga, sabi ko nga tatahimik na lang ako.”
Matapos ang usapan naming 'yon ay nilukob na kami ng katahimikan. Masyadong nakakabingi kaya binasag ko na bago pa maging awkward.
By the way, siya nga pala si Christopher Daniel Randelford, my boy bestfriend. Masarap kasama, mapang-asar at siyempre mabait.
Gwapo 'yan. Matangkad, mayaman, matalino, maputi, may mapipilantik na mga pilikmata, may matangos na ilong, may makapal at maayos na kilay at meron siyang nunal sa bandang kaliwang sentido.
“Nasaan ang Mom at Dad mo?” pang-iiba ko ng usapan.
“Nasa Spain, nandoon rin si Lolo at Lola,” sagot niya.
“Huh? Sinong kasama mo dito sa Bulacan?” tanong kong muli.
“Ako lang ang naiwan dito. Tsaka, sanay naman akong laging iniiwan nila Mom at Dad. Lagi kaya silang wala dito sa Pilipinas. Kaya hindi pa ba ako masasanay?”
“Kung sa bagay, may point ka nga naman,”
“Yup. Kaya masanay ka na rin na lagi mo na akong makikita at makakasama kasi hindi na ako mawawala sa tabi mo, Chantelle,” tugon niya.
“Eh ikaw? Kumusta kayo ng Mom mo?” Ngayon, siya naman ang nagtanong.
Bumuntong hininga ako. “We're not fine, Chris. Ako ang sinisisi ni Mommy kung bakit namatay si Daddy, kahit na ang totoo ay wala naman talaga akong kinalaman sa pagkamatay ng Dad ko,” sagot ko sa kanya.
“Hayaan mo, magiging okay rin ang lahat, Chan. Maniwala ka lang, malalampasan mo rin 'to.”
“Sana nga, Chris. Sana kayanin ko pa. Sana magkaayos pa kami ng Mom ko. Sana mapatawad niya ako kung ano mang ginawa kong mali sa kanya. Kasi, ang sakit na eh. Ang sakit na makita na yung taong mahal mo na may galit sayo. Yung tipong nasasaktan mo pala siya araw-araw ng hindi mo mamamalayan,”
“Bakit? Ano ba kasing nangyari sa Dad mo?” tanong niya. Dahilan para maalala ko na naman ang masakit na nangyari sa Dad ko at saksi ako doon.
Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan bago ko simulan na ikwento ang nangyari sa Dad ko that night bago at pagkatapos niyang humimlay.
“One night, nagkaroon ng yayaan, kami na magba-blockmates na pumunta sa isang bar dahil sa birthday ng isa kong kaklase at hindi iyon alam ng Dad ko. Dahil may tampo rin ako no'n kay Mommy kaya wala akong taong pinagbilinan kung saan ako pupunta...,” panimula ko.
“Eh kasalanan mo naman pala kaya galit sayo ang Mom mo ngayon,”
Inirapan ko ito. “Wait nga kasi! Pwede bang patapusin mo muna akong magkwento rito? Masyado kang judgemental, ha?” mataray kong sabi sa kanya.
“Sabi ko nga tatahimik na ako,”
“Good.” tugon ko saka itinuloy na ang pagkukwento ko.
Detailed ang lahat. Ikwinento ko ang buong, buong nangyari sa mga panahong iyon. Tandang-tanda ko kasi lahat ng nangyari kaya hindi pwedeng may makatakas na pangyayari habang nagkukwento ako kay Christopher.
“That time hanap ng hanap na pala sa akin si Daddy. Nag-aalala na siya kung nasaan ako. Pati si Mommy ipinahanap na rin ako sa mga tauhan nila. May kaibigan ako na nag-aalala na kung paano ako iuuwi kasi medyo lasing na ako that time. Kaya tinawagan niya si Daddy. Sinabi niya kung nasaan kaming bar kaya pinuntahan ako ni Dad doon. Tinulungan siya ng mga kaklase ko na madala ako sa loob ng kotse. Eh sa hindi nga ako umiinom ng alak noon dahil nga ipinagbabawal ni Daddy sa akin ang alcoholic drinks. Pati nga wine, ayaw ipainom sa akin...” pagpapatuloy ko sa kwento.
“So ayon, iniuwi na ako ni Daddy. Naiinis pa nga ako that time dahil pinapagalitan pa ako habang tumatakbo yung kotse eh. Hanggang sa...” napatigil na lang ako bigla. Nararamdaman ko na namang may mga namumuo nang luha sa magkabilang mata ko. Ito na kasi ang parte na kung saan ay ayoko ng balikan pa, dahil mas sumasakit lang kapag naaalala ko.
“Narinig ko na lang na parang may bumangga. 'Yon pala kami 'yon, sasakyan naman pala namin. Then after that, wala na akong naalala. Nagising na lang ako na nakitang duguan ang Daddy ko na inilalabas nila ng kotse naming kulay itim. Nakaupo ako sa wheelchair that time habang si Daddy isinasakay sa bed strecher.” Gusto ko ng umiyak habang nagkukwento ako pero pinipigilan ko hangga't kaya ko pang pigilan.
Hanggang sa hindi ko na talaga nakaya yung sakit na nararamdaman ko kaya tuluyan ng bumigay ang mga luha ko. Unti-unting umagos ang mga ito, na para bang nag-uunahang makatakas sa mga mata ko.
“Alam mo, Chantelle? May mga dahilan ang bawat pagkawala ng mga mahal natin sa buhay. Kagaya na lang ng pagkamatay ng Daddy mo, may dahilan ang Diyos kung bakit niya kinuha ang Daddy mo ng sobrang aga. Siguro, masasabi ko sa nangyayari sayo ngayon, hinuhubog ka ng Diyos bilang isang matatag at matapang na babae na kayang humarap sa alinmang pagsubok na dumarating sa buhay mo. Lahat ng bagay ay may mga dahilan kung bakit nangyayari ang mga iyon sa ating buhay ng hindi natin namamalayan,” aniya habang hinahaplos ang aking likod para ako'y subukang pakalmahin mula sa aking pag-iyak.
“Hindi ka nag-iisa, Chantelle. Nandito na ako ngayon, ako na ang magiging sandalan mo sa lahat ng problemang kakaharapin mo sa hinaharap habangbuhay,” dugtong niya saka ako niyakap ng napakahigpit. Parang may mga sariling utak ang aking mga bisig na yumakap na rin sa kanya pabalik.
I miss my bestfriend so much. Now that he's here, magiging panatag na ulit ako kasi may karamay na ulit ako. May maiiyakan na ako sa tuwing gusto kong umiyak. May makakasama na ako na sasakay sa mga trip ko sa buhay ko. May mapagsasabihan na ako ng mga problema na hindi ko kayang sabihin sa iba. Ngayong nandito na ang sobrang pinagkakatiwalaan kong tao, hindi ko na sasayangin ang mga panahon na magiging masaya kaming dalawa.
I love you, Christopher. Because you're my bestfriend..., my bestfriend forever..., and no one can replace your place here in my weak heart.
BINABASA MO ANG
The Letters [COMPLETED]
Romance[UNDER REVISION] FIRST EVER ROMANCE-TRAGIC STORY THAT I'VE WROTE! --- Alam na'tin na sa bawat ngiti ay may kapalit na lumbay. Ang bawat buhay ay may kapalit na kamatayan. Ang pagmamahal ay may kaakibat na pagtitiyaga, pagsasakripisyo, at pagpaparaya...