CHAPTER 17

19 9 0
                                    

***

Christopher's POV

---

Natapos kaming kumain ni Chantelle. Naging tahimik lang ako habang pabalik sa rooftop. Wala kong ikinubo. Natatakot akong masabi kay Chan ang kalagayan ng buhay ko ngayon na nasa bingit ng kamatayan.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay binasag ng isang kanta ang katahimikan na lumukob sa amin ni Chan. Napatingin ako sa isang gilid kung saan siya nakaupo habang naggigitara.

Patuloy lang siya sa pagkanta. Habang ako, nakikinig lang. Pinapanood ang bawat pagbuka ng bibig niya habang binibigkas ang bawat liriko ng kantang inaawit niya habang kumakalabit sa mga strings ng gitara na hawak niya.

Nang alam kong lilingon siya sa pwesto ko sa isang gilid, lumingon ako sa ibang direksyon agad. Ang awkward, hindi ako sanay sa ganito. Mas sanay ako sa kakulitin niya at kaingayan niya. Ayoko ng ganito.

Nilapitan ko na siya, hindi na ako makatiis eh. Hindi kasi ako sanay na ganito kaming dalawa.

“Chan? May problema ba?” tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot. She just keep on strumming her guitar's strings without turning her gaze on me.

“Pwede pong bati na tayo? Hindi po kasi ako sanay na ganito tayo eh. Mas sanay ako na okay tayong dalawa,” sabi ko pa pero hindi niya pa din ako pinapansin.

Umupo na ako sa harapan niya at ngumiti. “Hindi mo talaga ako papansin? Hmm?” sabi ko rito.

Sorry, makulit talaga ako eh.

Lumingon siya sa akin, “Oo na po. Ang kulit mo talaga, ano?” she said and chuckled.

Napangiti na lang din ako. Ang mabuti ay okay na kaming dalawa. Well, lagi naman kaming okay. Hindi nagtatagal ang tampuhan namin kung magkaroon man. Marupok siya eh. Hindi niya ako magawang matiis.

“Ganito mo ako nakilala. Siyempre, hindi na magbabago 'yon. Ang makulit na ako ay mananatiling makulit sayo,” nakangiti kong tugon.

Kumanta kaming dalawa. Duet kami. Ito ang trip namin kapag wala na kaming topic, ang pagkanta ng magkasama. Masaya ako kasi okay na kaming dalawa. Hindi na ako patingin-tingin sa gilid. Natititigan ko na siya sa mga mata. Hindi katulad kanina.

---

Chantelle's POV

---

Ilang minuto pa kaming nag-stay sa rooftop pero agad din akong tinablan ng antok kaya nag-aya na akong umuwi kami ni Chris na tinguan naman niya.

Sabay kaming bumaba. Inalalayan niya pa ako. Sinabi ko na kaya ko naman pero mapilit talaga siya. Kaya hinayaan ko na lang din.

Sabay kaming umalis sa lugar na 'yon. Medyo binilisan ko na kasi naaantok na ako. Tsaka gabi na din. Kailangan na naming magpahinga. Kahit pa paano ay nag-enjoy ako habang nasa taas kami sa may rooftop.

Habang nasa biyahe ako papauwi, binuksan ko ang radyo ng sasakyan ko. Nakinig ako ng musics. Ang gaganda ng mga kanta, nakaka-relax. Sumasabay din ako sa kanta kaya kahit na medyo traffic, okay lang. Hindi naman nakakaantok yung mga kanta, napapasayaw nga ako eh. Napapasabay sa beat ng kanta.

Nang lumuwag na at hindi na traffic, binilisan ko na ng pagmamaneho. Baka hinahanap na rin ako ng mga magulang ko. Kahit na may galit ako kay Mommy, hindi ko pa din magagawang pag-alalahanin siya. Siya na lang ang natitira sa akin. Wala na si Daddy, siya na lang talaga ang pag-asa nang pamilya namin.

Habang nasa daan, napalingon ako sa isang tindahan sa gilid. May hotcakes kasi ako na nakita. Ang sarap pa naman no'n. Nagutom ako bigla kaya napahinto ako sa isang tabi at bumaba sa kotse dala ang pitaka ko.

Agad kong tinungo ang pwesto ng nagtitinda at bumili ng fifty pesos na hotcakes. Alam kong marami iyon pero nakaka-miss kumain nito. Bumili na rin ako ng tindang tubig ni Kuyang tindero.

Isa siyang middle-aged man. Medyo maliit lang siya pero in fairness, may itsura si kuyang nagtitinda. I mean, may konting kagwapuhan siyang taglay kahit na may edad na. Hahaha! Kung ano-anong napapansin ko. Makaalis na nga!

Bumalik na ako sa sasakyan ko. Excited akong buksan ang mini paper bag na naglalaman ng binili kong hotcakes. Hindi ko pa pinaandar ang sasakyan ko at inuna ko muna ang paglamutak sa binili ko. Grabe! Unang kagat pa lang, malinamnam na.

Nang maubos ko na ang limang piraso ay limang piraso na lang ang natira sa paper bag. Napalingon ako sa tindero na nagliligpit na ng mga gamit niya nang hindi pa nauubos ang mga tinda niyang hotcakes.

Bumaba agad ako ng sasakyan at tumakbo ako papunta sa pwesto niya. Tinanong ko kung pwedeng bilhin ko na lahat ng mga paninda niya. Noong una, ang akala niya nagbibiro ako. Pero binigyan ko siya ng limang libo. Napatalon siya sa tuwa.

Pagkatapos no'n ay mabilis niyang inilagay sa maliliit na paper bags ang mga paninda niyang hotcakes. Binigay niya ang limang bottled water sa akin. Tinulungan niya akong dalhin ang lahat ng iyon sa kotse ko.

Nang mailagay na niya ay nagpaalam na ako sa kanya. Walang hanggang pasasalamat ang natanggap ko mula sa kanya. Nakakataba ng puso kasi nakatulong ako. Nang dahil sa katakawan ko, nakatulong pa ako sa ibang tao na nangangailangan ng pera ngayon.

Malapad na ngiti ang namumutawi ngayon sa mga labi ko. Masayang masaya akong umuwi kasi bukod sa mabubusog ako at magsasawa sa nagkakahalagang seventy pesos na mga hotcakes, nakatulong pa ako. Babalik nga ako doon sa susunod. Simula ngayon, magiging suki na niya ako. Natutuwa ako kapag nakakatulong ako sa iba kaya ipagpapatuloy ko ito.

Malapit na pala ako sa bahay, ngayon ko lang napansin, hahaha!

Nang makarating na ako sa tapat ng main gate ay pinagbuksan ako ng mga guard namin. After that, agad kong ipinasok ang kotse ko sa garahe. Bumaba agad ako dala ang mga natira kong hotcakes at pati na ang mga bottled waters.

Nagpatulong na ako sa isang kasambahay namin. Dinala ang mga iyon sa kwarto ko. Sa kusina naman ang tatlong bottled waters na natira ko kanina. Ang takaw kong uminom at kumain 'no? Wala eh, ganito ako.

Pagpasok ko pa lang ng bahay, bumungad sa akin ang Mom ko na nakahalukipkip sa harapan ko ngayon, papalapit sa pwesto ko. Wala siyang ibang reaksyon. Seryoso lang siya.

“Saan ka nanggaling?” tanong nito.

Wow! Nakakagulat, ha? Nag-alala ba talaga siya sa akin kung saan ako nanggaling o arte niya lang ito? Hindi ako sanay na ganito siya sa akin. Buti pa si Dad, pero siya? Si Mom? Saka lang ako papansinin niyan kapag galit siya sa akin. Kapag papagalitan niya ako. Kaya hindi ako sanay na tinatanong niya ako kung saan ako nanggaling o kung bakit ako nagabihan ng uwi.

“Anong nakain mo, Mom? Buti natatanong mo na ako ng ganyan ngayon,”

“Seriously? Seryoso akong nagtatanong sayo pero ganyan ang isasagot mo sa akin?”

“Should I say sorry? Mom, hindi ako sanay na tinatanong mo ako, na may pakialam ka sa akin kung saan ako nanggaling o kung bakit ako nagagabihan umuwi minsan,”

“P'wes, masanay ka na ngayon. Lagi na kitang tatanungin kung saan ka galing o kung bakit ka aalis ng bahay. I just realized na nagiging pabaya na ako sa inyo kaya lumalaki na ang ulo ninyong magkapatid! Mas magiging istrikto, mas maganda.” saad niya at iniwan na ako sa kinatatayuan ko.

Napayuko na lamang ako. Yung pakialam niya sa amin ng kakambal ko ay sumobra naman. Dati, halos hindi niya ako pansinin tapos ngayon, sumobra naman na siya. Tsk! Pambihirang buhay 'to. Wala na bang mas gaganda pa dito? Argh! Nakakabanas!

The Letters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon