CHAPTER 24

33 7 0
                                    

***

After 2 weeks...

---

Chantelle's POV

---

"Tara, date tayo."

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Silver sa kwarto namin habang nakangiti. Napangiti na lang din ako. Ang sweet niya kasi maging boyfriend. Ang swerte ko kasi naging akin siya. Pero, mas maswerte sana ako kung si—nevermind... I need to move on.

"Saan gusto mo?" tanong niya ulit sa akin saka lumapit sa kama namin.

"Sa park? Para maiba naman. Or sa burol? Kung okay lang sayo," sagot ko.

"Okay lang, babe. Basta ikaw," tugon niya. Nanatili lang itong nakangiti.

"Ang cute mo kapag nakangiti, babe. Hahaha!" Bigla kong sabi habang pinagmamasdan ang malawak na ngiti niya.

Ang kanyang malawak na ngiti ay mas lumawak pa. I tried to catch his glance pero ang gulo ng mata niya! I mean, hindi siya mapakali.

Wait... namumula yung mukha niya! Kinikilig siya! Kinilig siya doon? Hala! Ang rupok naman niya! HAHAHAHAHA!

“Kinikilig ka ba kaya ka namumula, Silver?” tanong ko rito kaya napatingin siya sa akin.

“Ayy, hindi po. Paano ba 'yon? 'Di ko po alam kiligin eh. Paturo naman oh,”

“Hindi? Hindi mo alam o ayaw mo aminin na marupok ka talaga? HAHAHAHA! Marupok!” Patuloy ko lang siyang inaasar. Totoo naman kasing marupok siya, ayaw niya lang aminin sa sarili niya eh.

“Eh hindi naman talaga ah. Pa'no ba 'yon? Hindi ko kasi talaga alam, Ms. Chantelle,”

“Eh kung kaltukan kaya kita. Sus! Ayaw pa umamin eh, halata naman sa mukha na namumula,”

“'Di bale, sayo ko lang naman nagagawang kiligin,”

“So, kinikilig ka nga-what?!”

Mahina siyang natawa, “Wala, ang sabi ko, ang ganda mo kaso bingi ka kaya hindi mo narinig.”

“Baliw, narinig ko 'yon. Ang corny mo, sobra.”

“Atleast, mahal mo naman ako. 'Di ba?”

Mahal? Mahal ko nga ba siya? Pati kasi ako naguguluhan eh. Hindi ko mapagtanto kung mahal ko na nga ba siya o hindi pa. Ang sama ko ba? Sa ilang buwan naming pagsasama, hindi pa ako sure kung mahal ko na nga ba talaga o hindi pa.

“Huy! Okay ka lang, babe?”

Napaigtad ako nang bigla siyang magsalitang muli. 'Di ko kasi alam ang isasagot ko. Ayaw ko naman siyang saktan kaya ayaw kong aminin sa kanya yung totoo. Ayokong ma-disappoint sa akin ang future husband ko. Hindi pa kasi ako sure sa nararamdaman ko.

Nginitian niya din ako pabalik at hinaplos ang buhok ko ng dalawang kamay niya, hinawakan ang mukha ko...

At saka ako hinalikan.

Hindi ako gumaganti kasi hindi ko feel yung halik. I mean, walang spark. Walang butterflies, walang kilig. Hindi ko ramdam! Wtf! Iisa lang ang alam kong reason kaya nagkakaganito ako...

Hindi pa ako ready na kalimutan ang nararamdaman ko para kay Chris.

Like, wtf! Sila na ng kapatid ko! Wait, sila nga ba? Hayst! Ewan ko! Kasi lagi silang magkasama at lagi silang busy. Kaya hindi malabo na nagka-developan na ang dalawa. Ano pa bang aasahan ko? Eh, doon din naman papunta 'yon.

Bumitaw na ako sa halik niya at umalis. Oo, iniwan ko siyang nakatayo lang doon. Nagmamadali akong sumakay sa taxi na na-para ko. Doon muna siguro ako sa bahay ng Mom ko ngayon. Since, tinawagan niya ako kanina. May sasabihin daw siya sa akin na importante.

The Letters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon