CHAPTER 22

29 9 2
                                    

***

Christopher's POV

---

Nakaalis na si Tally dito sa bahay.  Maaga siyang umuwi kasi napagod din daw siya sa biyahe papunta at pauwi. Hinayaan ko na siya kasi kailangan niya naman ng pahinga. Grabe ang effort na ginawa
niya para lang mapasaya ako. Para hindi ko maisip yung sitwasyon ko. Para maisip ko na isa pa din akong normal na walang ganitong karamdaman.

I decided to open the box, where all of my love letters for Chantelle are still there. Dati, nakalagay lang sa maliit na lalagyan. Ngayong dumami na, nasa isang box na medyo kalakihan na.

Naghalungkat ako ng ilang sulat doon at may isang date ng sulat na nakakuha ng buong atensyon ko. Dinampot ko 'yon at binasa.

Ito ang mga nakasulat doon...

                                            ———

                                                                Date: June 5, 2021

Dear Chantelle,

      Hi! Kumusta ka na ba? Medyo matagal na din noong huli tayong nagkitang dalawa. Mga bata pa tayo noon, ngayon 17th birthday mo na, malaki ka na din kagaya ko. Miss na miss na kita, mahal ko.

     First of all, gusto kitang batiin ng Happy, Happy Birthday! Pangalawa, gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Hahaha! Cringe, ano? Hindi joke 'yan ah. Gusto kita at mahal ko kung sino ka, Chan. Gusto kong umamin kaso, nahihiya talaga ako. Ilang beses ko ng balaking umamin pero wala eh, hindi ko pa din pala kayang umamin sayo. Sabi ko sa sarili ko na ngayon ako aamin pero, naudlot kasi nga nahihiya ako sa personal kaya sa pamamamagitan na lang ng sulat ko ipahayag itong nararamdaman ko para sayo. Mahal na mahal kita, Chantelle. Dati ko pa itong gustong sabihin kaso nahihiya talaga ako. Paulit-ulit na, hahaha! Basta, mahal kita, tapos.

      Sana lagi ka lang okay, ito naman talaga ng lagi kong hiling para sayo. Ang maging okay ka palagi. Alagan mo ang sarili mo ah. Huwag papagutom, susuntukin kita kapag pumayat ka. Hahaha! Salamat sa lahat, Chantelle.

                                                                  Nagmamahal,
                                                             Christopher Daniel
                                          ———

Ito ang sulat ko kay Chantelle noong birthday niya. Noong mga panahong bata pa ako at nasa ibang bansa ako para lang magpagamot at ikunsulta sa mga espesyalista ang kondisyon ng atay ko.

Sa tuwing binabasa ko ang mga sulat ko noon para kay Chantelle ay hindi ko mapigilang hindi maluha. Hindi ko matanggap na magiging alaala na lang niya ang lahat at itong mga sinulat ko ay mawawalan din ng halaga kapag nawala ako.

Pero, gusto kong sabihin lahat sa kanya. Ito na lang ang matitirang alaala ko kapag nawala na ako. Gusto kong mabasa niya lahat-lahat. Nasa mga sulat na ito ang lahat ng mga gusto kong iparating noon sa kanya. Pati ang mga araw na nalulungkot ako at nami-miss ko siya ng sobra, sumusulat ako at iniipon ko 'yon.

Iniligpit ko na ang box at inilagay ko ulit iyon sa pinakababa na part ng closet ko kung saan ko iyon dating tinatago. Inayos kong muli ang pagkakalagay para hindi ito mahulog kapag binuksan ko ulit ang closet ko.

Kinuha ko na lang ang gitara ko. Nasa mood ako kumanta ngayon. Ang ganda rin naman ng panahon at swak sa mga magagandang kanta para umulan. Hindi, joke lang. Ito na, kakanta na lang ako.

Umupo ako sa kama. Pinatay ang ilaw. Ang tanging nagpapaliwanag lang sa kwarto ko ay ang liwanag mula sa buwan. Pinagmasdan ko ang ganda nito, pati ng mga bituin na nagkalat sa kalangitan, na patuloy na kumikinang ngayong gabi.

Napakalinis ng kalangitan kaya kitang kita ang ganda nila.

Parang kahapon lang
Magkasama lang
Magkayakap sa ulan

Itong kantang ito ay inilalaan ko sa taong pinakamamahal na kahit hindi ako ang mahal niya ay patuloy ko pa din siyang mamahalin ng buo... Kahit na nasasaktan ako ng paulit-ulit, okay lang. Mawawala rin naman ako sa alaala niya at sa buhay niya, permanente nga lang.

Tanda ko pa nung unang nakita
Ang 'yong mga mata
At ako'y nabigla
Nung lumapit, at kumapit
Parang isang panaginip
Ayokong magising

Habang binibigkas ko ang bawat liriko ng kanta, naaalala ko noong una kaming nagkakilala ni Chantelle at hindi ko lubos inakala na magiging close kami agad. Ang sarap niya kasing kasama at kakwentuhan. Ang cute din ng tawa niya. Matapang siyang babae na nakilala ko. Kapag may kaaway kami, siya lagi ang tagapagtanggol ko.

Oo, ang sungit niya noon. Natatakot yung mga nagiging kalaro namin kapag nagagalit siya. Agad kasi siyang may batong malalaki sa kamay, hahaha!

Ngunit na sa'n ka na?
Ako ay mahal mo pa ba?

Parang kahapon lang
Magkasama lang
Magkayakap sa ulan
Parang kahapon lang
Magkasama lang
Wala na ang lahat

Nang kantahin ko na ang chorus ng kanta ay hindi ko maipgilang hindi maluha. Ang dali kasi ng mga panahong nagkasama kami. Tapos sa isang iglap, magbabago ang lahat. Makakalimutan niya ako at ang tanging maiisip niya lang ay si Silver na nagmamahal sa kanya at ang mapapangasawa niya balang araw.

Hindi ko alam kung kakayanin kong makapunta sa kasal ng childhood friend ko... ng first childhood crush ko... ng first love ko, na makita siyang may kasamang ibang lalake, na nagsusumpaan sa harapan ng maraming tao... bilang pag-iisang dibdib.

Mas pinapatay kasi ako ng lungkot at hinagpis ng paunti-unti. Hindi ako namamatay physically eh, mentally and emotionally... it kills me. Slowly killing me inside.

I stopped strumming my guitar and starred at the moon above. Ang mga tig-iisang patak ng mga luha ay paunti-unting nadadagdagan. Hanggang sa tuluyan kumawala ang mga luhang patuloy ng umaagos ngayon sa aking mga pisngi.

Maya-maya'y nagkaroon na ng tunog ang iyak ko. Humahagulgol na pala ako nang dahil sa bigat na nararamdaman at pinapasan ko ngayon na problema.

“Bakit hindi niyo pa kasi ako kunin?! Kung ganito lang din naman na pinahihirapan niyo ako habang nabubuhay ako! Dapat hindi niyo na lang ako binuhay! Sana hindi niyo na lang ako binigyan ng pagkakataong umibig kung ganito rin na pinapatay niyo ako emotionally...”

“Sana naging bato na lang ako, Lord. Yung wala akong nararamdaman. Kahit narurumihan, kahit naaapakan, kahit dinadaan-daanan lang, okay lang. Atleast, hindi ako naghihirap at hindi ako nakakaramdam ng ganito katinding lungkot at galit sa kapalaran ko kasi, napapagod na po ako! Wala naman akong pag-asang mabuhay eh! Kaya bakit niyo pa po ako hinahayaang mabuhay?! Ha?! Is this a torture? Is this a karma? Ano po bang dahilan ng lahat ng ito?!”

“Naging mabait naman akong anak ah. Naging mabuti naman ako simula't sapul eh. Pero bakit ganito? Bakit?!”

Wala na akong pakialam kung magmukha akong baliw dahil parang kausap ko lang ang sarili ko. Wala eh, hindi ko na kinaya. Sumabog na ako. Hindi ko na nakayanan yung sakit na nararadaman ko. Ang sakit na kasi.

———

Song Title: Alaala
Performed by: Mm Madrigal

The Letters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon