CHAPTER 13

20 10 0
                                    

***

Christopher's POV

---

“Dare ko na hawakan mo yung kamay ni Ms. President hangga't hindi natatapos ang recess. Ayieeee!” utos ng isang kaklase namin babae.

Sumali kasi ako sa Truth or Dare na laro nila. At dahil bored din ako, sige na lang. Isinali din nila si Tally kaya magkatabi kami ngayon na nakatayo.

Kung minamalas nga naman, ako ang naturo ng botelya at dare ang pinili ko. At iyon nga ang dare, ang hawakan ang kamay ni Tally hangga't hindi natatapos ang break time. Alam kong magiging awkward para kay Tally pero wala kaming ibang magagawa kasi utos 'yon eh.

At iyon na nga, lumapit ako kay Tally at dahan-dahan na kinuha ang kanyang kamay at hinawakan iyon. Nginitian lang ako ni Tally habang ako ay hindi mapakali. Loko-loko kasi itong mga kaklase ko.

“Wala namang magseselos eh,”

“Tss, ngayon lang 'to. N-ngayon lang naman, pagbibigyan ko na sila,”

“Hahaha! Para lang 'to sa laro. Wala 'to sa akin. Okay lang,”

“Sure?”

“Oo nga po,”

“Okay, sabi mo eh.”

Nagkaroon kami ng saglitang katahimikan sa pagitan naming dalawa na agad niya namang binasag gamit ang mga salitang hindi ko inaasahan.

“Sana totoo na lang 'to, ano?”

Kumunot ang noo ko. “Huh?”

Umiwas siya ng tingin. “Ito... yung lagi mong hahawakan yung kamay ko...”

I sighed. “Tally...”

Bumaling siya ng tingin sa akin. “I know it'll never gonna happen kasi hindi naman ako eh... and I'm losing hope that I can be like my sister. Never akong magiging si Ate Chantelle...”

A simple smile formed in her pinkish lips. “It's okay, maybe you're not for me. Hindi ikaw ang nakatadhana na maging akin. Maybe, I'll wait for that man who will come into my life,” aniya.

Then the bell rang. Bumitaw na si Tally sa kamay ko at humarap na sa mga kaklase namin. Nagpaalam siya na iihi lang siya at inutusan niya ang secretary na ilista ang mga mag-iingay at magugulo.

Bumalik na ako sa kinauupuan ko sa bandang likod, sa tabi ng bintana. Maya-maya pa ay may pumasok ng isang teacher. I'll ready myself for my introduction later.

“Hello, class!” bati niya sa amin.

Tumayo ang lahat ng estudyante na kaklase ko, kasama na ako. Binati namin pabalik ang isang babaeng teacher.

“Hello, Ma'am. Good morning!” sabay-sabay naming pagbati sa teacher namin.

Pagkatapos naming bumati ay nagsimula na ang klase. As usual, kapag bago ay may introduction sa klase. I did that thing and after I introduced myself, our teacher started to teach us the lesson for today and explain it in front of us.

I miss this. I miss studying. I miss school. Matagal-tagal din nung huli akong nakapunta ng school. It's been so many years na rin pala. Hindi lang naman kasi iisang taon ang paghinto ko sa pag-aaral eh.

Susulitin ko na lang ang pagkakataon na buhay pa ako. Gagawin ko ang nga hindi ko na magagawa kapag nanghina na ang mga tuhod at kalamnan ko. Baka next month nga ay lupaypay na ako. Baka hindi na rin ako makalakad ng mag-isa. Baka nasa isang wheel chair na lang ako.

Iniiwasan ko man ang topic na 'yan pero hindi ko maiwasan isipin na kaunting oras na lang ang hinihintay ko at mawawala na rin ako sa mundong ito na parang bula.

Iniisip ko pa nga kung ano bang naging ambag ko sa mundong ito. Kung ano nga bang nagawa kong masama noon sa past life ko at pinarurusahan ako ng Diyos ngayon.

Bakit kasi sa dinami-rami pa ng tao, bakit sa akin pa napunta ang sakit na 'to? Hindi ko naman kaya eh. Pagod na talaga ako. Si Chantelle na lang ang nagiging lakas ko. Pero mukhang malabo pa yata kasi mukhang hindi ako ang gusto niya.

Wala ba akong karapatang maging masaya ng matagal? May mga iiwan ako at isa sa kanila ang pinakamamahal kong tao, si Chantelle. Hindi ko na alam. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mukhang wala naman akong mapapala kahit na umamin ako.

Hindi ako ang gusto. Iba ang gusto niya. Kaya ano pa bang aasahan ko? Siguro nga, siguro hanggang kaibigan na lang kami. Wala ng hihigit pa doon.

Kung hanggang kaibigan na lang kami, ipaparamdam ko na lang siguro ang halaga niya sa akin habang nabubuhay pa ako. Habang may panahon pa akong iparamdam lahat sa kanya. Gagawin ko ang lahat, maramdaman niya lang na sobrang mahal ko siya.

Iyan lang ang naiisip kong paraan kung paano ko maipaparating sa kanya na mahalaga siya sa akin at mahal na mahal ko siya. Sabi nga nila, "Action can speak louder than words." Kaya gagawin ko na lang ang makakaya ko para maiparamdam sa mahal ko na siya lang ang mamahalin ko hanggang sa malagutan ako ng hininga.

Kapag dumating yung oras na manghihina na ang buong katawan ko at hindi ko na maibigkas sa kanya na mahal na mahal ko siya, atleast naipakita ko sa kanya na mahal na mahal ko siya sa pamamagitan ng mga nagawa ko para sa kanya.

Masakit man para sa akin na maiiwan ko siya dito sa mundo, sana matanggap niya rin ang katotohanan na walang permanente sa mundo. Lahat nagbabago, lahat umaalis. Tulad ko, kapag nawala na ako sa mundong ito, ibig sabihin ay naabot ko na ang hangganan ng buhay ko.

Tatanggapin ko ang mangyayari sa akin kahit na hindi ko deserve. Iyon ang gusto ng Diyos. Siguro kaya niya ako binigyan ng kaunti pang oras para mabuhay, ay para maiparamdam pa kahit na sa sandaling pagkakataon ang pagmamahal ko para sa taong minahal ko ng sobra pa sa pagmamahal ko sa mga magulang ko at pati na sa sarili ko.

Mas pipiliin kong maging masaya siya sa piling ng iba kaysa mabuhay ng malungkot ng kasama ako habang lumalaban sa sakit na 'to. Gusto kong mag-enjoy siya habang nabubuhay siya dito sa mundong ibabaw.

Mas pipiliin kong masaktan na lang ako. Kaysa makita ang pinakamamahal ko na nasasaktan sa pagkawala ko kapag ako ang pinili niyang mahalin.

Ibibigay ko ang kalayaang gusto niya na mahalin ang karapat-dapat na mahalin niya habangbuhay. Kahit pa na si Silver 'yon ay wala na akong pakialam. Basta makikita ko lang siyang masaya, ayos na ako do'n.

The Letters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon