***
Sunset's POV
---
Nang mailabas ko na ang lahat ng sama ng loob ko sa pamamagitan ng pag-iyak, pinunasan ko na ang mga luha sa pisngi ko hanggang sa leeg. May kaunting hinanakit pa din naman ako pero, siguro nagtatampo na lang ako kasi nasigawan ako ni Ate.
Habang pinupunasan ko ang mga umagos na luha ko, may narinig akong mga halakhak. Kaya agad na lamang napataas ang kilay ko at awtomatiko na kumunot ang noo ko.
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto para silipin ang nangyayari sa labas. Nang dahil sa curious na rin ako sa kung sino ang kausap ni Ate. Boses lalake kasi—wait.. parang kaboses ng isang taong kilalang kilala ko. Pero imposible, umuwi na siya kanina.
Nang makalabas na ako ng kwarto, sinundan ko ang mga hagikhikan at napadpad ako sa kusina. Biglang nagbago ang timpla ng mood ko nang makita si Ate na nakikipagtawanan kay...
“Chris?” naguguluhan kong tawag sa lalakeng nandito ngayon, na siya pala ang nakikipagtawanan sa kakambal ko.
Napahinto sila sa pagtawa at napalingon sa gawi ko na nakatayo sa tapat ng lamesa sa dining area. Lumapit ako sa gawi nilang dalawa na nasa tapat ng lababo.
“Bakit nandito ka pa? Ang akala ko ba eh, umuwi ka na kasi ang sabi mo ay pagod ka.”
Matapos kong sabihin iyon ay umalis din ako agad sa harapan nilang dalawa.
Hindi ko alam kung tama ba yung inasta ko sa harap niya o mali. Basta ang alam ko, nakaramdam ako ng selos. Hindi ko pa naman talaga tanggap ng buo sa loob ko eh.
Mahirap pang makita siyang mas masayang kasama ang Ate ko kaysa sa akin na may gusto sa kanya at mahal na mahal siya.
Pero wala akong ibang magawa. Kahit na maglupasay ako dito habang umiiyak, hindi na magbabago pa ang isip ni Chris. He really loves my sister so much. Kaya naiinis ako minsan sa Ate ko eh. Napakamanhid niya! Sobra!
Kung alam niya lang kung gaano siya kamahal ni Chris, baka hindi na siya maghanap ng iba pa.
Sa sobrang sweet at napaka-gentleman ba naman ni Chris, sinong hindi mahuhulog sa kanya? Dagdag na lang ang kagwapuhan niya at ang pagiging mabait. Matangkad din siya at marunong kumanta.
Ewan ko kung paano nagkaroon ng sakit si Chris. Ang bait niyang tao tapos bibigyan lang siya ng malalang sakit. Parusa ba 'yon o sumpa? Hay... kung pwede lang kunin yung sakit niya at itapon na lang, gagawin ko eh.
Kaso, hindi naman ako Diyos para magawa 'yon. Isa lang akong normal na taong hindi mahal ng taong mahal ko. Ang sakit tanggapin ang katotohanan na hanggang ngayon, hindi ako kayang mahalin ni Chris, na hanggang ngayon ay si Ate Chantelle pa din ang laman ng puso't isipan niya at never na magiging ako.
Minsan napapatanong na lang ako sa sarili ko...
Ano bang kulang sa akin? Ano bang wala ako na meron kay Ate na nakita ni Chris kaya siya ang minahal at hindi ako?
Nakakasawa itong nararamdaman ko pero wala akong ibang magawa kun'di magpaubaya. Hay... sana kung gaano kabilis makalimot ang utak, gano'n din sana ang puso ko.
Kaso, hindi eh. Never makakalimot ang puso kasi hindi siya parang si utak na kayang kalimutan lahat. Kasi yung puso yung nakakaramdam ng lahat, kaya sobrang hirap. Yung puso ko yung nahihirapan.
Umakyat ulit ako sa kwarto ko at doon nag-unahang bumagsak ang mga luha ko.
Ang sakit pa rin pala.
Ang akala ko ay okay na ako. Okay na akong makita silang masaya, kasinungalingan lang pala 'yan hanggang ngayon.
“Bakit ba hindi ka pa din mawala sa isip kooooo?!!!”
Napasigaw na lamang ako. Hindi ko alam kung anong meron ang lalakeng iyon at hindi ko makayanang kalimutan siya.
“Bakit, Chris? Bakit ang hirap mong mahalin?! Bakit palagi mo na lang akong sinasaktan? Ano bang ginawa kong mali sayo? Ha?!” Patuloy lang ang mga luha na umaagos mula sa aking mga mata.
Bakit kasi hindi na lang siya maging akin? Bakit niya pa hinihintay na mahulog sa kanya si Ate? Eh nandito naman ako na handa siyang mahalin ng buong buo.
Bakit ba kasi sobrang mahal kita, Chris? Bakit hindi ko kayang tumingin sa iba? Bakit ikaw pa din? Bakit ba patuloy pa din akong umaasa sayo kahit na iba naman ang gusto mo at never na magiging ako?
Ang akala ko okay na eh. Pero bumalik ka lang, bumalik lahat-lahat. Lalo na nung sinabi mo na may sakit ka! Gusto kong sabihin na ako na lang ang piliin mo at ng maalagaan kita at maipakita ko kung gaano kita kamahal!
Pero wala akong magawa! T*ngina lang! Kahit na piliin kong maging akin ka, hindi ko kakayanin kasi ikaw pa din naman ang masusunod kung sino ang mamahalin mo. Ang tanga ko para mahalin ang isang taong gaya mo na walang ibang ginawa kung hindi ang saktan ako ng paulit-ulit!
Ang tanga ko sa part na nagmahal ako ng taong alam kong never na magkakagusto sa akin at never akong mamahalin kahit kailan. Ano bang meron sayo na hindi ko mahanap sa iba? Bakit ba ang hirap mag-move on?! Bakit ikaw pa din, Chris?! Bakit?!
Dapat kasi umiwas na lang ako ulit noong nasa mall tayo. Yung mga titig mo kasi sa akin, yung bawat ngiti mo, yung bawat halakhak mo... Bumalik yung pagmamahal ko sayo noong mga panahong iyon kasi nagpapakita ka ng mga motibo sa akin, Chris!
Tapos ako naman itong si tanga, umaasa na naman na may pag-asa pa. Umaasa ngayon na meron pang chance na mahalin mo din ako.
Tapos bigla ko kayong makikita ng Ate ko na masaya...
Alam mo kung gaano kasakit 'yon? Yung mas masaya ka pa na kausap yung Ate ko kaysa sa'kin. Yung nakikita kang masaya sa iba. Yung dapat na ako lang ang nagpapasaya sayo.
Pero hindi eh, nand'yan ang Ate ko na tunay na nagpapasaya sayo. Siya yung mahal mo 'di ba? Siya lang kasi ang nakikita mo at hindi ako...
Never na magiging ako.
Sana ako na lang yung nagkaroon ng sakit. Mas gusto ko pang mawala ng maaga kaysa makita ka na mas masaya ka sa piling ng iba, samantalang ako ay nagtitiis kasi kapatid ko yung kaagaw ko sayo.
Ayokong masira kami ng kapatid ko kaya ako na lang yung nagpaparaya kahit na sobrang sakit na ay ipinapakita ko na okay lang ako.
Sana lang magtagumpay ka sa mga gusto mong gawin sa buhay bago pa mahuli ang lahat. Handa akong magparaya para sa ikakasaya mo. Kahit na nahihirapan ako ulit, okay lang...
Basta makita kitang masaya, sapat na 'yon para masabi ko na deserve mo si Ate at deserve mong sumaya kahit na sa iba man nangyari at natupad lahat ng mga pangarap ko noon para sa atin.
BINABASA MO ANG
The Letters [COMPLETED]
Romance[UNDER REVISION] FIRST EVER ROMANCE-TRAGIC STORY THAT I'VE WROTE! --- Alam na'tin na sa bawat ngiti ay may kapalit na lumbay. Ang bawat buhay ay may kapalit na kamatayan. Ang pagmamahal ay may kaakibat na pagtitiyaga, pagsasakripisyo, at pagpaparaya...