CHAPTER 20

20 8 0
                                    

***

Play the song above to feel the every words in this Chapter and for more experiences, too, as a reader.

---

Christopher's POV

---

Nasa bahay lang ako ngayon. Pinagpahinga muna ako ng Mommy ko mula sa kakagala. Si Tally kasi kung saan-saan ako dinadala. Nakakapagod din sa totoo lang. Pero masaya siyang kasama. Hindi ako nabo-boring. Madalas niya rin akong kwentuhan ng kung ano-ano.

Kung madali lang sanang makalimot ang puso, matagal ko ng ginawa. Pero hindi eh, hindi ko pa din maalis sa puso ko si Chantelle. Siya pa din ang nilalaman ng puso ko kahit na itatali na ang puso niya sa iba.

Masakit, sobrang sakit.

Tapos, invited pa ako sa kasal nila. Ako daw ang best man sa kasal nilang dalawa ng mapapangasawa niya. Noong nalaman ko na si Silver ang makakatuluyan niya, naging kampante na ako. Ang mahalaga, kilala ko na ang mapapangasawa niya.

Alam kong mahal na mahal ni Silver si Chantelle at hindi nito hahayaang masaktan ang babaeng pinakamamahal naming dalawa. Nagparaya na ako kasi alam ko sa sarili ko na kapag ako ang nakatuluyan ni Chantelle, wala siyang mapapala sa akin. Eh, isa lang naman akong lalakeng palamunin na nga, may sakit pa. Magiging miserable at problemado lang siya sa piling ko.

“Okay ka lang?” biglang tanong nitong kasama ko sa kwarto.

Oo, nandito at nakahiga sa kama ko si Tally kasama ko. Ibinagsak namin ang mga katawan namin nang dahil sa pagod naming dalawa kakagala sa kung saan-saan.

Napatingin ako kay Tally, “Ang dami na palang nangyari sa loob ng isang buwan, ano?” sabi ko.

Tumango siya, “Oo nga eh. Parang kailan lang, kasama mo pa si Ate. Ngayon ay ikakasal na siya sa iba,” tugon niya.

I chuckled, “Nananadya ka ba?”

“Hindi ba halata? HAHAHAHA!-Aray! Ang sakit!” reklamo niya habang hawak ang panga. Nananadya pala ah. Ayan, nasampal kita. Pero, teka? Napalakas yata. Hahaha!

“Deserve!” pang-aasar ko sa kanya.

“Tss! Kung wala ka lang talagang sakit, kanina pa kita tinadyakan. Pasalamat ka at mabait pa ako,”

“Salamat, Tally.”

“You're welcome, as always,” tugon nito at naging seryoso na naman kaming dalawa.

Parang baliw lang 'di ba? Ganyan kaming dalawa eh. Parang bunsong kapatid ko na nga iyang si Tally. Kaya nagulat ako noong one time na umamin siya na gusto niya daw ako. Noong una, hindi talaga ako naniniwala until nakita ko mismo sa kanya kung gaano ako kaimportante sa kanya.

Ideal girlfriend na si Tally. Matangkad, maputi, makinis ang balat, maganda, mabait, maasikaso, magalang, matalino, maraming talents tulad ng kakambal niya, at higit sa lahat, marunong siyang lumingon sa pinanggalingan niya.

Kahit na ganyan si Tally, hindi ko pa din siya magawang mahalin tulad ng pagmamahal niya sa akin at pagpapahalaga. Ang sakit lang para sa akin kasi ramdam ko yung pagmamahal na hinding hindi masusuklian kailanman.

Kasi gano'n yung nararamdaman ko ngayon sa tuwing nakikita ko bawat posts ni Chantelle sa Instagram niya, pati na sa Facebook niya. Ang saya nila ni Silver. Nakakainggit din kasi yung tipong ikaw yung gusto mong makasama ng mahal mo pero hindi pwede kasi mas masasaktan kayong pareho kapag pinili mo yung kagustuhan mo.

Pero, wala eh. Gano'n siguro talaga. Pinagtagpo kami, ang kaso nga lang ay hindi kami itinadhana para sa isa't isa. Hindi kami ang nakalaan na magsama magpakailanman. Kahit nasasaktan pa din ako, tinatanggap ko na lang din. Malapit na akong makalaya sa sakit na dinadala ko. Malapit ko ng maabot ang kalayaan na walang hanggan.

Bakit gano'n? Kahit na ituon ko sa iba yung atensyon ko, siya pa din ang hanap ng mga mata ko. Siya pa din ang iniisip ko. Siya pa din ng laman ng puso ko. Masyado ko na siguro siyang minamahal. Kahit na nagparaya ako, hindi ibig sabihin no'n na hindi ko na magagawang mag-alala at mahalin ng patuloy si Chantelle.

Ipinikit ko ang mga mata ko at inisip ang mga maaaring mangyari kapag sinunod ko ang puso ko...

Nakita ko na masaya kaming pareho. Kumakanta ng sabay at kinakanta ang parehas naming paboritong kanta. Sabay kaming kumain. Sabay kaming maglinis dito sa loob ng bahay, sabay kaming maligo sa banyo, at sabay kaming pumapasok sa school. Nahahalikan ko siya sa mga labi at pisngi. Nayayakap ko siya at nahahalikan ang noo.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang dahil sa mga posibilidad na nakikita ko.

Ayos na sana ang imahinasyon ko. Ang kaso, bigla namang sumagi sa isip ko ang mga bad sides ng desisyon kong iyon. Hindi ko maalis sa isipan ko ang mga 'what ifs' napatuloy na naiipon sa utak ko.

Ang saya kanina ay napalitan ng lungkot at pangamba. Natatakot akong saktan ng sobra si Chantelle. Isusulat ko na lang ang lahat at ilalagay sa pinakadulo ng mga sulat ko para sa kanya ang lahat-lahat. Simula noong mga bata pa kami, hanggang sa nagkawalay kami, at hanggang ngayon. Doon ko na lang ibubuhos lahat ng emosyon na meron ako at nararamdaman ko ngayon.

Iminulat ko ang mga mata ko. Napatingin ako sa closet ko kung saan nakatago ang isang box kung saan lahat ng mga sulat ko para kay Chantelle ay nandoon.

Hindi ko namalayan na naluha na pala ako. Pero pinunasan ko iyon agad. Ayokong mag-alala sa akin si Tally kung bakit ako naluha. Baka kung anong isipin niya habang magkasama kami rito sa kwarto ko.

Napalingon ako dito sa kasama kong nakahiga sa kama. Napangiti ako ng pilit. Laking pasasalamat ko at nakilala ko siya. Nakilala ko silang kambal. Naging kaibigan ko sila, inibig ko ang isa sa kanila, at iniibig ako ni Tally.

Ang sakit ng sitwasyon naming dalawa, ano? Hindi namin magawang umibig ng iba kasi nakakulong pa din kami sa katotohanan na iisa pa din ang isinigigaw ng mga puso namin.

Yung tipong hanggang pangarap na lang talaga ang lahat at hinding hindi mo iyon matutupad kailanman kasi imposibleng mangyari. Kahit na nasasaktan ay tinatanggap na lang. Iniisip ng pilit na masasanay din kami. Hindi na ngayon, malay na'tin sa mga susunod na araw. Sana madali lang turuan ang puso na makalimot sa nakaraan. Ang kaso, utak lang ang nakakalimot at hindi ang puso.

Ang isang sugat ay gumagaling at naghihilom. Pero, nag-iiwan ito ng peklat na siyang magiging palatandaan na nasaktan ka ng sobra at nasugatan ka.

Ang nadurog na isang sensitibong bagay ay hinding hindi na maibabalik pa sa dati niyang ganda at anyo. Kaya kapag nadudurog tayo, mahirap na tayong buoin. Hindi mo maibabalik ang nakaraan dahil ito'y tapos na at nangyari na.

The Letters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon