***
Sunset's POV
---
“I hope maging masaya ang date ninyong dalawa. Sana maging ligtas kayo na makarating sa lugar kung saan kayo magde-date.”
Nang marinig ko 'yan mula sa mga bibig ni Ate Chantelle, parang nakaramdam ako ng sakit. Ramdam ko kasi bawat salita na muna sa bibig niya.
Ramdam ko na kanina pa nagseselos si Christopher. Kaya para makatulong man lang sa nararamdaman niya, aayain ko na lang siyang mag-mall.
Alam ni Ate na may gusto ako kay Christopher since noong mga bata pa kami. Pero hindi iyon alam ni Christopher. Ang tanging alam niya lang ay kaibigan ang turing ko sa kanya. Kahit na ang totoo ay higit pa sa pagkakaibigan ang tingin ko sa kanya at naaapektuhan minsan ang pakikitungo ko sa kanya.
Pero noong nalaman ko na ang gusto niyang babae ay ang mismong kakambal ko, ay medyo lumayo ako. Dumistansiya ako, pero kahit na anong gawin ko, gusto ko pa din si Christopher. Hindi ko mabaling sa iba ang atensyon ko kasi yung tulad ni Christopher pa din ang hanap ko.
Kaya gumaan ang pakiramdam ko noong umalis ng bansa si Christopher. Hindi ko na siya nakikita na kasama ang kakambal ko at hindi na ako nasasaktan.
Hanggang ngayon, may pagkagusto pa din ako kay Christopher. Pero hindi na kasing tindi ng dati. Kaunti na lang. Ibig sabihin, kaya ko ng kontrolin yung selos na nararamdaman ko. Kaya ko ng tanggapin na hindi talaga ako ang para sa kanya.
Balik tayo sa nangyayari sa amin ni Christopher ngayon.....
Nasa driver's seat siya at ako naman ang nasa passenger's seat ng sasakyan niya. Tahimik lang kaming umalis ng bahay. As in walang kibuan. Hanggang sa hindi ko na din natiis ang katahimikan kaya nagtanong na ako ng ilang katanungan.
“So, bakit ka nga pala bumalik?” basag ko sa katahimikang lumukob sa amin.
Napatingin siya sa akin. “Bakit? Ayaw mo na akong makitang bumalik?” tugon niya saka ibinaling ulit sa daan ang tingin.
“Hindi naman sa gano'n. Nagtatanong lang naman ako,”
“Okay?”
“Yeah,”
“So, kumusta kayo ni Ate Chantelle?” Sa tanong kong ito, nag-iba ang reaksiyon ni Christopher. Bigla akong nakakita ng lungkot sa mukha niya.
“We're okay.”
Napangisi ako. “Really? Sa tingin mo sa itsura mong 'yan maniniwala ako sayo, ha? Tsk! Kilala kita, Christopher. Alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi,” saad ko.
He sighed. “Fine. Okay lang kami... ako lang naman ang hindi,” malungkot niyang sagot habang nakatingin lang sa daan.
“Sabi na nga ba eh. Nagseselos ka kasi kay Kuya Silver.”
Nang dahil sa tugon ko, napalingon siya bigla sa gawi ko nang may gulat na reaksiyon...
“K-kilala mo yung lalakeng 'yon?!” gulat niyang tanong.
“Oo, sikat kasi siya sa school namin. Ang hindi ko lang maintindihan ay, bakit dikit siya ng dikit kay Ate? Ang weird lang. Kasi yung taong 'yon ay hindi namamansin. Kapag dumaan ka, para ka lang hangin sa paningin niya. Kaya nakakapagtaka,” sagot ko.
“Malamang! May gusto siya kay Ate Chantelle mo. How did I noticed? Yung mga galawan niya. Halatang may gusto kay Chantelle, tsk!” Halatang naiinis siya kay Silver.
Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mga labi ko. “Patay na patay ka talaga sa kakambal ko, ano? In love na in love ka talaga sa kanya.” Nang dahil sa sinabi ko, natawa siya ng bahagya.
“Alam mo namang siya lang ang minahal ko ng higit pa sa sarili ko,” aniya.
Masaya ako para kay Ate Chantelle. Alam kong kung si Christopher man ang makatuluyan niya, magiging kampante ako kasi alam kong sa mabuting kamay mapupunta ang kakambal ko.
Mas maiinis lang siya kapag pinag-usapan lang namin yung nangyari kanina. Kaya nagtanong na lang ako ng ibang tanong.
“Eh, kailan ulit ang balik niyo sa Amerika?” pang-iiba ko ng usapan.
He smiled and turned his single glance on me. “We will stay here for good,” sagot niya saka ibinaling ulit ang tingin sa daanan.
Wait, matanong ko nga kung bakit sila umalis ng bansa noon. Bigla na lang kasi naming nalaman na umalis na sila at pagkatapos no'n ay nawalan na kami ng komunikasyon sa kanila. I just want to know why. Curiosity is killing me.
“Ahmm.. bakit nga pala kayo umalis ng Pilipinas noon?”
Nag-iba ang mood niya nang dahil sa itinanong ko. Nawala ang saya sa mukha niya. Napalitan ng hindi masuring emosyon. Walang kaemo-emosyon. Natakot ako kaya napagdesisyunan kong tumahimik na lang.
“I don't want to say this thing but, I need to,” aniya at huminga ng malalim.
Nagulat ako nang bigla niyang iliko ang sasakyan at ihinto ito sa isang gilid. Napatingin ako sa kanya nang dahil sa ginawa niya. Napayuko siya at nakarinig ako ng ilang hikbi mula sa kanya.
Magtatanong pa lang sana ako nang bigla siyang magsalita na siyang ikinagulat ko ng sobra.
“I... I have a leukemia and... I have only three months to live in this cruel world...”
Gusto kong humagulgol ng iyak pero napangunahan ako ng gulat at pagkabigla.
Pero siyempre, dahil kilala ko siyang may pagkaloko-loko, hindi ako naniwala kaagad. Baka kasi prank lang yung sinabi niya.
“Y-you're just kidding me, right? That's not true, right?” Sinubukan ko siyang ibuko na joke lang ang lahat. Pero dahan-dahan siyang umiling.
Pinunasan niya ang mga luhang umagos mula sa mapupungay niyang mga mata. “That's true, Tally... I have a leukemia. Hindi lang halata... I put some make-ups para matakpan,” pag-amin niya.
“Tara na? Nagugutom na rin ako eh. Hahaha!” nakangiti niyang saad saka pinaandar na ulit ang kotse niya saka nagtungo na sa mall.
Hanggang ngayon, hindi pa din nagsi-sink in sa utak ko ang mga sinabi ng katabi ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko. Hindi ako makapagsalita. Tamang tango at iling lang ang ginagawa kong pagtugon kapag nagtatanong si Christopher.
Maraming tanong ang nabuo sa utak ko. Mga tanong na wala pang sapat na kasagutan. Yung tipong okay na nga ako pero yung sakit na naramdaman ko noon, mas malala ito. Mas masakit. This is totally unexpected. Tapos ang malala pa ay sa taong mahal ko pa.
BINABASA MO ANG
The Letters [COMPLETED]
Romance[UNDER REVISION] FIRST EVER ROMANCE-TRAGIC STORY THAT I'VE WROTE! --- Alam na'tin na sa bawat ngiti ay may kapalit na lumbay. Ang bawat buhay ay may kapalit na kamatayan. Ang pagmamahal ay may kaakibat na pagtitiyaga, pagsasakripisyo, at pagpaparaya...