CHAPTER 15

19 10 0
                                    

***

Christopher's POV

---

Pagabi na, nasasaksihan ko ang paglubog ng araw sa rooftop. Buti na lang may elevator papunta dito tapos kaunting akyat na lang sa hagdan para makarating dito sa tuktok. Kaya hindi ako napagod.

Ilang segundo pa ang lumipas at nakarinig ako ng ilang yabag na patakbo papunta dito sa rooftop at napalingon ako doon at napangiti na lamang ako nang makita kung sino iyon.

Si Chantelle.

Nginitian niya rin ako at patakbo ulit na lumapit sa akin. Naupo siya sa tabi ko, dala niya pa rin ang gitara niya. As if she will forget her favorite guitar.

“Buti sumunod ka sa akin dito. Ang akala ko doon ka na magi-stay,” sabi ko sa kanya. Nginitian niya lang ako at tumingin na sa malayo.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa palubog na araw habang nagiisip-isip. Iniisip ang mga bagay-bagay kung ano ang mga posibleng mangyari kapag nawala ako. Kung paano nila ako kakalimutan bilang ako. Kung paano sila makakalimot sa pagkawala ko.

“Ang ganda ng sunset 'no?” basag niya sa katahimikang lumukob sa amin kani-kanina lang.

“Oo nga, kasing ganda mo,” tugon ko.

Kahit na hindi ko siya lingunin ay alam kong napatingin siya sa akin. Nilingon ko siya pero nag-iwas lang siya ng tingin.

Napangiti ako, alam kong nagulat siya sa sinabi ko. Kasi dati, inaasar ko siyang ang pangit niya noong mga bata pa lang kami.

Pero ngayon kasi ay iba na. Mas gumanda siya ngayon. Sinasabihan ko lang siyang pangit noon kasi para mapansin niya ako kasi noon, crush na crush ko na siya.

Nang dahil nga sa kanya, napuno yung mini box ko na kulay pula ng mga letters ko para sa kanya noon. Naaalala ko pa kung paano ako kiligin noon. Napapatalon ako sa kama ko tapos dadapa habang nakadukdok sa unan ang mukha. Ang cute 'di ba?

Ibinaling ko ulit sa araw ang atensyon ko.

“So, kamusta kayo ni Silver?” tanong ko sa kanya habang nakatuon pa din sa araw ang atensyon ko.

“Kami? Okay naman kami, bakit?”

“Wala naman, naitanong ko lang.”

Nang matapos ang usapan naming iyon ay nilukob na naman kami ng katahimikan. Ang awkward na naman. Nakatutok lang ang atensyon niya sa palubog na araw habang ako, nakatitig lang sa maamo't maganda niyang mukha.

“Ikakasal na ako, Chris...”

Ang sayang nararamdaman ko kanina habang pinagmamasdan siya ay biglang nag-iba...

Nanlumo ako sa sinabi niya. Nanghina ang buong katawan ko. Parang gusto ko na agad mawala sa mundo nang dahil sa nalaman ko.

Pero baka hindi...

Baka hindi totoo...

“N-nagbibiro ka lang 'di ba?” Gusto kong malinawan tungkol sa sinabi niya.

Humarap siya sa akin at nakita ko ang mga luha sa mga mata niyang tumutulo na. Dahan-dahan siyang umiling. “No, Chris. That's true, balak a-akong ipakasal n-ni Mommy sa anak ng isang mayamang businessman,”

Ang kaninang kaba na naramdaman ko ay napalitan ng sakit. Sakit na tagos hanggang sa kalamnan ko. Sakit na damay pati ang buong katawan ko. “W-what?!” iyan na lamang ang nabanggit ko.

Ang kaninang mga tig-iisang luha lamang na pumapatak, ngayon ay tuloy-tuloy na.

“H..hindi ko na alam ang g..gagawin ko, Chris. P..pagod na pagod na a..akong makipag-away kay Mommy. I...i can't take this problem anymore...” Hindi ako makapagsalita nang dahil sa mga sinasabi niya. Para akong nabingi nang at naka-focus lang sa kasal ang buong atensyon ko.

I took a deep breath and talk to her again. “No, kaya mo 'yan. Naniniwala ako sayo. Alam kong madali lang sabihin ito kasi wala ako sa posisyon mo pero kaya mo 'yan. Kakayanin mo, okay?” Gusto kong sumigaw nang dahil sa sakit na naramdaman ko.

Dali-dali niyang pinunasan ang mga luha niya. “I will try my best, Chris. I will. Thank you kasi lagi kang nand'yan para sa'kin. Palagi mo akong pinaaalalahanan na magpakatatag. I am so thankful kasi nagkaroon ako ng isang kaibigan na gaya mo,” ayan na naman siya, nagpapanggap na matatag sa harap ko kahit na hinang hina na.

“Chantelle, you don't need to cover your real emotions. I can be your handkerchief to wipe your tears from your cute eyes. Pwede mo akong iyakan ngayon, gawin ko akong unan na yayakapin mo, gawin mo akong panyo, gawin mo akong panaggalang mo sa lahat. Gagawin ko ang lahat para sayo,” sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. Napayakap na rin siya habang walang tigil sa kakaiyak.

Ilang sandali pa'y humupa na rin siya sa kakaiyak. Inilabas niya lang ang sama ng loob niya sa ginawa ng Mommy niya.

Sino ba naman magkakagusto na makasal sa isang taong hindi mo pa nakilala at hindi mo naman mahal? Wala naman na kahit na sino ay gugustuhin iyon.

***

Wala na ang haring araw pero nandito pa din kami sa tuktok, sa rooftop. Medyo lumalamig na din ang simoy ng hangin kaya masarap tumambay sa taas at makikita ang mga makukulay na ilaw ng mga sasakyan pati na ng mga tindahan. Buong siyudad ay kitang kita sa rooftop na kinalalagyan namin.

Kumakanta lang itong kasama ko. Ang sarap ng pagkakanta niya dito. Feel na feel niya ang simoy ng hangin at ang pagiging free. Napapangiti ako sa tuwing nangingiti siya habang kumakanta. Sana palagi ko siyang nakikitang ganito. Sana hindi na din matapos ang mga pangyayaring 'to sa aming dalawa.

Sana palagi lang siyang masaya. Nalulungkot din kasi ako kapag nakikita ko siyang malungkot at maraming dinadalang problema.

Kahit kasi gustuhin ko man siyang samahan at damayan habangbuhay, hindi ko magagawa iyon at never. Kasi mamamatay din naman ako. Mawawala din ako sa mundong ginagalawan ko ngayon.

Sorry, Chan. Sorry kung hindi kita matutulungan sa problema mo. Wala kasi akong ibang dahilan para makatakas ka. Kung sasabihin ko naman 'yong nararamdaman ko, tss! Kasi kahit na malaman mo na mahal na mahal kita, sa iba ka pa din mapupunta at hindi sa akin.

Never kang magiging akin kasi iba ang gusto ng Mommy mo para sayo at hindi ako 'yon. Never na magiging ako. Sana ganyan ka na lang palagi, nakangiti lang at hindi nalulugmok sa lungkot sa isang sulok.

Basta, gagawin ko na lang lahat para maging masaya ka habang nakakasama mo pa ako. Sana itong mga alaala na'ting ginagawa ay mananatili sa alaala mo at pati na sa puso mo.

Sana hindi mo ako kamuhian kapag umalis ako. Sana maintindihan mo kung bakit ko ito ginawa. Maiintindihan ko naman kung magagalit ka sa akin eh. Pero sana, sana mapatawad mo ako. Sorry, Chantelle.

The Letters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon