***
Chantelle's POV
---
Ilang oras na rin ang nakakalipas pero wala pa din yung teacher namin. Kaya napagdesisyunan ko na lumibot-libot muna kasama si Hazel. Buti pumayag itong gurang na 'to na samahan ako.
Habang naglalakad kami, napagdesisyunan ko na pumunta muna sa room ng kakambal ko. Gusto ko lang i-check kung anong ginagawa niya at gusto ko din tanungin kung alam niya ba yung room ni Chris. Baka sakaling alam niya at baka nabanggit sa kanya. Hindi kasi sinabi sa akin ng lalakeng 'yon.
Nagtungo kami sa kabilang building. Naglakad kami sa gitna ng hallway para hanapin ang Room 287 kung saan ang classroom kung nasaan ang kakambal ko.
At ito ang nakita ko sa hindi ko inaasahan...
Magkahawak-kamay ang kakambal ko at si Chris at nagngingitian habang may sinasabi sa isa't isa.
Hindi ko alam pero para akong tinarak ng maraming beses sa puso. Hindi ko rin napansin na lumuluha na pala ako. Kaya bago pa mapansin ni Hazel 'yon ay pinunasan ko na agad.
“Tara na, nakakasulasok dito,” aya ko sa kasama kong si Hazel at hinila na siya paalis sa kinatatayuan namin.
Sila na ba?
May namamagitan na ba sa kanila?
May realsyon na ba silang dalawa?
Nahihiya ba silang sabihin sa akin?
Bakit gano'n? Bakit nasasaktan ako? Dapat hindi naman eh. Kasi okay lang naman na maging sila. Close silang dalawa sa isa't isa. Kaya, bakit naman ako masasaktan ng ganito?
Hindi kaya...
Hindi, hindi pwede. Hindi ako pwedeng mahulog kay Chris! Alam kong mahal na mahal siya ng kakambal ko at alam kong masasaktan siya kapag nalaman niyang nagkakaganito ako.
Kailangan ko itong pigilan hangga't maaga pa. Tsaka hindi naman ako gusto ni Chris. Hindi ako ang mahal niya kaya kailangan ko itong pigilan hangga't kaya ko pang pigilan.
Ayokong makasakit ako ng damdamin ng iba. Ayaw kong mawala ang tiwala sa akin ng kapatid ko. Ayaw kong agawan siya ng kasiyahan. Ayaw ko siyang saktan.
Mas okay na sigurong ako na lang ang masaktan kaysa siya. Mas masakit para sa akin na makitang nasasaktan ang kakambal ko nang dahil lang sa akin. Ayaw kong magmukhang masama sa paningin niya.
***
Nang makalayo na kami ni Hazel, she started asking a non-stop questions. I still be quiet for awhile, I didn't answer her questions, either. I need to be calm. Kailangan kong ipamukha sa sarili ko na walang pag-asa.
Wala ako sa sarili kong binanggit ang mga salitang ito. “Tara sa bar, inom tayo,” sabi ko nang hindi man lang tumitingin kay Hazel.
“Tsk, bakit naman natin kailngan uminom sa bar kung pwedeng sa bahay na lang?” aniya.
“I don't want to make a mess in your own house. Kaya sa bar tayo mamayang 7:30 pm. Ano? Game?”
“Game! Tatanggi ba naman ako? Basta sa kotse mo ako sasakay. Para kapag nalasing ka, ako na ang maghahatid sayo pabalik sa bahay ninyo. And I'm sure, Tita will be mad at you again.”
Nilingon ko siya. “My Mom is just like a stranger now in my eyes. She already forgot that she has ME. Ang laging bukam-bibig niya nga lang ay si Sunset. Never ko pang narinig na tinawag niya ang pangalan ko. So, what's the sense pa para matakot ako sa kanya kung magagalit siya o hindi? She don't care about me,”
“Okay, sabi mo eh. Sino ba naman ako para husgahan ka? Eh wala naman ako sa posisyon mo.”
Nang matapos ang hunatahan naming iyon, inaya ko na siya para makabalik na agad ng classrrom namin. Nasa kabilang building pa naman. May kalayuan. Ang sakit na nga sa paa, ang sakit pa ng puso ko. Hay...
***
Nang makabalik na kami sa classroom namin, nagutom ako bigla kaya nagpasama na naman ako sa cafeteria para makakuha ng makakain. Nakakagutom pala ang paglalakad.
Nagutom din daw itong kasama ko kaya bumili na rin siya ng pagkain niya. Isang burger at isang cola float ang binili niya.
Samantalang ako, street foods ang binili ko. As in, ten peson ng kikiyam, five pesos ng fish balls at five pesos na squid balls. Para sa panulak naman, bumili ako ng isang C2 Solo.
So ayon, masaya kaming kumakain habang naglalakad. Thirty minutes pa naman bago magsimula ang next subject eh. So, may time pa para lumamon ng lumamon hangga't may pera.
“Ang dami mong binili. Kaya mong ubusin lahat 'yan? Kung hindi, pwedeng pahingi? Please? Isa lang naman eh,”
Ayy... napakagaling naman ng bruhang ito at hihingi pa daw. Eh, hindi niya pa nga nauumpisahang kainin yung burger at cola float niya.
“No way! Gutom ako at gusto kong magpakabusog. Ang sarap kasi ng sauce na niluto nila kaya dinamihan ko yung binili ko pati yung sauce,”
“Ang damot naman nito. Hihingi lang eh,”
“Eh bakit kasi ang sosyal mo sa mga pagkaing binibili mo? Bakit kasi hindi gaya na lang ng akin yung binili mo?”
“Eh di 'wag! Makabili na nga lang ng akin, hmp!”
HAHAHAHA! Pagpasensyahan niyo na siya. Sorry siya kasi gutom na gutom pa talaga ako. Kapag gutom pa ako, hindi talaga ako nagpapahingi. Maliban na lang kung agad kukunin at kakainin... like.. Christopher...
Hayst! Naalala ko na naman yung mokong na 'yon! Kainis! Bakit kasi ang dami naming memories na magkasama? 'Yan tuloy, ang hirap mag-move on.
Baka kailangan ko na rin ng boyfriend para maka-move on ako kay Christopher. Yes, baka nga kailangan ko ng magpaligaw.
Tsaka, nakakainggit. Sila may lovelife, ako nagpapakatanga at umaasa rito na sana ako na lang ang piliin kahit na hindi naman talaga ako kapili-pili.
Pwede bang sigawan si universe na kung pwede, ibigay na niya yung tamang tao para sa akin?
Joke!
I'm just kidding. Ganito lang siguro ako kasi broken. Yeah, baka epekto lang ito ng nakita ko kanina at naramdaman ko. Baka mamaya mawawala rin ito. Hoping na sana mawala. Kapag hindi nawala, hindi ko na alam. Iiiyak ko na lang lahat kapag gano'n.
Wala eh, wala naman talaga akong dapat ipaglaban kasi hindi naman ako yung mahal at hindi ako yung gusto. Kailangan lang talagang tanggapin.
Minsan naguguluhan na rin ako sa nararamdan ko kasi nagiging masaya ako para sa kanila samantalang yung nararamdaman ko pabigat ng pabigat yung sakit.
BINABASA MO ANG
The Letters [COMPLETED]
Romance[UNDER REVISION] FIRST EVER ROMANCE-TRAGIC STORY THAT I'VE WROTE! --- Alam na'tin na sa bawat ngiti ay may kapalit na lumbay. Ang bawat buhay ay may kapalit na kamatayan. Ang pagmamahal ay may kaakibat na pagtitiyaga, pagsasakripisyo, at pagpaparaya...