***
Christopher's POV
---
Nang makauwi ako ng bahay, nagtungo agad ako sa kusina. Nakita ko ang Yaya ko na naghahanda na ng makakain ko. Maya-maya pa ay tinawag na niya ang pangalan ko at sinabi na na kakain na raw ako kaya sumunod na ako papuntang dining area.
Kumain ako ng saktong dami lang ng pagkain. Nang makakain na ako, pumasok na agad ako sa kwarto ko. Nahiga na agad ako sa kama. Habang hinihintay na bumaba ang kinain ko, binuksan ko muna ang telebisyon na nandito sa kwarto ko. Nanood ako ng isang palabas sa isang channel. Pero agad din akong nagsawa sa palabas at pinatay na lang ang telebisyon.
Kumuha na lang ako ng libro at nagbasa ng nobela. Hanggang sa makatanggap ako ng isang mensahe mula kay Chantelle. Kaya agad ko iyong binasa.
Kinukumusta lang naman ako kung okay ako o hindi. Siyempre, agad akong nag-reply na okay lang ako. Para hindi na rin siya mag-alala sa akin. Ayaw kong nag-aalala siya.
Nang maka-reply ako sa message niya, biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Mommy kaya agad ko itong sinagot.
“Mom?” panimula ko.
[“Are you okay? I just want to check your health if you're okay or not. And I heard from your Yaya that you're with Chantelle? Kumusta ang lakad niyong dalawa? Masaya ba?”]
Ang bilis makarating ng balita ah. Si Yaya talaga oh! Agad na sinabi kay Mommy na nakipagkita ako kay Chantelle kanina, hayst...
“Oo naman po. Kailan pa po ba ako naging malungkot sa tuwing kasama ko si Chantelle?” I answered.
[“Wait, maiba tayo. Kailan ka ba aamin kay Chantelle, anak? Ang tagal mo ng may gusto sa kanya pero natotorpe ka pa din. Gusto ko ng magkaapo kaya dali-dalian mo iyang galaw mo. Kahit mga... limang apo lang naman, anak. Okay na 'yon.”]
Natawa ako sa sinabi ng Mommy ko.
“Mom, I'm too weak to make a FIVE children that you want. Okay na siguro ang dalawa. It's enough basta si Chantelle ang magiging ina ng mga magiging anak ko balang araw,”
[“Chantelle is a smart woman. She amaze me everytime when she's talking to me about business stuffs. She's like her father, she loves working. She's also gorgeous like her mother. She's kind so I'm comfortable now that she will be the mother of my future grandsons and granddaugthers.”]
I'm so happy na botong boto sa amin si Mommy, pati na si Daddy. They know how much I love her. They know that I'm so in love with Sunrise Chantelle.
Pero nag-aalangan ako... So, at the same time, nalulungkot ako.
“But... I don't want to hurt her, Mom.”
Napasinghap ako bago magpatuloy...
“I know and I'm aware that anytime, pwedeng umatake ang sakit ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal sa mundo, Mom. Ayaw kong saktan si Chantelle kaya hanggang ngayon hindi pa din ako umaamin sa kanya,” paliwanag ko.
Bumuntong hininga si Mommy at rinig ko iyon mula sa kabilang linya. [“But I know how much you love her. Alam kong gustong gusto mo ng umamin sa kanya. But because of overthinking, you can't say any words. Son, sabihin mo na habang maaga pa kay Chantelle kung ano ang nararamdaman mo. Para hindi mo 'yon pagsisisihan sa huli,”]
“But, Mom... I can't... I don't want to hurt her. I don't want to see her crying because of me.. I can't do that, Mom. Even though I want to spend my last three months on this earth with her and make so many special memories before I'll die, I can't do that for now.. I can't!” mangiyak-ngiyak kong tugon sa kanya.
[“It's okay kung hindi mo pa kayang sabihin ang totoo, anak. Sabihin mo lang sa akin kung ready ka na ha? Sabihan mo ako para alam ko. Para kung sakali mang hindi maganda ang maging resulta, meron ako na dadamay sayo, okay?”]
Hindi ko mapigilang mapangiti nang dahil sa mga sinabi ng Mommy ko. I'm so very lucky to have a mother like her. Mom is an amazing woman that I know. Mommy is my comfort zone and also my everything.
“Thanks, Mom. Kampante na ako ngayon kung sakali mang umamin na ako kasi alam kong meron kayo sa tabi ko,” I said while still smiling.
[“Aww~.. Son, I'm your Mom. I will do everything just to make you comfortable and happy. I'll choose your decisions for yourself over my decisions for you and your health and that's because I love you. I love you, my son. Alam kong nagkukulang na kami ng atensyon sayo because we're busy right now, we're facing the big problems of our company. I hope you'll understand us,”]
“Pero pwede niyo naman akong pagsabihan kapag sobra na ako sa mga desisyon ko. You have the rights to choose and judge on what is the best decision for me, Mom. Kung ano ang mas makakabuti. Kasi aaminin ko namang hindi lahat ng desisyon ko ay tama,”
[“Alam ko naman iyon, anak. Pero may tiwala ako sayo. Malaki ang tiwala ko sayo. Alam kong hindi ka gagawa ng desisyon mo na pagsisihan mo sa huli.”]
“Thanks po sa tiwala at pagmamahal niyo sa akin ni Daddy. I'm so very thankful po talaga. Thanks for evening, Mom. Kahit na nasa malayo kaso, parang nasa tabi ko lang kayo ni Daddy. I love you, Mom.”
[“I love you, too. Basta, always pray to God and be happy. Don't stress yourself, anak. Just do what you want.”]
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan na kaagad niya ring binasag...
[“Siya nga pala, anak. I need to go. May meeting pa kami kay Mr. Washington ngayon. Bye, anak! Mag-iingat ka palagi, ha?”] sabi niya.
“Bye, Mom. Take care also,” tugon ko at hinintay na ibaba na ni Mommy ang tawag.
Parang mas gumaan ang pakiramdam ko ngayon. Sobrang saya ko kasi nagkaroon ng saglitang oras para kumustahin ako ng Mom ko. Buti na lang at sila ang naging parents ko.
Ilang minuto pa'y may kumatok sa aking pinto ng tatlong beses kaya kaagad kong binuksan iyon. Pumasok ang Yaya ko na may dalang isang tray at ang laman ay tubig at ang medicines kit ko.
Kumuha ako ng gamot ko at ininom iyon. After that, humiga na ako sa kama ko. Nagpaalam na si Yaya na bababa na daw. Tumango na lang ako bilang tugon.
Nang makababa na siya ay ipinikit ko na ang aking mga mata at naumpisahan ng matulog. Kasabay ng pagpikit ng aking mga mata ang pag-agos ng ilang mga buting ng luha sa aking mga pisngi.
Naalala ko na naman kasi yung napag-usapan namin ni Mommy. Hayst...
BINABASA MO ANG
The Letters [COMPLETED]
Romance[UNDER REVISION] FIRST EVER ROMANCE-TRAGIC STORY THAT I'VE WROTE! --- Alam na'tin na sa bawat ngiti ay may kapalit na lumbay. Ang bawat buhay ay may kapalit na kamatayan. Ang pagmamahal ay may kaakibat na pagtitiyaga, pagsasakripisyo, at pagpaparaya...