CHAPTER 14

26 10 0
                                    

***

Chantelle's POV

---

Busy ako sa pag-aayos ng mga gamit ko sa locker ko nang biglang tumunog ang phone ko. Kaagad ko namang sinagot iyon nang makita ko ang pangalan ng tumatawag.

Si Mommy pala.

“Yes, Mom.” sagot ko sa tawag.

[“Balak kitang ipakasal sa isang anak ng isang businessman. Mayaman sila at kaya nilang suportahan ang kompanya natin if ever na siya ang nag-iisang anak niya ang mapapangasawa mo,”]

“What?!?”

[“Alam mo naman ang patakaran ko hindi ba? Kapag sinabi ko, sinabi ko. No but's, sa ayaw at sa gusto mo, ikakasal kayo. Maliwanag?”]

“But, Mom—”

[“Ano bang sinabi ko, Sunrise Chantelle? Ha? Kung anong sinabi ko, iyon ang masusunod!”] sigaw ng Mommy ko mula sa kabilang linya saka ako pinatayan ng tawag.

Napatulala na lang ako bigla habang ibinababa ang phone ko. Hindi ko matanggap na pati sa lovelife ko ay mangingialam ang mismong ina ko.

Hindi ko matanggap na ganito ang naging kahihinatnan ko matapos akong pagbintangan ng mismong nanay ko na ako ang dahilan ng pagkamatay ng ama ko. Kahit na wala naman akong kasalanan talaga.

Wala akong magawa ngayon kun'di ang umiyak na lamang. Wala na akong tagapagtanggol. Wala na akong kasangga sa lahat ng bagay. Iniisip ko nga minsan kung kaano-ano ba talaga ako ni Sunset. Kung tunay ba kaming kambal o sadyang magkamukha lang talaga.

Lahat pinakikialaman ng Mommy ko. Wala akong ibang magawa kun'di ang sumunod na lamang kahit na labag sa loob ko. Kahit naman gusto ko siyang tanungin kung bakit niya kinokontrol ang buhay ko. Kung bakit kinokontra niya ang bawat desisyon ko at kailangan siya ang masunod.

Alam ko naman na dapat siya ang masunod kasi alam niya ang makakabuti sa akin. Pero sobra naman yata na pati private life ko pakikialaman niya. Hindi na kasi gawain 'yon ng isang ina.

Tsaka nasa tamang edad na ako. Kaya ko ng pumili ng tamang desisyon na makakabuti sa akin. Pero anong ibang magagawa ko kung ang Mommy ko ang may hawak ng desisyon? Kilala ko siya, kapag nagdesisyon na siya, hindi na mababago ang isip niya. Walang makakapagpabago no'n.

***

Lutang akong pumunta sa tambayan ko. Sa ilalim ng puno, dala ang gitara ko. Umupo ako sa ilalim no'n. Kapag nandito ako, feeling ko wala akong kahit na anong problema. Nakakapag-relax ako physically and mentally. Ang gaan ng pakiramdam ko kapag nandito ako.

Nag-umpisa na akong magpatugtog ng gitara. Gusto kong kahit sandali lang, kahit sa pagkanta lang, mailabas ko yung mga nararamdaman ko. Lahat ng galit at inis ko sa sarili ko kasi hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko sa mga desisyon ng magulang ko.

{ I don't need a lot of things
I can get by with nothing
With all the blessings life can bring
I've always needed something

But I've got all I want
When it comes to loving you
You're my only reason
You're my only truth }

Patuloy lang ako sa pagkanta nang biglang may kung sinong nagtakip ng mga mata ko gamit ang mga kamay niya. Napaigtad ako nang dahil sa gulat at naihinto ang aking pagtugtog at pagkanta nang dahil sa kanya.

Kaagad kong naamoy ang pamilyar niyang pabango kaya nalaman ko rin kung sino iyon. Iisang tao lang naman ang kilala kong gano'n ang pabango.

Amoy pambabae ang pabango niya.

“Hey, I know who you are. Tsk!” Nakangisi kong sabi.

Ibinaba niya ang kanyang mga kamay mula sa pagkakatakip sa mga mata ko. “Yes, ako nga,” aniya at pumunta sa harapan ko habang nakangiti.

Tsk! Si Chris nga.

“Why you're here?” tanong ko sa kanya.

“Nandito ako para sunduin ka. Tara sa rooftop ng school?” aya nito sa'kin.

I just smiled at him and answered, “Huwag na lang, mas payapa ang isip ko kapag nandito ako,” sabi ko sabay iwas ng tingin.

He nodded. “Okay, if that's what you want, I'll respect it. Kung hahanapin mo ako at maghahanap ka ng ka-jamming sa pagkanta, nasa rooftop lang ako, okay?”

I nodded. “Sige, ingat ka.”

He just waved his right hand, it's a sign that he's going to leave. I did the same thing and smiled at him. He smiled at me, too, before he turn his back and walk away.

Habang ako, nanatili pa din sa kinauupuan ko habang hawak pa din ang gitara ko. Itutuloy ko na lang siguro ang nasimulan kong kinanta kanina.

I started to strum the strings of my guitar and continue singing the song...

{ I need you like water
Like breath, like rain
I need you like mercy
From heaven's gate

There's a freedom in your arms
That carries me through
I need you }

Nagpatuloy lang ako sa pagkanta ng kantang kinakanta ko. Pinipilit kong mapagaan ang pakiramdam ko kahit sa ganitong paraan lang.

Habang kumakanta ako, naalala ko na naman yung kanina sa usapan namin ng Mom ko. Kahit na gusto kong kalimutan, bumabalik pa din eh.

Kung pwede lang sanang takasan ito, kanina ko pa ginawa. Kaso, kahit na tumakas pala ako, mahahanap pa din ako. Maimpluwensyang tao pala ang magulang ko kaya wala din akong takas.

Gusto kong maging normal na lang ang buhay ko. Yung walang kumokontrol sa lahat ng desisyon ko sa buhay. Yung walang magdidikta ng kapalaran ko para sa sarili ko. Yung magiging payapa ang buhay ko nang walang iniisip na kung anu-ano.

Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Nagiging intense na rin ang pag-strum ko sa strings ng gitara ko hanggang sa napahinto na lang ako kasi hindi ko na kayang tiisin yung sakit na nararamdaman ko.

Ang kaninang paisa-isang luha na umaagos ay para ng isang ilog ngayon na tuloy-tuloy ng umaagos sa nga pisngi ko.

“AAAAAAAAAAAAAAAAAH! DAAAAAAAD! COME HOME, PLEASE? CAN YOU? DAD, I CAN'T! HINDI KO NA KAYA ANG TRATO NI MOMMY SA'KIN! I NEED YOU! I REALLY NEED YOU, DAD...”

Napasigaw na lamang ako nang dahil sa bigat ng nararamdaman ko. I need my Dad! Kailangan ko ng kakampi sa panahon ngayon. I need a help from my Dad! But where he is? He's gone! I don't have any idea on how to escape in this kind of situation I have. It's so hard!

Why she's treating me like I don't have a value for her as her daughter?!?

Minsan talaga, napapaisip na lang ako kung ampon ba talaga ako o tunay nilang anak. Hindi naman kasi sa mukha nababase kung magkabatid ba talaga o hindi. Pwede naman kasing magkahawig lang kami ni Sunset.

*****

Song: I Need You by Leann Rimes

The Letters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon