Play the song to feel every lines of this chapter. Thank you!
***
Christopher's POV
---
Kausap ko ang Mom ko sa phone habang nasa kwarto ako kasama ang bestfriend ko na si Tally.
["Anak, nakahanda na ba ang mga gamit mo papuntang Amerika?"]
"Yes, Mom. Thanks to Sunset because she's here to help me to pack all of my stuffs,"
["Bakit kasi hindi na lang kayong dalawa ang magkatuluyan? Tutal, parehas naman kayong single."]
Natahimik ako nang dahil sa sinabi ng Mom ko. Bakit nga ba hindi na lang si Sunset? I tried it before pero, wala talaga eh. Ang lagi ko pa ding hanap ay nag kakambal niya.
"Mom, hindi naman po kasi gano'n kadali 'yon. I mean... yeah, mabait at maganda si Sunset pero... hindi ko ka din kayang palitan sa puso ko si Chantelle. I'm sorry, Mom. Pero si Chantelle lang talaga ang kaya kong mahalin at wala ng iba."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng Mom ko nang dahil sa isinagot ko sa kanya. Totoo naman kasi eh. Hindi naman niya ako mapipilit na mahalin si Sunset para lang makalimutan ko ang pagmamahal ko kay Chantelle.
["Kung iyan ang gusto mo, susuportahan na lang kita, anak. Wala naman akong magagawa kung si Chantelle talaga ang gusto at mahal mo,"]
I smiled, "Thanks, Mom. Alam kong never magiging kami ni Chantelle, but it's okay. Alam ko naman na nasa mabuting kamay siya eh, kaya hindi ko na kailangan pang mag-alala,"
["Okay, sabi mo eh. Anyways, mamayang 9:32 am ang flight. Hintayin niyo na lang ako sa airport ni Sunset, may dadaanan lang ako, okay?"]
"Yes, Mom. We'll wait you there. See yah!"
["Okay, ingat kayo sa biyahe."]
After namin mag-usap namin ng Mom ko, I faced Tally and smiled at her.
"What?" natatawa nitang sabi.
"Let's go?" tanong ko rito. She nodded, kaya sinamahan na niya ako sa paglalabas ng mga gamit ko sa kwarto.
Nakita kami ng mga kasambahay namin kaya tinulungan na kami sa mga dala naming gamit. Ikinarga ang lahat iyon sa likod ng van namin na kulay puti. Pagkatapos ay sumakay na kami ni Tally sa loob at inilagay ko na ang headphone ko, nagpatugtog ng ilang musics na nakaka-relax. Medyo nilakasan ko ang volume para mas madama ko yung kanta.
---
Sunset's POV
---
Paalis na siya, tatanggapin ko na, na wala ng pag-asa sa aming dalawa. Pagtanggap na lang talaga sa katotohanan ang tanging paraan para makalimot na ako ng tuluyan sa kasalukuyan. Kinakailangan ko ng pakawalan ang nararamdaman ko para sa kanya na kailanma'y hindi masusuklian.
Ang hilig ko talagang saktan ang sarili ko. Ang tagal ko ng nagtitimpi sa sakit pero lahat ng iyon ay tiniis ko lang. Hinahayaan ko ang sarili ko na maging tanga...
Kasi mahal ko eh. Sa sobrang pagmamahal ko, nakalimutan ko na ang sarili ko. Pero okay lang, naipakita ko naman kung gaano siyaom kaimportante sa buhay ko. Bago niya ako iwan ng tuluyan dito sa Pilipinas, may hiling lang sana ako.
Sana gumaling siya at makita niya na ang babaeng magpapasaya sa kanya. Gusto ko siyang sumaya. Okay lang ako. Mahahanap ko pa din naman ang kasiyahan na hangad ko. Hindi man ngayon, sa mga susunod siguro na mga araw.
Sana sa pag-alis niya, sabay ko din sanang madama ang saya. Yung tipong hindi ko na mararamdaman na mahal ko pa siya ng higit sa pagkakaibigan. Sana kapag dumating yung point na hindi na ako in love sa kanya, nahanap naman na niya ang babaeng pakakasalan niya. Sana hindi na siya masaktan. Nasasakatan din kasi ako kapag nakikita ko siyang malungkot.
Gusto kong manatili sa tabi niya hanggang sa paggaling niyo pero, hindi pwede. Malalaman ng kakambal ko ang kalagayan ng childhood friend niya. Siyempre, mag-aalala siya kung bakit ako aalis ng bansa. Hindi ko naman pwedeng sabihin na magpapagaling doon si Chris.
Ayaw ni Chris na malaman ng kakambal ko ang kalagayan niya kaya hanggang ngayon ay pilit naming itinatago iyon sa kanya. Kahit na nagtatanong si Ate Chantelle, iniiba ko yung topic. Kapag nangungulit, sinasabi kong okay lang si Christopher...
Kahit na hindi naman talaga.
Ilang segundo pa ang nakalipas, umandar na din ang sasakyan namin. Nanatili lang akong nakatitig kay Christopher. Hindi ko napansin na lumuluha na pala ako. Kaagad ko iyong pinunas gamit ang palad ko.
"Ma'am, okay ka lang po ba?" nabigla ako sa itinanong ng mismong driver ng sasakyan namin kaya agad akong napatingin sa kanya.
"Ahmm... yeah, I'm fine po." I answered. He just nodded as a response. After that, itinuon niya ulit ang atensyon sa daan.
Mas pinili ko na dito sa likod kasi kung lumuha man ako, okay lang, hindi niya makikita. Tsaka, wala naman sa kanya kahit na alam niyang nasasaktan ako sa pag-alis niya. Ang alam niya ay okay lang kasi iniisip niya na tanggap ko lahat ng desisyon niya para sa ikabubuti niya.
Hindi ko na kailangan pang ipaglaban ang nararamdaman ko kasi wala naman talagang pupuntahan eh.
Ang akala ko talaga tapos na akong masaktan noon. Mas masakit at masaklap pala yung ngayon. Kasi kahit na anong gawin ko, kahit ako na yung nasa tabi niya, si Ate Chantelle pa din ang hanap niya.
Kahit na nahihirapan na siya minsan nang dahil sa kalagayan niya...
Pangalan pa din ng kakambal ko ang binabanggit at tinatawag niya.
Ang tanga ko sa part na alam ko naman sa sarili ko na walang magagawa ang paghihintay ko, ipinagpapatuloy ko pa din kasi mahal na mahal ko at ayoko siyang mawala sa akin... sa piling ko.
Pero ito ako ngayon, maiiwan... mag-isa... nasasaktan... hinahayaang lamunin ng lungkot at pagkatanga nang dahil sa pagmamahal ng sobra.
Hayst!
"Pero ano pa nga bang magagawa mo, Sunset Chantallia? Pinili mo iyang sitwasyong iyan, kaya ka nagdudusa ngayon! 'Di ba? Ang sabi ko sayo, huwag mo hayaan ang sarili mo na umasa ulit! Pero ano nangyayari sa sarili mo ngayon? Ha?! Tang'na naman eh! Okay ka na noon! Okay ka na! Bakit nagpakatanga ka ulit? Ha?! Bakit?"
Tangin sa isip ko na lang ako naglalabas ng sama ng loob sa sarili ko kasi hindi ko ito maisigaw. Gusto kong ilabas ito kanina pa. Kaya hahayaan kong malungkot ang sarili ko at dito na lang ibuhos lahat-lahat.
Hindi ko napigilan ang mga luhang nagbagsakan mula sa mapupungay kong mga mata na patuloy na umaagos sa aking mga pisngi.
Tumagilid na lamang ako at inihilig ang ulo sa kaliwang gawi. Pumikit at tahimik na humihikbi. Ang gusto ko lang ngayon ay umiyak ng umiyak. Hindi ko pa kasi matanggap na kailangan niya akong iwan, kami... para sa ikakabuti niya.
Ayaw ko nang maging makasarili kaya sige ako ng sige. Kahit na labag sa kalooban ko.
Hay... masasanay rin siguro ako. Sana nga masanay ako na hindi na siya nakikita. Kasi mas sumasakit lang sa tuwing nakikita ko siya. Parang ang lahat ng lakas ko ay unti-unting hinihigop ng lungkot.
BINABASA MO ANG
The Letters [COMPLETED]
Romance[UNDER REVISION] FIRST EVER ROMANCE-TRAGIC STORY THAT I'VE WROTE! --- Alam na'tin na sa bawat ngiti ay may kapalit na lumbay. Ang bawat buhay ay may kapalit na kamatayan. Ang pagmamahal ay may kaakibat na pagtitiyaga, pagsasakripisyo, at pagpaparaya...