***
Chantelle's POV
---
Kinabukasan...
.....
Nagising ako nang dahil sa liwanag na tumama sa aking mukha. Dali-dali akong bumangon sa kinahihigaan ko at umupo. Nagunat-unat muna ako hanggang sa mapatingin ako sa gilid ko kung saan nakapatong ang orasan ko sa mini cabinet na nasa tabi ng kama ko.
Shaks! It's already 6:30 am!
Nagulantang ako at mabilis na tinungo ang banyo at naligo. Muntikan pa nga kong madulas nang dahil sa pagmamadali.
Nang matapos na akong naligo, nagbihis na ako sa mismong kwarto ko. Yes! Hindi ako sa banyo nagbihis. Hindi ba ang karamihan sa atin ay nakatapos pang lalabas ng banyo? Ako hindi na. Nagmamadali ako eh.
Nang makapagbihis na ako, nagsuklay na ako ng buhok. Mamaya na ako magsasapatos kapag nakakain na ako. Tinatamad pa akong maglagay at mag-ayos ng sintas.
Bakit nga ba ako nagmamadali ngayon? Kasi po ano.. kasi... HAHAHAHAHA!
MAY PASOK KASI KAMI AT MUNTIKAN KO NG MAKALIMUTAN!
Oo, ayan nga. Shunga ako eh. Nagpakapuyat ako kagabi kakanood ng korean dramas. Buti na lang walang pakialam sa akin si Mommy. Kahit nga magkasakit ako ngayon, hindi niya ako aalagaan. Buti pa si Daddy...
Napatinto ako sa pag-aayos ng sarili nang maalala ko na naman lahat ng nangyari sa past ko. Noong mga panahong buhay pa ang Daddy ko. Noong mga panahong inaalagaan pa ako ni Daddy. Yung mga panahong ini-spoiled pa ako ni Dad.
Lahat bumabalik lang eh. Yung tipong gusto mo ng makalimot sa sakit... Ang kaso hindi mo magawang makalimutan kasi sa mga alaala na lang na 'yon kayo masayang magkasama.
Ilang sandali pa ang lumipas nang biglang tumunog ang phone ko. Dali-dali ko iyong kinuha mula sa kama at sinagot ako tawag.
“Ano?” bungad ko rito.
[“Bakit ba ang tagal mo ha? Nasaan ka na ba? Naku! late ka niyan. Lagot ka sa Mommy mo,”]
“Hazel, walang pakialam sa akin ang Mom ko kaya kung ma-late man ako, okay lang.”
[“Ah talaga? Sige, magpaka-late ka lang. Pero huwag mo na akong kausapin ng isang buwan ah,”]
“Luh? Parang ano naman 'to eh. Ito na po, dadalian na!”
[“Faster, bruha! I need you to here at exactly 7:00 am. Is that clear?”]
“You're not Ms. Gomez. So, bahala ka d'yan. Bye!”
Pinatayan ko na siya at hinagis ko na ang phone ko sa kama ko. Bumaba ako agad ng hagdan at pumunta ng kusina. Oatmeal at fresh milk na lang ang agahan ko ngayon. Nagmamadali ako eh.
Nang matapos na akong kumain at dumighay na ng pagkalakas-lakas, bumalik ako sa banyo ng kwarto ko para magsipilyo. Inayos na ka rin ang kuwelyo ng damit ko.
Nang matapos akong magsipilyo ay dali-dali na akong umupo sa kama at kinuha ang bago kong sapatos. Isunuot ko na ito at tsaka inayos na rin ang mga gamit ko na dadalhin sa school. Inayos ko na rin ang sarili ko. Inayos ang nagusot na parte ng uniform ko and....
Done! Okay na ako.
Bago ako lumabas ng kwarto ko, kinuha ko na ang pinakamamahal kong gitara ko. Siyempre, ayaw kong mawala 'to sa tabi ko. Ang weird sa paningin ng iba kasi ka-babae kong tao, palagi akong may dalang gitara. Konti na lang at mapagkakamalan na akong tomboy nito eh.
Pero pakialam ko sa mga sasabihin nila? Eh, ito nga ang kasiyahan ko. Walang makakapigil sa akin sa mga gusto kong gawin sa buhay ko. May sarili silang buhay, iyon ang pakialaman nila. May mga problema pa sila sa buhay nila, pwede namang iyon yung pagtuunan nila ng panasin at hindi yung buhay ng iba.
Lumabas na ako ng bahay nang maayos ko na lahat ng nga kailangan kong dalhin. Pumasok na ako sa garahe at sumakay sa kotse ko na regalo ni Dad noon sa akin.
Naalala ko pa noong unang beses na nag-drive ako ng kotse at ito yung ginamit ko. Muntikan ng mapunta sa putikan yung kotse. Buti na lang, nailiko ni Daddy kaya dumiretso ulit sa kalsada sabay kong inihinto. Kinabahan ako that time pero si Daddy naman tawang tawa. Kasi hindi daw maipinta yung mukha ko sa sobrang takot.
Napapangiti ako kapag naaalala ko ang mga panahong masaya pa kami ng Dad ko. At ito na naman ako, naiiyak na naman. Naramdaman ko na lang ang sarili ko na may pumapatak na palang mga luha mula sa mga mata ko, pero kaagad ko iyong pinunasan gamit ang kamay ko.
Pumasok na ako sa kotse at pinaandar na iyon bago pa ako humagulgol dito. Masakit pa talaga eh. Sariwa pa sa alaala ko lahat-lahat. Ang hirap mag-move on kapag mahal mo sa buhay ang nawala ng biglaan.
Pinagbuksan ako ng gate ng dalawang security guard namin dito. Nang makalabas ang sasakyan ko ay kaagad din nilang isinarado. Nagpatuloy na ako sa pagmamaneho nang may hindi kabilisang takbo.
Habang nagmamaneho ako ay binuksan ko muna ang radyo. Saktong sakto ang mga kanta na napapakinggan ko. Isa na rito ang Hurricane by LANY na isa sa mga paborito kong pakinggan. Lalo na kapag nagbabasa ako ng libro.
Tamang chill lang ako sa pagmamaneho kasi malapit lang naman yung school. Tatlong liko lang naman tapos iyon na, school na namin. Hindi naman ako male-late eh.
Pero iyon ang akala ko. Pagtingin ko sa wristwatch ko, malapit na mag-seven o'clock! Jusmiyo! Dapat pala binilisan ko na lang. Letse kasi itong sasakyan ko! Ang bagal ng takbo!
***
Pagdating ko sa school, alam niyo ba ang bungad sa akin?...
BUNGANGA NI HAZEL NA GALIT NA GALIT KUNG BAKIT NGAYON LANG AKO!
Akala mo naman siya yung magulang ko, tsk! Well, hindi na ako magtataka. Mukha naman na siyang Nanay talaga. Hahaha!
Nagtakip ako ng ilong para patigilin siya at iyon, umipekto naman. Inamoy pa ng bruha ang hininga niya kaya napangisi na lang ako.
“Ang bango ba?” I asked her in a sarcastic tone.
“Tsk! Bwisit ka! Ang tagal mo! Kanina pa ako naghihintay di—”
“Pwede ba, Hazel? Itigil mo na kakapanermon mo d'yan at hindi na magbabago 'yan ng kinaugalian,” napatingin kami sa isang lalake na pamilyar ang boses. Paglingon ko sa likuran, nandoon si
...“Chris?” banggit ko sa pangalan niya. Nginisian niya lamang ako at lumapit sa kinatatayuan namin ngayon ni Hazel sa parking area.
Paglingon ko ulit kay Hazel, halos malaglag ang panga niya habang nakatitig kay Chris. Natawa ako ng malakas nang dahil sa itsura niya na nakanganga pa din. Napakurap-kurap pa siya at naplunok.
Gano'n na ba kagwapo itong si Chris at naging gano'n ang reaksiyon niya?—wait... Bakit nandito ito? At bakit nakasuot siya ng gaya sa uniform ng boys dito sa school namin?
BINABASA MO ANG
The Letters [COMPLETED]
Romance[UNDER REVISION] FIRST EVER ROMANCE-TRAGIC STORY THAT I'VE WROTE! --- Alam na'tin na sa bawat ngiti ay may kapalit na lumbay. Ang bawat buhay ay may kapalit na kamatayan. Ang pagmamahal ay may kaakibat na pagtitiyaga, pagsasakripisyo, at pagpaparaya...