***
Chantelle's POV
---
Bumalik na ako sa bahay. Nagpaalam na ako kay Christopher. Nakaramdam na kasi ako ng gutom. Tsaka tanghali na kaya malamang, magugutom na ako.
Habang naglalakad, nakita ko ang crush ko tumatakbo at panay ang tingin sa wristwatch niya na parang may hinahabol. Inisip ko na baka nagmamadali siya para makahabol sa practice nila sa basketball. Isa kasi siya sa mga manlalaro ng school namin.
Pinagmasdan ko siyang mabuti. Nakita ko ang katawan niyang pawis na pawis. Gusto ko siyang pahintuin, at punasan ang ang mga pawis niya pero, nahihiya ako. Tsaka baka masermonan ako kasi nga nagmamadali tapos haharang ako sa daanan niya, 'di ba? Kaya hahayaan ko na lang siya.
Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko pauwi ng bahay. Habang ini-imagine kung paano ako magtatapat kay crush ng nararamdaman. Inimagine ko kung paano na lang kung pinapunasan niya yung pawis niya sa akin kanina, hindi ko mapigilang mamula at makaramdam ng kung ano sa tiyan ko nang dahil sa mga naiisip ko.
Pero ngayon kasi, wala pa akong lakas ng loob kaya tamang pagtitiis muna ang gagawin ko. Tsaka parang wala naman akong pag-asa baka huwag na lang. Pero... baka meron? Hayst! Ewan ko! Basta ang alam ko, gusto ko ng umamin sa kanya na gusto ko siya.
***
Makalipas ang limang minutong paglalakad, nakarating na rin ako sa bahay namin. Pumasok na agad ako sa loob at dumiretso sa kwarto. Isinabit ko ang gitara ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama ko na napakalambot.
Ilang minuto pa lang akong nakahiga sa kama nang maisipan kong tawagan ang isa ko pang kaibigan na may pagka-tsismosa.
*kriiiing! kriiiing! kriiiing!*
Ilang segundo pa ang lumipas, sinagot niya rin ang tawag.
“Ang tagal mo namang sagutin yung tawag,” reklamo ko.
[“Sorry naman daw. May ginagawa kasi ako kaya medyo natagalan sa pagsagot ng tawag mo,”] aniya mula sa kabilang linya.
Siya nga pala si Hazel Mariano. Close friend ko siya noong nasa seventh grade pa lang ako. Until now, we're still friends pa din naman. Mas naging close pa nga kami. So, I decided to treat her as my bestfriend na lang. Since, matagal na kaming magkaibigan.
“Eh, ano bang ginagawa mo?”
[“Yung project na'tin sa arts. Yung pot painting ba 'yon? Oo, 'yon nga.”]
Luh. Tanong niya, sagot niya rin. Parang tanga lang? Tsk!
“Ahh~... 'yon ba? Tapos na ako doon eh. Bakit ngayon ka lang pala gumawa niyan? Bukas na ang deadline niyan ah,”
[“Eh sa tinatamad nga ako noong mga nakaraang araw na gawin itong letse na project na 'to. Jusko! Ang hirap mag-design ng paso! Hindi pa naman ako maalam sa pagde-design, ”]
“Kaya mo na 'yan. Jusme! Malaki ka na, kaya mo na 'yan.”
Kayang kaya na niya 'yan. Siya pa ba? Simpleng artwork lang 'yon. Hindi naman siya mamamatay siguro kapag natapos na niya yung pot painting na activity namin. Sadyang tamad lang kaya natagalan siya sa paggawa. Pinaabot pa ng last day before deadline bago ginawa. Kutusan ko kaya para matauhan. Napakatamad kasi! Jusko!
[“So! Kumusta naman kayo ni Christopher? Balita ko, umuwi siya dito sa Pilipinas ah. Nagkita na kayo?”]
Oh, 'di ba? Tsismosa nga siya! Agad alam ang tungkol sa pagbabalik ni Christopher dito sa Pilipinas. Eh wala pang nagbabalita d'yan ng kusa ah.
“Teka nga! Paano mo naman nalaman ha?” Aba! Kaialngan kong malaman kung kanino niya nalaman na bumalik na si Chris galing ibang bansa.
[“Eh bakit ko naman sasabihin sayo? Baka awayin mo lang siya kapag nalaman mo kung sino nagsabi sa akin eh. Honestly, hindi naman talaga siya yung kusang nagsabi. Ako yung nagtanong,”]
“Oh tapos?”
[“Ah—eh... ganito kasi 'yon. Nakita ko sa isang coffee shop si Christopher tapos siyempre hindi ako sigurado noong una. Kaya tinanong ko yung kakambal mo kung nakauwi na si Christopher galing sa ibang bansa. So ayon, nalaman ko.”]
“Ahh~... so, kailan ka pa naging tsismosa?”
[“Hoy, Chantelle. Hindi porque nakakuha lang ako ng bagong impormasyon ay isa na akong tsismosa...”]
[“*singhot* Nasasaktan din ako... *singhot*”]
“Oh, eh ano naman ngayon? Nagtatanong lang naman ako. Tsaka totoo naman na may pagkatsismosa ka, Hazel. Huwag mo ng itanggi.” Eh kung upakan ko kaya siya. Jusko!
[“Hindi ko naman itinatanggi ah. Tsaka aminado naman ako na may 'PAGKA' tsismosa ako. May pagkatsismosa lang naman. Hindi naman ako yung tulad ng iba sa tabi-tabi na certified tsismosa since birth eh.”]
“Hayst! Ewan ko sayo! Gumawa ka na nga lang ng project d'yan. Mamaya ako pa ang maging dahilan kapag hindi ka natapos sa project na'tin na ngayon mo lang ginagawa. Jusmiyo ka! Ang sarap mong batukan.”
[“Tsk! Hindi mo magagawa 'yan kasi hindi kita magulang, remember?”]
“Kahit na hindi mo ako magulang, kaibigan mo naman ako. Tsaka, mas matanda kaya ako sayo, ano. Kaya babatukan kita sa ayaw at sa gusto mo,”
[“Wews, ewan ko sayo. Bahala ka d'yan na magalit mag-isa. Hindi kita susundin,”] aniya at umastang bata. Kahit na call lang ito, alam ko na nasa childish mode na naman siya.
“Bahala ka din. Hindi kita pakokopyahin ng mga sagot sa assignments. Bleeeeeh!” Siyempre hindi ako papatalo sa kanya. 'Di ba? Parang mga tanga lang? Ganyan kasi kaming dalawa. Hahahahaha!
Patuloy lang kami na nag-uusap sa phone call hanggang sa may marinig akong isang sigaw. Kaya natigilan kaming dalawa sa pakikipagdaldalan sa bawat isa.
[“Hazel! Anak! Nandito na ang bago mong motor! Nasa labas na. Get out of your room and try to use your new vehicle! Para makita natin kung maganda at babagay ba sayo o kung hindi,”] rinig kong sabi ng babae mula sa kabilang linya. Sigurado akong Mommy ni Hazel iyon.
[“Yes, Mom! Bababa na po! ”] rinig kong tugon ni Hazel sa Mommy niya.
“Sige, mukhang may gagawin ka pa sa bago mong MOTOR. Bye na, bestie. Next time again, okay?”
[“Yah, I need to go. Baka mapagalitan pa ako ng Mom ko kapag tinagalan ko pa. Bye!”] Kasabay ng pagpapaalam niya ang pagpatay niya ng tawag kaya ibinaba ko na rin ang phone ko at ibinalik ang sarili sa pagkakahiga sa kama ko.
Ibinalik ko ang tingin sa kisame ng kwarto ko. Napagisip-isip ko din, bakit kaya hindi ako bumili ng bago ko ring motor? As if my Mom cares about me and on what I want to buy for myself.
Pero sayang naman yung bagong motor ko na kabibili lang last, last month. Bago pa naman at ang ganda ng porma. Hindi pa naman ako nagsasawa doon sa motor ko na 'yon.
Tsk! Huwag na nga lang! Saka na lang ako bibili ng bago kapag nagsawa na ako at kapag luma na yung motor ko. Nagsasayang lang ako ng pera. Kahit na alam kong may kaya kami, iniisip ko pa rin na hindi pinupulot lang ang mga pera na kinikita ng bawat kompanya namin. Pinaghihirapan din iyon ng Mommy ko.
Lalo na si Daddy noon na halos hindi na masagot ang mga tanong ko sa kanya nang dahil sa sobrang busy niya noong nabubuhay pa siya. Sobrang mahal niya ang trabaho niya bilang CEO ng kompanya. Kaya aalagaan ko rin ang negosyo namin someday para hindi iyon lumubog at para may ipamana rin ako sa mga magiging anak ko balang araw.
BINABASA MO ANG
The Letters [COMPLETED]
Romance[UNDER REVISION] FIRST EVER ROMANCE-TRAGIC STORY THAT I'VE WROTE! --- Alam na'tin na sa bawat ngiti ay may kapalit na lumbay. Ang bawat buhay ay may kapalit na kamatayan. Ang pagmamahal ay may kaakibat na pagtitiyaga, pagsasakripisyo, at pagpaparaya...