***
Christopher's POV
---
Nagseselos ako! Nagseselos ako kung paano landiin ng lalakeng iyon si Chantelle. Pasalamat siya at iginagalang ko si Chantelle. Tsaka pasalamat siya at may sakit ako, kaya bawal akong mapagod.
Curious ba kayo kung ano yung sakit ko? Saka ko na sasabihin. Huwag muna ngayon.
Nasa isang sofa-chair lang ako dito sa sala habang pinapanood ang panlalandi nitong gagong lalake na 'to kay Chantelle. Once na makita ko pang gano'n niya hawakan si Chantelle, talagang dadapo na sa mukha niya itong mga kamay ko.
Habang nag-uusap sila, nakaisip ako bigla ng paraan para mabantayan ng mabuti si Chantelle. Yes, gagawin ko ito para hindi siya maagaw nitong gagong 'to.
Kinuha ko ang phone ko sa kanang bulsa ko at pinindot ang ilang numero saka ito tinawagan. Ilang rings lang ang narinig ko at kaagad namang sinagot ang tawag ko.
Lumayo ako kaunti sa dalawang naglalandian dito para kausapin ang tinawagan ko. Kaunti lang ang inilayo ko, para siyempre mabantayan pa din sila. May pedophile kasi dito. 'Yon nga lang, hindi siya babae. Lalake siya. Bwisit! Bakit ba kasi nandito 'to?!
“Mom?” panimula ko.
[“Why, Chris? Is there something wrong?”] nag-aalalang tanong sa akin ng Mommy ko.
Yes, siya nga ang tinawagan ko. May gusto kasi akong gawin na siya lang ang makakaintindi sa akin. Hindi ko na binubulabog si Daddy, busy siya masyado sa work. Buti si Mommy ay hindi gaano.
“Wala naman, Mom. May hiling lang sana ako na sana ay payagan niyo ako,”
[“Sabihin mo na kung ano 'yon,”]
“I want to transfer in school where Chantelle is studying. Are you agree with that, Mom?”
I heard a sigh from the other line. I know that she's not agree with this idea of mine. But, I need to do this to protect Chantelle from this bastard, who's here in front of us.
[“Are you sure that you can?”]
I smiled widely. “Yes, Mom! Of course, I can. I just want to learn more things and also, lessons. Matagal-tagal din kasi akong hindi nakahawak ng ballpen at notebook since noong nagpapagaling ako sa States. Hahaha!” natatawa kong tugon.
[“Well, that's good to hear! Miss na rin kitang makitang naka-uniform. So, kailan mo balak pumasok?”]
“Tomorrow, Mom. Is it okay?”
[“Yes, of course! Okay, tomorrow. Noted, son,”]
“Thanks, Mom...”
[“Son, it's okay. Kung saan ka sasaya, doon ang Mommy, okay?”]
“Okay, Mom..”
[“Siya nga pala, I need to go, baka ma-late ako. Bye, baby boy!”]
“Bye, Mom,” tugon ko bago mamatay ang tawag.
Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. Nakita ko na sweet pa ding nag-uusap ang dalawa kaya mas lalo lang akong nainis.
Lalabas na sana ako nang biglang may tumawag sa akin. Kaya napalingon ako rito. Ilang metro lang ang layo niya mula sa aming tatlo.
“Christopher!” tawag niya sa akin.
Si Sunset Chantallia lang pala. Ang kakambal ni Sunrise Chantelle.
“Hmm?” nagtataka akong tumugon.
Napatingin siya sa dalawang masayang nag-uusap saka ibinalik sa akin ang tingin.“Pwede mo ba akong samahan sa mall?” tanong niya.
Nakita kong lumingon sa kanya si Chantelle pero ibinalik rin ang atensyon sa kausap niya at saka nagtawanan na naman.
“Okay! Sure! Tara na?” pagpayag ko. Mas maganda na siguro yung ako na lang ang didistansiya kaysa masira yung pag-uusap nila at para hindi ko na rin makita ang panlalandi ng g*gong pilak na 'yon kay Chantelle. Para hindi na rin ako magselos. Lilibangin ko na lang yung sarili ko kasama itong kakambal niya, ni Chantelle.
“Yes, wait lang at may kukunin lang ako sandali.”
Tumango ako bilang tugon kay Sunset saka lumabas na ng bahay nila. Inihanda ko na ang sasakyan ko at hinintay ang kasama ko.
———
Chantelle's POV
---
Gusto kong sumama sa lakad ng kakambal ko at ni Chris. Pero naalala kong nandito pala si Silver. Ayoko namang magmukhang bastos sa harapan niya. Yung tipong nandito siya tapos iiwanan ko siya ng mag-isa dito para lang mawala itong selos na nararamdaman ko—wait..
N-nagseselos ako?
P-pero bakit naman ako magseselos?
No, hindi pwede 'to. He's just my childhood friend! Yeah, he's just my friend. No more feelings more than that.
Pero kasi...
Argh! I hate this kind of feeling! I don't know what to do, I don't know what will I act if he's in front of me. Ayokong magkaroon siya ng hints sa mga ginagawa ko. I don't know what I feel kapag bumabanat siya.
Siguro,... I'm slowly falling in love with my childhood friend?
Pero kailangan kong pigilan ito. Alam kong gusto ng kapatid ko si Chris. Ayokong sirain ang mga diskarte ng kapatid ko para lang makuha niya ni Christopher.
Kahit na ayaw ko, hahayaan ko na lang sila. Kahit na hindi ako pabor eh, ano bang magagawa ko kung iyon ang makabubuti para hindi masira ang pagkakaibigan namin? Sa pag-iwas ko na lang ilalaan lahat. Para makalimutan ko na rin ang nararamdaman ko para kay Christopher. Para hindi na lumala.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ko ang sarili ko. Kapag nagngingitian silang dalawa ng kapatid ko, para akong tinatarak sa puso. Nadudurog ako ng paunti-unti. Iniiyak ko na nga lang minsan lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Yung tipong nasasaktan ka na pero mas gugustuhin mo na lang na manahimik kasi hindi pwedeng maging kayo. May masisirang relasyon kapag umamin ako. Iyon ay ang relasyon namin ng kakambal ko. Ayaw kong magkaroon kami ng galit sa isa't isa.
Mas pipiliin ko na lang na masaktan ako sa tuwing nakikita silang masaya, kaysa yung maging awkward ang lahat. Ayokong magkaroon ng galit sa akin ang kakambal ko na mahal na mahal ko.
Siguro ganito talaga kapag ayaw mong makapanakit ng mahal mo. Mas pinillpili mong unahin ang mararamdaman niya kaysa sa nararamdaman mo. Pero okay lang, ang mahalaga, masaya ang kaibigan ko kasama ang kapatid ko.
Bago nakalabas ang kakambal ko ng bahay, tinawag ko siya sa kaya napalingon siya sa akin. Tinanong niya kung bakit at alam niyo ba ang sinabi ko na naging dahilan ng biglang pagpunta ko ng banyo..
Ang sabi ko...
“I hope maging masaya ang date ninyong dalawa. Sana maging ligtas kayo na makarating sa lugar kung saan kayo magde-date.”
Damn it! Ang sakit, g*go!
BINABASA MO ANG
The Letters [COMPLETED]
Romance[UNDER REVISION] FIRST EVER ROMANCE-TRAGIC STORY THAT I'VE WROTE! --- Alam na'tin na sa bawat ngiti ay may kapalit na lumbay. Ang bawat buhay ay may kapalit na kamatayan. Ang pagmamahal ay may kaakibat na pagtitiyaga, pagsasakripisyo, at pagpaparaya...