CHAPTER 18

23 9 1
                                    

***

After one month...

———

Christopher's POV

---

“Mom? Kaya ko pa po ba?” tanong ko sa sa Mom ko.

Kumusta ako matapos ang isang buwan? Ito, patuloy sa chemotheraphy. Medyo sumasama na rin ang pakiramdam ko. Lagi na ang pagpapacheck-up ko. Hindi na ako hinahayaang lumabas ng bahay.

Nagtataka ba kayo kung alam na ni Chantelle na may cancer ako? Ang sagot ko ay nananatiling hindi pa. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya. Alam kong mas magagalit siya sa akin kapag huli na niya malalaman. Pero mas okay iyon, minsanang sakit 'di ba? Mas madali niya akong makakalimutan. Mas madali siyang makaka-move on.

“Okay ka pa. Kaya mo pa at magiging okay ka pa, anak. Tiwala lang,” proud na sagot ng Mom ko.

“Mom, tanggapin na po na'tin ang totoo na dalawang buwan na lang ako dito sa mundong ibabaw para mabuhay. Hindi na ako aasang gagaling pa ako, Mom—”

“Pero, anak... huwag mong sabihin 'yan. Naniniwala ako na gagaling ka pa... na may pag-asa ka pang mabuhay at makasama ako ng matagal. Bakit? Ayaw mo na ba akong makasama ng matagal kaya mo sinasabi ang mga 'yan?”

I smiled at her, “Mom, siyempre gusto ko po. Pero, sa sitwasyon ko ngayon parang... parang imposible po eh. Mas maganda siguro kung tatanggapin niyo na lang din po ang totoo,” saad ko.

Umiiyak ang Mommy ko sa harapan ko habang nasa pangalawang session ako ng chemotherapy. Hindi ako sanay na ganito siya. Nasanay ako na palatawa lang ang Mom ko. Wala eh, sa dinami-rami ng mga taong tatamaan ng sakit na 'to, ako pa talaga ang MASWERTENG taong nagkaroon ng cancer na 'to.

Naiiyak tuloy ako nang dahil sa sitwasyon ko. T*ngina! Bakit kasi ako pa? Bakit ako?! Marami pa akong gustong gawin sa buhay! Marami pa akong gustong maranasan pero anong ginagawa ko ngayon?

Ito, pilit na lumalaban kahit na iisa lang naman ang pupuntahan ng lahat at iyon ay sa pagiging bangkay ko kapag dumating ang pangatlong buwan kong palugit para mabuhay pa.

“Hindi, magiging okay ka pa. Magiging maayos ka pa at magkakaroon ng milagro na mawawala na ang cancer mo, anak. Naniniwala ako sa Diyos na pagagalingin ka niya, basta kayanin mo lang,”

“Mom, hindi na ako aasa...” umiwas ako ng tingin. “Alam ko namang sa hukay pa din ang diretso ko kahit na magpa-chemo ako ng ilang beses. Nakakatawa lang kasi, bakit ako pa? Marami namang iba, pero bakit ako pa? Hahaha,” dugtong ko habang pinipilit na ngumiti sa harapan niya.

Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako habang binabanggit ang mga salitang iyon. Ang sakit dahil maiiwan ng mag-isa ang Mom ko. Gusto ko mang mabuhay pero sobrang komplikado na ng lahat.

Tapos mamamatay pa ako ng walang love life. Hindi ko mararanasang magkaroon ng girlfriend. Kasi yung gusto kong babae ay hindi ako ang gusto. Iba ang pinapangarap niyang lalake, samantalang ako ay pagmamahal niya lang ang pangarap ko pero hindi ko pa makuha.

Sadyang ganito lang ba talaga ang tinadhanang buhay para sa akin, o sadyang pinagdadamutan ako? Hayst! Ewan ko!

Pinunasan ko ang mga luha ko at humarap sa Mommy ko. “Mom, okay na po ako. Susubukan ko po ang lahat ng makakaya ko para gumaling po ako para sa inyo,” sabi ko sa kanya.

Tama, iyon lang ang magpapakalma sa Mom ko. Iyon ang makita niya akong pilit na lumalaban kahit na alam naming pareho na imposible na akong gumaling.

She smiled at me, “Good, son. Fight for me and for yourself. Gagaling ka at magkakasama pa tayong dalawa. Tama iyan, anak. Maging positibo ka lang at manalig, gagaling ka,”

Nginitian ko rin siya pero pilit. “Opo, laban lang. Huwag susuko. Kakayanin ko 'to,” tugon ko habang hindi tinatanggal ang ngiti na nakakurba sa aking mga labi.

Habang binibigkas ko ang mga salitang iyon, may ilang luha na namang gustong kumawala sa mga mata ko pero pinigilan ko lang. Ayokong ipakitang mahina ako. Gusto kong makita ni Mom na lumalaban ako, na malakas ako, na kaya kong lumaban, na magkakaroon ng magandang bunga itong pagche-chemo ko.

Umaasang sobra ang Mom ko. Samantalang ako, wala ng pag-asa na gagaling pa ako kasi malala na nga ang sakit ko. Stage 3 na ang liver cancer ko. May leukemia pa ako. Ang ganda ng buhay ko 'di ba? Nabuhay ako para maghirap at magdusa kahit wala naman akong ginawang kasalanang mabigat.

Ano 'to? Ipinanganak ako para lang mamatay din ng maaga? Eh 'di sana hindi na lang ako nabuhay 'di ba? Kung magiging ganito lang din naman ang kalalagyan ko noon, sana hindi na lang ako hinayaang mabuhay. Nahihirapan ako ng wala namang dahilan. Wala naman akong pinagsisisihan na matinding kasalanan. Ewan ko ba!

Lumabas na ng kwarto sa hospital si Mommy. Kailangan niya pang pumunta sa meeting ngayon. Kaya ko namang mag-isa. May personal nurse naman ako kaya okay na. Tatawagin ko na lang yung isang kasambahay namin na nandito sa ospital para bantayan muna ako pansamantala.

May mga makakasama at mauutusan naman ako dito kung kailangan ko ng tulong. Kaya okay na ako ng wala si Mommy. Mga may-ari pa naman ng malalaking kompanya ang kikitain niya ngayon para sa susunod na mga projects nila. Kaya kahit ayaw ni Mom na iwan ko, hindi naman ako papayag na baliwalain niya ang kompanya. Kailangang lumago no'n.

Tamang imagine muna ako ng mga bagay-bagay habang nasa session ng chemotherapy ko. Iniisip ko na kung mawawala man ako, magiging masaya ako kasi magiging masaya ang maiiwan kong mahal...

Si Chantelle.

Magiging masaya siya kasama ng mapapangasawa niya soon. Sana maging maligaya sila. Masaya ako kapag si Silver ang nakatuluyan niya. Bagay naman sila eh. Oo, bagay nga sila. Kami ni Chan ang hindi.

Normal nag kalusugan niya, samantalang ako ay hindi.

Pero okay lang, tanggap ko na, na hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Hindi niya ako gusto. Hindi niya ako mahal tulad ng pagmamahal ko sa kanya ng mas higit pa kaysa sa pagkakaibigan.

Mahal na mahal ko siya ng higit pa sa sariling buhay ko. Ayoko siyang masaktan pero hindi ako magsasalita ng patapos na hindi ko siya masasaktan ng sobra nang dahil sa pagkawala ko kapag dumating na ang tamang oras ko.

Ito na lang ang madadala ko hanggang sa kamatayan ko...

Iyon ay ang pagmamahal ko ng walang hanggan kay Chantelle. Hanggang sa kabilang buhay, siya pa din ang pipiliin ko, hanggang sa dulo. Mahal na mahal ko siya. Mahal ko ang buong pagkatao niya. Lahat ng tungkol sa kanya ay mahal na mahal ko at pinapahalagahan ko.

Ganyan ko siya kamahal. Mabuti ng sobra, ang mahalaga, maipapakita ko ito habang nabubuhay pa ako.

The Letters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon