CHAPTER 11

22 10 0
                                    

***

Christopher's POV

---

Kakarating ko pa lang sa kinatatayuan nila Chantelle nang may biglang sumingit na asungot. Napakapapansin ng hayop na Silver na 'to! Talagang natiyempo pa na nandito ako, tsk! Ang lakas ng loob sumingit sa usapan.

Nang makaramdam ako ng pakiramdam na parang out-of-place ako, lumayo na lang ako sa kanila. Masakit din kasi.

“Hoy!” Napaigtad ako nang may biglang humawak sa braso ko. Paglingon ko, si Tally lang pala.

“Nagulat ba kita ng sobra?” aniya pa.

“Hindi. Hindi kaya ako nagulat. Slight lang,” I answered in a sarcastic tone.

Napalingon siya sa gawi nila Chantelle kaya napalingon na lang din ako ulit. Habang tumatagal, mas lalong kumikirot yung nararamdaman ko kaya hinila ko na lang si Tally para makaalis na rin sa lugar na 'yon.

“A-aray! Bitawan mo nga ako! Ano ba? Nasasaktan ako, Chris!” sigaw nitong kasama ko pero wala akong pakialam.

“Wala ka bang balak na bitawan ako, ha?”

“Pwede bang tumahimik ka lang muna, Tally? Gusto ko lang makaalis doon,”

“Ah~.. kaya naman pala pati ako idinamay mo. Napakagaling mo naman talaga at dinamay mo pa ako, tsk!”

“Ang daldal mo naman! Mamaya marinig tayo ni Chantelle,”

“Ano pa bang maririnig niya? Eh, ang layo-layo na kaya natin. Ang sakit na rin kaya ng braso ko kaya kung pwede, bitawan mo na ako. Masakit na eh,”

“Your wish is my command,” sabi ko sabay biglang bitaw sa braso niya, dahilan para mapaupo siya.

“Aray ko! Ikaw namumuro ka na ah! Tirisin ko 'yang mga eyeballs mo eh! Argh!” naiinis niyang sigaw habang ako, nginisian lang siya.

“Kung wala ka lang sakit, kanina pa kita binatukan.” Hindi na siya naiinis at mukhang galit na.

“Gagawin mo? Kaya mong gawin?” tanong ko.

Tumayo siya mula sa pagkakasaldak at pinampag ang dumi sa palda niya. “Oo naman 'noh! Akala mo uurungan kita? No way!”

“Sa liit mong 'yan kaya mo akong batukan? Eh 4'11 nga lang ang height mo,”

“Aba! Iniis mo talaga ako 'noh?”

“Hindi naman. Sadyang trip lang kita ngayon,”

“Anong trip? Trip inisin?”

“Hindi pa ba obvious?”

“Tsk! Ewan ko sayo.” After she replied, she left me alone here.

Sinundan ko na lang siya. Hindi ko pa kasi ang pasikot-sikot dito kaya kailangan ko ng kasama. Kung hindi, maliligaw talaga ako.

“Tally! Hintayin mo ako! Huwag mong bilisang maglakad! Madali lang akong mapagod!” reklamo ko.

“Kaya mo na 'yan! Inaasar mo ako eh!” sigaw niya.

“Sorry na! Sige na! Samahan mo na ako sa room ko! Room 287 yung room ko!”

Nang dahil sa sinabi ko, napahinto siya sa paglalakad at napalingon sa akin kaya napahinto rin ako habang hingal na hingal.

“What?! Magkaklase tayo? As in, Room 287 talaga?” This time, mahinahon na siyang nagtanong.

“Oo nga. Kung hindi ka naniniwala, check my form para makita mo na Room 287 talaga ako,” sagot ko sa kanya.

Hinintay niya akong makalapit sa kanya at sabay na kaming pumasok ng classroom. Ang akala ko mapapahiwalay ako sa kanila. Kahit na hindi na si Chantelle ang kaklase ko.

Tutal, masaya naman na siya sa g*gong Silver na 'yon. Kaya ano pang silbi ng pagiging magkaklase namin kung ang laging pinapansin niya ay hindi ako? Wala. Kaya mas mabuti na lang siguro na magkahiwalay kami, kaysa nakikita kong magkasama sila nung Silver na 'yon.

Ako na lang ang didistansiya. Mas masasaktan lang ako lalo kapag nakikita kong nilalandi ni Silver si Chantelle. Ako na lang ang kusang lalayo.

***

Nang makarating na kami sa classroom namin, wala pa doon ang teacher kaya maingay pa. Magugulo pa ang mga upuan. Napalingon sa akin ang mga kaklase ni Tally kaya napatigil sila sa mga ginagawa nila at sa pag-iingay nila.

“Guys! May bago tayong kakalse. Siya si Christopher Daniel Randelford. Welcome him, please?” utos ni Tally. Isa ang ang ibig sabihin nito. Siya ang President nila—I mean, namin pala. Siya ang President namin dito sa classroom.

Kaagad na tumalima ang mga kaklase ni Tally na magiging kaklase ko na rin. Kanya-kanya sila ng paraan kung paano ako babatiin. May sumayaw pa nga sa harap ko habang wini-welcome ako. Natatawa ako sa kanila kasi karamihan sa kanila ay may pagka-kalog.

Hindi na nakapagtataka na si Tally ang President nila noong wala pa ako dito. May pagkasiraulo din kasi ito minsan. Grabe kapag nakasumpong. Talo ang clown sa mga jokes niya. Talagang matatawa ka sa mga kalokohan niyang sasabihin.

“Oh, siya! Tama na, bumalik na kayo sa mga pwesto niyo at ayusin na ninyo iyang nga upuan natin at malapit ng dumating yung teacher natin. Maliwanag?” utos niya ulit. Tumango-tango ang mga kaklase namin.

“Opo, Ms. President!” tugon sa isa sa mga kaklase namin na lalake mula sa likuran sabay ayos sa mga upuan na nasa tapat niya.

Oh, 'di ba? Tama nga yung hinala ko na siya ang President dito.

Gumalaw na rin ang iba pa naming mga kaklase. Naglinis na sila at ang iba naman ay nagtapon na ng mga basura. May mga nagpupunas na din ng mga bintana. May mga kumuha na rin ng mga timba at nagdilig.

“Huwag niyo munang utusan si Christopher kasi bago pa lang siya dito. Maliwanag?” aniya ulit sa mga kaklase niya.

“Opo, Ms. President,” tugon naman ng isa sa mga babae naming kaklase saka itinuloy na ang pagwawalis.

“Bakit parang espesyal na espesyal sa inyo si Christopher, Ms. President? Boyfriend mo po ba siya?” tanong ng isang babaeng kaklase namin na nakatoka sa pagpupunas ng bintana.

Natawa kaming pareho ni Tally nang dahil sa tanong ng kakalse namin.

Bakit ba ako pinagkakamalang boyfriend ng kambal?

Masyado na ba akong gwapo?

Joke!

Nang maka-recover kami sa pagtawa, si Tally na ang sumagot sa tanong niya.

“Hindi kami mag-boyfriend. Mag-bestfriend po kami. Kami lang ang mag-bestfriend. Childhood friend lang niya si Ate Telle,” sagot niya.

“Okay po. Akala po kasi namin jowa niyo siya. Ang pogi niya po kasi tapos ang ganda niyo po. Bagay kayo,” singit naman ng isa pang babaeng kaklase namin na kasamang nagpupunas ng bintana ng nagtanong kanina.

Humarap ako sa ibang direksiyon sabay sabing... “Pero mas bagay kami ng kakambal niya,” mahinang sabi ko. Baka marinig nila eh.

Napatingin sa gawi ko si Tally at napangisi. Kaya napangiti ako. Alam kong narinig niya yung sinabi ko kahit na hindi niya sabihin.

Ibinalik niya ang tingin sa mga kaklase namin. “Nako, tapusin niyo na lang 'yang mga ginagawa niyo bago kayo mag-tsismisan d'yan,” aniya saka natawa ng bahagya.

The Letters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon