CHAPTER 25 - EPILOGUE

35 6 0
                                    

Play the video above for the better reading and experience...

***

Chantelle's POV

---

I drive, and drive, and drive... alone.

Continue flowing my tears, down to my cheeks, while driving my car...

I want to be alone and cry... shout... I want to spend all my time being alone and feel the sadness about what happened to my childhood friend, my first crush...

My first love...

Nagtungo ako sa isang burol. Sa burol ay may isang puno na nasa tuktok nito. Bumaba ako sa kotse ko na nasa paanan ng burol. Pagbaba ko, ramdam ko agad ang malamig na hangin na dumadampi sa aking balat, yumayakap sa akin.

Unti-unti akong umakyat, inililipad ng malamig na hangin ang aking buhok. Niyakap ko ang aking sarili gamit ang aking mga braso.

Nang makarating na ako sa tuktok, sa may ilalim ng puno, umupo ako doon. Dahan-dahang ipinikit ang mga mata, dinama ang malamig na hangin. Maya-maya pa'y nakaramdam ako na parang may yumayakap sa akin.

Alam kong si Chris 'to...

“I miss you, Chris...” bulong ko sa hangin at niyakap ko pa ang sarili ko na parang niyayakap ako ng totoong mahal ko.

“Bakit mo naman ako iniwan? Bakit hindi mo sinabing may sakit ka? Bakit ka nagsinungaling sa akin na okay ka lang habang nakikipaglaban ka na pala sa sakit mo?... I want you back, Chris... I want to feel your warm hug again...” dugtong ko pa.

Ang mga luhang hindi ko napigilan nang dahil sa bigat ng aking nararamdaman ay tuluyan ng umagos mula sa aking mapupungay na mga mata. Kahit na ito'y patuloy kung punasan gamit ang aking mga kamay ay patuloy pa rin itong magmimistulang parang ilog na patuloy na aagos, walang tigil sa pag-agos.

Hanggang sa naalala ko ang isang liham na mula raw sa kanya. Gusto ko itong mabasa. Gusto kong malinawan sa lahat ng mga nangyayari sa paligid ko ngayon. Gusto kong magkaroon ng mga sagot ang mga katanungan ko sa aking utak. Gusto kong maintindihan kung bakit nila ako kailangang lokohin ng gano'n katagal.

“Mahal kong Chantelle...” panimula ko.

“Alam kong huli mo ng malalaman lahat ng sasabihin ko sayo. Huwag ka sanang magagalit kung ipinagkait ko ang mga panahong kinakailangan ko ng atensyon mo, ng pa-aalaga mo. Alam ko naman na kasing itsap'wera na sa buhay mo. Alam kong masaya ka na sa piling ng iba, ni Silver...”

Habang binabasa ko gamit ang mga mata ko ang sulat na ibinigay niya ay mas lalo akong nakaramdam ng matinding paghihinagpis.

“... Wala naman akong laban sa kanya kung siya ang gusto mo at mahal mo 'di ba? Sino ba ako para humadlang sa inyo? Basta, gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita. Simula noong unang pagkikita pa lang na'tin, hinahangaan na kita. Ang akala ko, simpleng atraksyon lang iyon. Pero habang tumatagal ay lagi na kitang hinahanap-hanap. Noong nasa ibang bansa pa ako, iniisip ko kung paano ko ipapaliwanag sayo ang lahat-lahat ng mga nangyayari sa akin. Lagi kong iniisip ang kapakanan mo, lagi kong inaalala kung anong mararamdaman mo kapag nalaman mo ang tunay na kundisyon ko...”

Habang patuloy sa pagbabasa ng liham niya ay patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko.

Hanggang sa nagkaroon na nga ng tunog ang pag-iyak ko...

The Letters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon