CHAPTER 4

34 11 4
                                    

***

Chantelle's POV

---

Maaga akong nagising ngayon kasi may pasok sa school. Ayokong ma-late ako. Tsaka malapit lang naman ang school namin.

Nagmadali akong bumaba ng kwarto ko at nagtungo sa kusina. Nagtimpla ako ng hot chocolate ko at pumunta sa dining area. Inilapag ko ang tasa ko sa lamesa. Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang phone ko na naiwan pala doon sa ibabaw ng mini cabinet ko na malapit sa kama ko.

Nang makabalik na ako mula sa kwarto ko pababa, papuntang dining area, bumalik ako sa pagkakaupo at humigop sa hot chocolate drink ko. Ganito lang naman ang morning routine ko eh. Pagkagising sa umaga, pagkatapos ko sa banyo at sa mga ginagawa ko doon, bababa agad ako at pupunta sa kusina.

Ilang sandali pa'y lumapit ang isang kasambahay namin. Tinanong ko kung bakit, pero ang tanging sagot lang ay may gusto raw kumausap sa akin at nasa tapat daw ng mini gate.

Dahil sa labis na k'yuryosidad, lumabas agad ako ng bahay na dala ang iniinom ko. Nakita ko ang isang pamilyar na mukha, naghihintay siya na pagbuksan ng gate.

Kawawang Christopher...

Pagbuksan ko na nga, baka magtampo tapos hindi ako kausapin. Hahaha!

Nang mapagbuksan ko na siya, pumasok na siya agad at niyakap ako na siyang ikinagulat ko. Pero yumakap na lang ako pabalik kahit na gulong gulo ako kung bakit niya ginawa iyon.

Baka na-miss niya lang ako agad. Para-paraan din ang isang 'to ah. Hahaha!

Nang ako ay makawala na sa mahigpit niyang yakap, nahuli ko na lang ang sarili kong nakatitig sa kanya. Isang natural na ngiti lamang ang kanyang ipinakita habang nakikipaglaban ng titigan sa akin.

“W-why?” Nakakunot ang noo ko na napatanong sa kanya.

“Nothing, I just miss you. Is it bad?” aniya.

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng pag-init ng mukha sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, na para bang anytime, maaari akong malusaw sa malagkit na titig niya. Nangangamba ako na baka makita niya iyon at baka mahuli pa ako. Kaya agad kong iniba ang usapan.

“Ahmm... Bakit ka nga pala naparito? Anong kailangan mo?” tanong ko sa kanya.

“Uhmm.. Nandito ako kasi gusto kong makasama ka lang. Eh 'di ba matagal akong nawala sa paningin mo? Kaya gusto kong... bumawi ngayon.” sagot nito.

Gaano ba ako kaimportante para tratuhin niya ng ganito? Bestfriend lang naman ako. Madali lang akong ma-fall sa isang tao kaya kung itutuloy-tuloy niya ang ganitong ginagawa niya ay baka hindi ko mapigilan ang sarili kong mahulog sa kanya.

“O-okay? You're acting weird nowadays, huh? Wait, huwag mong sabihing may itinatago ka sa akin, ha?” saad ko.

Mahina siyang natawa sa sinabi ko. “I d-don't have any s-secrets.” nauutal niyang sagot, kasabay ng pagkawala ng kanyang matamis na ngiti.

“Really? Kilala kita, Christopher. Alam ko kung may tinatago ka sa akin.” Naging seryoso ang pakikitungo ko sa kanya. Hindi maganda ang kutob ko. Yung tipong kahit na isang clue ay wala akong makita.

“Hey! What's going on here?” Parehas kaming gulat na napalingon sa nagsalita na mula sa likuran ni Christopher.

Anong ginagawa niya dito?

“W-what are you doing here?” nauutal kong tanong sa kanya.

He smiled at me and answered, “I'm here to visit.” he said and put her two both hands in his pockets.

“For whom?” tanong ko ulit.

“Ikaw ang binisita ko rito, Rise.” sagot nito, dahilan para mamula ulit ang mga pisngi ko. Kaya napayuko ako para hindi niya mahalata ang pamumula ko.

W-wait?

What?!

Ako?

Bakit ako?

Ano ba?! Ayaw kong maging marupok!

“What do you mean na ako?” seryoso kong tanong sa kanya.

“Binisita kita rito and siyempre...” sagot niya at biglang hinawi si Chris at pumunta sa harapan ko saka hinawakan ang kanang kamay ko sabay sabing, “... at tsaka may progect tayo hindi ba? Magkagrupo tayo doon, remember?” aniya.

Tumango naman ako bilang tugon, kahit na nawi-weirduhan ako sa mga ikinikilos niya.

Nang mapansin kong pahigpit na mg pahigpit ang paghawak niya sa kamay ko ay agad ko na itong binawi.“Y-yung kamay ko,” sabi ko sabay hablot ng kamay ko.

Napakurap-kurap siya at parang bumalik sa sarili niyang katinuan sabay sabing, “S-sorry, Rise. Ang l-lambot kasi ng p-palad mo.”

Ehem! Magba-blush na ba ulit yung pisngi ko? Totoo ba yung sinabi niya? O baka niloloko lang ako nito? Ayaw kong maging marupok ngayon kaya pwede ba? Tama na muna iyang mga galawan na 'yan. Hoy!

But I can't control this feeling anymore!

Kinikilig ako!

Nagulat ako nang bigla siyang itulak palayo sa akin ni Christopher. Kaya awtomatikong kumunot ang noo ko.

“Don't touch her!” sigaw nito at matalim na tinitigan si Silver.

Si Silver Castalleon, ang ultimate crush ko since noong nasa Senior High School pa lang ako.
Noong mga panahong iyon, kakaalis nila Christopher ng Pilipinas papuntang Texas, USA. Naiwan ako dito sa Pilipinas ng mag-isa.

Hanggang sa nakilala ko si Silver. Naging malapit kami sa isa't isa. Hanggang sa nagkagusto na ako sa kanya ng hindi niya nalalaman. Hindi ko naman alam na same University pala kami mag-aaral ng college noon. Kaya laking gulat ko nang makita ko siya dito noong isang baguhan pa lang ako sa eskwelahang iyon.

So, balik tayo sa dalawang nasa harapan ko ngayon...

Hindi ko alam kung anong trip ni Christopher at ginawa niya 'yon kay Silver. Ang talim talaga ng tingin niya! Para siyang papatay ng tao! Nakakatakot! Ngayon ko lang siya nakitang ganito umasta. Hindi naman kasi siya ganito dati. Ang bait niya kayang kaibigan.

Napangisi si Silver nang dahil sa ginawa ni Christopher. “What's wrong with you, bro? Huh?” tanong nito kay Christopher sabay tulak dito kaya napaatras si Christopher.

“Ikaw ang may problema! Bastos ka!” sigaw naman nitong si Christopher kay Silver sabay tulak din kay Silver kaya napaatras din ito.

Mukhang magkakainitan ang dalawa kaya pumagitna na ako. Baka kasi may mangyari pang gulo kung tumagal pa itong eksena na 'to. Hayst!

"Pwede ba? Tumigil na nga kayo! Huwag kayong gumawa ng eskandalo dito sa tapat ng bahay namin! Tsk!" panenermon ko sa kanila, kasabay ng pag-iwan ko sa kanila doon sa labas.

Nakakaasar! Bakit ba kasi nandito 'yang si Silver? Eh sa pagkakaalam ko, malapit ng matapos yung project namin na kaya naman naming tapusin sa isang araw. Ang nakakapagtaka pa, ngayon lang 'yan pumunta rito. Hindi kasi siya pala-gala tulad ko.

Ito namang si Christopher, agad-agad sumusugod. Hindi ko alam kung anong trip niya kung bakit niya inaway si Silver. Eh, hinawakan lang naman yung kamay ko. Hayst! Ewan ko sa kanila! Bahala sila d'yan.

The Letters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon