***
Chantelle's POV
---
Nakauwi na si Silver. Kauuwi lang niya. Nandito ako ngayon sa bahay at nagmumukmok lang. Nagutom ako bigla kaya pumunta ako ng kusina para kumuha ng makakain sa fridge.
Nang maalala ko yung kanina, bumalik yung nararamdaman ko kanina...
Nagseselos pa din ako hanggang ngayon. Naiirata na ako! Hindi naman dapat ganito yung nararamdaman ko eh. Pero bakit? Bakit naman ako magseselos kung mag-date man sila ng kakambal ko? Hay! Ewan ko na sa sarili ko!
Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at inililuwal ang kakambal ko na ngiting-ngiti kasama si Chris. Umupo sila sa sofa na nasa sala. Nagkukwentuhan pa din sila at nagtatawanan.
Ang lakas ng kabog ng puso ko... Kumakabog ng ganito kalakas sa hindi ko malamang dahilan. Hay...
Ilang saglit lang ay umalis na rin si Chris. Nagpaalam siya sa akin at tango lang ang naging tugon ko. Nagpaalam din siya sa kakambal ko. Nginitian siya ng kakambal ko bago lumabas ng bahay namin at sinundan siya nito palabas para ihatid.
Pagkabalik ng kakambal ko ay wala ako sa sariling napatanong sa kanya...
“Bakit natagalan kayo?” tanong ko rito. Nanlaki ang mga mata niya nang dahil sa itinanong ko.
“Ate Telle, hindi naman kami nagtagal,” sagot niya.
“So, kumusta ang date? Masaya ba?” Ewan ko ba sarili ko kung bakit ako nagtatanong ng ganito.
“Ate, hindi 'yon date. Okay? Sinamahan lang ako ni Chris sa mall,”
“Talaga lang ha?!” Napansin ko na medyo nataasan ko na siya ng boses. Nawala kasi ako bigla sa mood ng hindi ko alam kung bakit.
“Ate, galit ka ba kasi magkasama kami kanina ni Christopher sa mall? Kanina kasi okay pa tayo bago kami umalis. Pero bakit ngayong pagbalik ko, sumama yata ang timpla mo,...”
“Ate, sana sinabi mo na lang kanina na ayaw mong isama ko si Chris papuntang mall para hindi ka nagkakaganyan. Hindi kasi ako sanay na sinisigawan mo ako,” dugtong pa nito. Maya't maya pa'y bigla na lamang akong nakarinig ng mahinang mga hikbi. Napatingin ako sa kakambal kong umiiyak na pala.
“Sorry, Tally. I'm really sorry...” I realized that I did a wrong moved. Gosh! I hurt my sister's feelings! Pati siya nadadamay nang dahil sa nararamdaman ko.
Patuloy lang sa pag-iyak ang kakambal ko. Padabog siyang umakyat sa hagdan papasok ng kwarto niya. Ang tanging nagawa ko lang ay pagmasdan siya. Kasalanan ko kung bakit nagkakaganyan siya ngayon. Hindi ko siya masisisi kung magkaroon siya ng tampo sa akin nang dahil sa napagtaasan ko siya ng boses, na hindi ko naman talaga gawain.
Naiwan ako na nasa sala lang. Hindi ko kasi alam kung anong nangyayari sa akin. Nagseselos nga ba talaga ako o sadyang naiinggit lang ako kasi magkasama silang pumunta ng mall tapos hindi ako nakasama? Hayst! Ewan!
I can't really figure it out, on what's happening to me right now. Basta ang alam ko, wala ako sa mood ngayon. Maybe, naiinggit lang ako kasi hindi ako isinama.
Ewan ko ba naman kasi kay Silver at bigla siyang pumunta dito sa bahay para lang sa walang kakwenta-kwentang usapan. Para daw kumustahin ako eh, hindi naman talaga siya gano'n na tao. Ewan ko ba kung anong trip no'n sa buhay. Kainis!
Pumunta na kang ulit ako ng kusina para kumuha ng makakain. Kanina pa ako nagugutom talaga. Dito na lang ako sa mga pagkain. Dito ko muna itutuon lahat ng atensyon ko sa ngayon. Gusto kong mabusog. Gusto kong magpakabusog ng maraming-marami. Joke! Baka sumakit yung t'yan ko kapag sinobrahan kong kumain.
Pagbukas ko ng fridge, nakita ko ang isang pack ng pancakes. Since, bored ako at gutom, isama na rin na nakakakain ako ng pancake ngayon. Sige, gagawa ako for myself kasi gutom na talaga ako.
Inihanda ko na lahat ng mga kailangang gamitin para makagawa ng pancake. Nang maihanda ko na, nag-umpisa na akong gumawa ng sarili kong version ng pancake.
Habang gumagawa ako ng pancakes, may biglang nag-doorbell kaya inihinto ko muna yung ginagawa ko at pinagbuksan ko ang tao na sa labas. Baka kasi isang importanteng tao kaya bawal i-ignore.
And speaking of IMPORTANT, importanteng tao nga ang sinalubong ko ngayon sa harap ng bahay namin. Isang importanteng tao na hindi ko kayang mawala sa akin.
Si Christopher.
“B-bakit ka nandito?” bungad na tanong ko sa kanya.
He just smiled at me and said... “Nandito ako kasi gusto kitang makita. Masama po ba?” Paano ako makakatanggi kung ngiti pa lang niya, wala na? Killer smile pa nga.
“May sinabi ba ako?” Kunwari, magsusungit ako kasi hindi ako nakasama sa lakad nila ng kapatid ko. Sayang, magpapalibre pa naman ako ng mga pagkain kay Chris.
Pinapasok ko siya sa bahay. Nang makapasok na siya, itinuloy ko na yung ginagawa ko. Naistorbo nga ako nang dahil dito sa lalakeng nandito ngayon at mukhang balak akong guluhin.
Bumalik na ako ng kusina. Hindi ko alam na sinundan niya pala ako dito kaya laking gulat ko nang bigla siyang magtanong.
“Ano 'yang ginagawa mo?” Tanong niya sa akin. Nang dahil sa gulat ko, bigla akong napalingon sa kinatatayuan niya ngayon.
Napakurap-kurap ako bago nakasagot. “A-ahm... I'm doing some pancakes. Nagugutom ako eh,” I answered.
“Can I help you? Para mapadali ang paggawa mo. But if you don't want me to help you, it's okay. Igagalang ko ang sasabihin mo,”
“Huwag na, ako na lang. Bisita ka dito dapat nandoon ka lang sa sala at hihintayin ang ihahanda ko na meryenda mo,”
“Okay po. Sabi mo eh. Hindi na ako magiging makulit. Nagbago na ako. Christopher 2.0 na 'tong nasa harapan mo ngayon.”
Natawa ka ming pareho nang dahil sa sinabi niya. Pinagsasasabi ba nito? Anong nakain niya at ganito siya umasta ngayon? Anong pinakain sa kanya ni Tally at ganito ito? Hay...
Nagpaalam siya na pupunta na daw siya sa sala at hihintayin ako. Tinotoo niya ang sinabi niya na hindi na niya ako kukulitin. Nakakapanibago lang, kasi dati hindi aiya ganito. Kahit na sabihin ko noon na huwag, ipipilit niya ang gusto niyang mangyari. Gano'n siya kakulit. Ngayon kasi, hindi na. Ibang iba na siya sa dating Christopher na nakilala ko.
I miss the old Christopher...
Pero wala naman akong magagawa kasi si Christopher ang masusunod kung ano ang pipiliin niyang katauhan niya. Tatanggapin ko na lang na...
May mga bagay talagang hindi na kaya pang ibalik sa dati kasi may mga pagbabago ng nangyari. May mga bagay ng kahit na gustuhin nating ibalik ay hindi na pwede kasi tapos na 'yon.
Sabi nga nila...
Past is past. We can no longer bring back the old times.
BINABASA MO ANG
The Letters [COMPLETED]
Romance[UNDER REVISION] FIRST EVER ROMANCE-TRAGIC STORY THAT I'VE WROTE! --- Alam na'tin na sa bawat ngiti ay may kapalit na lumbay. Ang bawat buhay ay may kapalit na kamatayan. Ang pagmamahal ay may kaakibat na pagtitiyaga, pagsasakripisyo, at pagpaparaya...