CHAPTER 19

20 9 1
                                    

***

Silver's POV

---

Makalipas ang halos isang buwan kong panliligaw kay Chantelle, sa wakas at sinagot na din niya ako. Sobrang saya ko noong mga panahong iyon. Hindi ko mailarawan yung tuwang naramdaman ko.

Ang akala ko mapupunta siya sa childhood friend niya. Buti na lang at ipinaglaban ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Ngayon sobrang saya na namin.

Tsaka nalaman ko din na si Chantelle pala ang tinutukoy ni Daddy na pakakasalan ko kaya noong sagutin na ako ni Chantelle ay sobrang saya ko. Hindi ko muna gaanong ma-handle ang mood niya, okay lang sa akin. Ang mahalaga, akin siya. Sa akin na siya.

“Ver! Bakit ang kalat mo?! Iligpit mo nga itong mga gamit mo sa kwarto mo!” sigaw niya kaya napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa mahabang sofa.

Sabi ko nga okay kami. Ganyan lang talaga siya magmahal. Mya pagkadragona po siya kapag nagalit kaya natatakot ako. Oo, under na kung under. Wala akong pakialam. Basta, mahal ko siya at nagmamahalan kami, okay na ako doon.

“Opo, Master Telle! Nand'yan na po ako! Maglilinis na po ako,”

“Dapat lang! Ikaw kaya ang pinakamakalat dito sa bahay na'tin. Kaya obligasyon mo ang maglinis dito. Huwag kang laging aasa sa akin. Hambalusin kaya kita,”

“H-huwag po! Ito na, maglilinis na.” tugon ko at nagmamadaling kinuha ang hawak niyang waling tambo at dust pan. Kinuha ako na din ang vacuum cleaner.

Pagkatapos kong makuha ang mga kailangan ko sa paglilinis ay nag-umpisa na ako. Siya naman ay umalis ng bahay. Nagpaalam siya na may pupuntahan lang daw siyang kaibigan. I hope, hindi kina Christopher na 'yon pumunta si Chantelle. Kapag nalaman ko na sa lalakeng iyon siya pumunta, lagot sa akin 'yang Christopher na 'yan.

Alam ko kung gaano niya kagustong makuha ang girlfriend ko. Hindi, ang asawa ko pala. Doon din naman ang punta namin ni Chantelle. Kaya walang masamang mag-assume na asawa ko na siya. Kasi sa kanya din naman ang punta ko at sa akin pa din siya.

Hindi ko hahayaang mapunta sa iba si Chantelle, akin lang siya. Akin lang. Alam kong sobra na ito pero wala eh, mahal na mahal ko siya. Di ako papayag na mawala siya sa akin.

———

Chantelle's POV

---

Balak kong puntahan si Chris ngayon. Gusto ko siyang kumustahin. Matagal na kasi simula noong last na nag-usap kami. Tungkol yata sa negosyo nila yung naging topic noon tapos sa video call pa. Ito kasing selosong Silver, hindi ako pinapayagan makipagkita kay Chris. Nagseselos daw siya.

Aba! Pakialam ko sa selos niya? Lagi naman siyang nagseselos kahit na hindi si Chris yung kasama kong lalake. Napakaseloso talaga ng lakeng 'yon. Sobra.

Tinawagan ko si Sunset at tinanong kung kumusta si Chris ngayon. Si Sunset kasi ang laging kasama ngayon ni Chris. Hinahayaan ko lang kasi bagay naman silang dalawa. Magpaparaya na lang ako. Mahal ko kasi si Chris. Siya talaga ang mahal ko at hindi si Silver. Pero, sinusubukan kong mahalin si Silver at pinipilit kong kalimutan ang nararamdaman ko para kay Chris.

Paano ko nalaman na mahal ko na si Chris?

Masaya akong kasama siya. Kapag magkasama kami, parang wala ng bukas, sinusulit namin bawat minuto na kaming dalawa lang ang magkasama. Feeling ko safe ako kapag si Chris ang kasama ko. Malakas ang tibok ng puso ko at bumibilis ito kapag nagkakatitigan kaming dalawa.

Yung feeling na gustong gusto kong kahit magdamag ko siyang kasama, kaso hindi pwede kasi kailangan niyang umuwi. Gano'n yung mga naramdaman ko bago ko napagtanto na in love na pala ako sa kanya ng hindi ko namamalayan.

Yung tipong nakatali na yung puso ko sa iba pero siya pa din yung hanap-hanap ko. Hinihiling ko na ako na lang sana... pero hindi eh, si Sunset ang gusto niya at never magiging ako. Halata naman kahit na hindi na nila aminin. Alam na alam ko na kung saan papunta ang mga tinginan at tawanan nila kapag sila ang magkasama.

Magiging masaya na lang ako para sa kanila. Hindi naman kasi na'tin pwedeng ipilit na dapat kami ni Chris ang magkatuluyan kasi, may sarili kaming mga puso. May mga sarili kaming desisyon. Hindi pwedeng ipilit ang isang relasyon para lang sumaya ang isa. Tulad namin, ako magiging masaya tapos siya hindi, kung sakaling mang ipilit ko yung gusto kong mangyari. Ayoko ng gano'n.

Mas gugustuhin ko na lang na ako na ang masaktan, na ako na lang ang nagseselos, kaysa ipilit ang sarili ko sa hindi naman ako gusto at never akong magugustuhan.

Ewan, hahayaan ko na lang na ganito. Baka mawawala din ito at matututunan kong mahalin ng sobra si Silver tulad ng pagmamahal na ibinibigay niya sa akin.

Wala pang tatlong ring ay agad ng sinagot ni Sunset ang tawag ko. Kaya agad ko ng sinabi ang pakay ko.

“Tally, please. Gusto kong makita si Chris, please? I just... want to see him. Kakausapin ko lang, promise.” pagmamakaawa ko sa kakambal ko sa call.

[“Ate, alam mo naman ang kahihinatnan ng gagawin mo 'di ba? Hindi mo ba naisip na baka matunton ka ni Silver at malaman niyang nakikipagkita ka sa childhood friend mo? Alam naman na'ting pareho na seloso iyang boyfriend mo,”]

“Pinaglinis ko siya ng bahay kaya imposible na masusindan niya ako,”

[“Pero, Ate—...] Nagulat ako nang biglang maputol ang sinasabi ng kapatid ko at mukhang may umagaw ng phone niya sa kanya.

[... Ija, sundin mo na lang ang gusto ng kakambal mo. Huwag ka ng pumunta dito sa amin. Ayokong masaktan ang anak ko ng seloso mong kasintahan,”]

Nagulat ako nang si Tita na pala ang kausap ko.

“P-pero, Tita—”

[“No, you need to focus your atensyon to your future man. Don't worry about my son, he's... he's fine. Always be fine. So, don't worry about him,”] putol ni Tita sa sasabihin ko.

Pinatay ko na ang tawag. Hindi ko matanggap na gano'n na si Tita sa akin. Nakakapagtaka kasi hindi naman kasi siya dati gano'n kaistrikto. Dati ay gustong gusto niyang pumupunta ako sa bahay nila. Pero ngayon, mukhang si Sunset na ang future ng childhood friend ko na mahal na mahal ng mahal ko at gusto ni Tita para anak niya, sa paraang patago.

Wala na akong magagawa. Ang mismong nanay na niya ang nagdesisyon. Baka nga tama sila. Na dapat ay kay Silver ko na lang ituon nag atensyon ko. Kasi siya na ang mapapangasawa ko. Pero naging kaibigan ko din siya, natural lang na kumustahin ko siya at mag-alala ako sa kanya.

Hay, ewan ko! Naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung tama pa ba na kumustahin ko siya kahit na pinipigilan nila ako na makita siya.

The Letters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon