***
Sunset's POV
---
Napatingin ako sa taong kasama ko ngayon. Nakapikit lang siya habang napapangiti. Hinihiling ko ngayon na ako na lang sana yung iniisip niya habang nakapikit siya kaya siya napapangiti.
Kaso, alam ko namang never mangyayari 'yon. Ang akala ko tanggap ko na. Umaasa pa din pala ako na sana ako na lang ang mahalin niya at hindi na lang ang babaeng hindi mapapasakanya kailanman, ang kakambal ko.
Alam kong mali na ito. Pero, anong magagawa ko kung ito ang nararamdaman ko ngayon? Gusto kong ipilit na sana ako na lang ang piliin niya. Para maalagaan ko siya at malaman niya na sobrang halaga niya sa akin at sobrang mahal na mahal ko siya... na mas mahal ko siya kaysa sa sarili ko.
Pwede bang ako na lang ang mahalin mo?
Pwede bang sa akin na lang ang buong atensyon mo?
Pwede bang akin ka na lang?
Lahat nalang yata papangarapin ko. Pati ang pagkuha sa pagmamahal mo at atensyon mo. Ang sakit pa din pala. Haha! Nakakaputang*na! Akala ko kasi porque sa akin ang atensyon mo ngayon, hindi mo na maiisip si Ate.
Tang*na mo, Sunset Chantallia! Masyado kang asadong asado na magiging ikaw! Ayan tuloy! Nasasaktan ka na naman. Nasasaktan ka na naman na hindi naman dapat, dahil ang dapat ay wala kang pakialam na sana sa past feelings mo.
Pero, wala eh. Sobrang rupok mo! Hinayaan at hinahayaan mong mas lumalim pa ang nararamdaman mo para sa kanya kahit na alam mong never na magiging kayo.
Tama na, Sunset! Masyado mo ng sinasaktan ang sarili mo! Masyado mo ng inuuna ang umasa sa wala kaysa harapin ang tunay na kalagayan ninyo na lahat ng pinapangarap mo ay maglalaho rin kapag dumating na ang kinatatakutan ninyong mangyari.
Iyon ay ang pagkawala ni Christopher sa piling naming lahat.
Natatakot ako at nasasaktan sa pinagdaraanan niya ngayon. Naaawa ako sa kanya na parang pinaparusahan nang dahil sa mabigat na kasalanan kahit na ang totoo ay isa lang naman siyang mabuting tao na mas inaalala pa ang mararamdaman ng iba kaysa ang sarili niya.
Ayokong nakikita siyang naghihirap. Kahit na alam ko na kritikal na ang kondisyon niya, hindi pa din ako nawawalan ng pag-aasa na gagaling din siya. Magkakasama pa kami ng maraming taon. Baka maging posible na ang gusto ko kapag gumaling siya. Iyon ay ang mapasa'kin siya.
Ngayong nasosolo ko na siya, kahit na ako ang lagi niyang kasama, iba ang nasa isip niya. Si Ate Chantelle pa din ang laman ng puso't isip niya at hindi ako. Never na magiging ako. Hindi ko alam kung ano ngang meron si Ate ng wala ako.
Ang sakit lang sa part na nandito ako sa tabi niya lagi pero iba ang nasa isip niya. Ilang beses ko naman ipinamukha sa sarili ko na never na magiging ako pero wala eh. Ang rupok ko kasi masyado. Nagpapadala ako sa emosyon ko. Ang hirap kasi mag-move on, lalo na yung tipong akala mo talaga may pag-asa na pero, 'yon naman pala ay wala pa din.
Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako nang dahil sa bigat at sakit na nararadaman ko ngayon. Hindi ko na kinaya. Masyado ng masakit sa dibdib.
Nang makita kong lilingon siya sa gawi ko ay agad kong pinunasan ang mga luhang tumulo mula sa mga mata ko at lumingon na lang sa ibang side.
I just realized na naging masyado na naman akong naging assuming na may pag-asa pa, na pwede pa. Kahit na alam ko naman sa sarili ko na hindi magiging ako ang laman ng puso niya.
Ganito na lang ba palagi? Palagi na lang ako nasasaktan nang dahil sa karupukan ko! Lagi na lang akong tanga na walang ibang ginawa kun'di umasa ng umasa na may magbabago na kapag ako na ang lagi niyang makakasama at hindi na ang kakambal ko.
Ako yung nandito! Pero p*tang*na! Iba pa din ang hanap niya at hindi ako! Nakakagago! Nakakasawa na maging ganito pero...
Mahal ko pa eh...
Mahal ko pa...
I still love him so bad! F*ck!
Kaya ko naman siyang pasayahin sa piling ko. Pero bakit parang may kulang? May parang lagi siyang hinahanap kapag kami ang magkasama. Basta, parang may kulang na hindi ko alam.
I felt awkwardness, so I decided to excuse myself and said that I'm going to their comfort room for a second. I said that I'll be back. Then, he let me to leave him alone in his room.
Pumunta ako sa tabi ng kwarto niya kung saan ang banyo niya. I locked the door. Agad na humiyaw ako. Hindi ko kinaya. Kulob ang banyo at makakapal ang wall kaya di ako maririnig ni Christopher.
Dito na nag-unahang magsipatakan ang ang mga luha ko na gusto kong ilabas kanina. I just want to let this pain out in my chest. I want to be healed but, still, I can't. Mahal ko pa eh. Ang tagal ko ng nasasaktan pero tinitiis ko na lang.
“Bakit ba sobrang mahal kita, Christopher?! Bakit ba hindi ko magawang kalimutan yung nararamdaman ko para sayo kahit na alam kong hindi naman magiging ako?! Bakit ba hindi ako maka-move on sayo?! BAKIT?!” sigaw ko sa loob ng banyo habang patuloy na umaagos ang aking mga luha sa aking mga pisngi.
Maya-maya pa'y may tatlong katok akong narinig mula sa pinatuan ng banyo.
“Tally? Are you okay?” tanong nito.
Napaigtad ako at nagulat. Hindi ko inakala na maririnig niya ang paghiyaw-hiyaw ko rito. Napalakas ba masyado? Kanina pa ba siya nakikinig sa mga sinasabi ko? Narinig niya ba lahat?
Dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko at sumagot, “Yes! I'm fine, Christopher. Don't worry about me.”
Yeah, I'll be fine. Maybe, now is not the right time to be fine. But yeah, I'll try.
“Are you sure?”
“Yeah, later lalabas na din ako,” tugon ko sa kanya.
Narininig ko ang mga yabag niya papalayo sa pintuan ng banyo. Narinig ko ang tunog ng pinto ng kwarto niya na bumukas. Pinakiramdaman ko lang muna siya hanggang sa makapasok siya ng husto sa kanyang kwarto.
After that, another tears are slowly flowing down to my cheeks again. Nasasaktan pa din ako kapag sinasabi kong ayos lang ako kahit na ang totoo, hindi na. Nakakapagod pero hindi ko mapigilan yung nararamdaman ko.
Ito na yata ang trauma na papatayin ka emotionally. Nakakabaliw na. Ganito ba talaga ang kapangyarihan ng pagmamahal? Mababaliw ka na lang nang dahil sa nararamdaman mo? Hay... kailan kaya matatapos 'to?
BINABASA MO ANG
The Letters [COMPLETED]
Romance[UNDER REVISION] FIRST EVER ROMANCE-TRAGIC STORY THAT I'VE WROTE! --- Alam na'tin na sa bawat ngiti ay may kapalit na lumbay. Ang bawat buhay ay may kapalit na kamatayan. Ang pagmamahal ay may kaakibat na pagtitiyaga, pagsasakripisyo, at pagpaparaya...