***
Chantelle's POV
---
Patuloy lang ako sa pagkanta dito sa rooftop. Inilalabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pagkanta. Tamang smile, tamang kanta ng liriko ng kanta.
Ini-enjoy ko pa lang ang pagkanta nang biglang humuni ang tiyan ko. Napahinto ako sa pagkanta na siyang ikinataka ni Chris kaya napatanong ito kung bakit ako napahinto.
Napatingin ako sa kanya. “Gutom na ako, Chris. Kain muna tayo,” sabi ko na siyang ikinatawa niya.
“Sige, sabi mo eh,” aniya saka tumayo na sa pagkakaupo sa sahig. Naka-indian sit kasi kami.
Sabay kaming bumaba papuntang first floor. Sumakay kami sa mga kotse namin papunta sa pinakamalapit na restaurant na nandito.
Habang nagmamaneho ako, binuksan ko ang radyo ng kotse at isang napakagandang musika ang narinig ko.
Ang title ng kanta sa pagkakaalam ko ay Mask by Dream at naiintindi ko lahat ng nasa bawat stanza ng kanta kasi nararanasan ko iyon.
{ I wear a mask with a smile for hours at a time
Stare at the ceiling while I hold back what's on my mind
And when they ask me how I'm doing I say, "I'm just fine"
And when they ask me how I'm doing I say, "I'm just fine"But the fact is
I can never get off of my mattress
And all that they can ask is
"Why are you so sad, kid?" (Why are you so sad, kid?) }Una pa lang, maiintindihan mo na ang ibig niyang sabihin. Okay itong kantang ito para malinawan ang iba sa mga nangyayari sa nga kabataan ngayon na tulad ko.
Patuloy lang ako sa pakikinig hanggang sa makarating na din ako sa destinasyon namin ni Chris. Sa isang malapit na restaurant.
Ipwinesto ko na ang sasakyan ko sa parkings area at bumaba na. Si Chris naman ay sumunod na sa akin sa parking area at naghanap ng mapagpupwestuhan.
Una na akong pumasok sa restaurant kasi kanina pa ako gutom. Sumunod naman sa akin sa loob si Chris. Namili na ako ng pwestong pag-uupuan namin. Nang makapili na ako, siya na ang nagprisintang umorder ng mga kakainin namin.
Hinintay ko na lang siya hanggang sa makabalik na siya sa upuan niya sa tapat ko. Napangiti na lang ako sa pagiging gentleman niya.
“Wait na lang natin yung i-norder ko for us,” aniya saka ako nginitian. I just nodded to him.
Nilukob kami ng katahimikan na nakakabingi. Parang ang awkward ng moment na 'to. Iba sa mga moment na magkasama kaming dalawa dati. Para kasing may something na hindi ko maipaliwanag.
***
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na din ang mga pagkain namin. Dali-dali ko ng kinuha ang kutsara at tinikman ang sabaw. Ayos naman ang lasa nito para sa akin.
Habang tumitikim ng pagkain ay napansin kong kanina pa titig na titig si Chris sa akin kaya napunta sa kanya ang atensyon ko.
“Hindi ka ba kakain?” tanong ko rito pero simpleng ngiti lang ang itinugon niya.
Hanggang sa...
“Ang ganda mo talaga mula ulo hanggang paa. I'm thankful 'cause I met a girl like you,” anito na parang may ipinapahiwatig na kung ano.
“Huh? Pinagsasasabi mo?” sabi ko sa kanya na bahagyang natawa nang dahil sa inakto niya.
Bumuga siya ng marahas na hangin bago niya sagutin ang tanong ko, “Wala naman, masaya lang ako na nakilala kita bilang kaibigan mo,” sagot niya at saka ako nginitian ulit.
Kinuha na niya ang soup at tinikman ito. Wala siyang naging reaksyon kun'di mga simpleng ngiti lang na gumuguhit sa mapupula niyang mga labi.
Kahit na naguguluhan ako sa mga ikinikilos niya, itinuon ko na lang muna ang buong atensyon ko sa pagkain na nasa harapan namin. Mukhang masasarap kasi.
Nag-umpisa na kaming kumain ng dinner. Oo, panghapunan na namin 'yon. Sa sobrang dami nga ay talagang mabubusog na kami.
Habang kumakain ako, napatingin ako sa kanya na may kinakapa sa bulsa. Lumitaw ang isang kulay itim na cellphone at itinapat sa akin. Napakunot ang noo ko.
“Hoy! Huwag mo nga akong kuhanan ng picture! Isa!...” pagbabawal ko sa kanya pero patuloy pa din siya sa pagkuha ng litrato. Hindi ko makuha ang phone sa kanya kasi mas mahaba ang bisig niya kumpara sa bisig ko.
“Hahahahaha! I just want a picture of yours on my phone. Just let me capture your sweet smile, baby. Hahaha!”
“Baby ka d'yan. Heh! Stop it! Nothing's funny! Don't laugh!”
Kainis talaga siya! Huhuhuhu... Ang pa-pangit ng kuha niyang mga picture ko. Hmp!
Natahimik ako nang may bigla akong mapansin sa mga mata niya na umaagos. Sa tingin ko umiiyak siya-what?! Umiiyak si Chris?!
“Hey, are you okay?” tanong ko rito. Kaagad niyang pinunasan ang mga luhang umagos mula sa nga mata niya.
Umiiyak nga siya...
Pero, bakit?
Bakit siya umiiyak habang pinapanood ang mga litrato ko sa phone niya na habang nakangiti siya? Anong gusto niyang ipahiwatig?
“I'm... I'm okay, Chan. Don't worry about me, I'm fine,” aniya at ngumiti. Alam kong pilit lang iyon. I know something's wrong. Not about on my picture that he captured, it is about himself. He has a problem that I don't know yet.
“Kilala kita, Chris. What's wrong? Tell me, alam kong hindi tungkol sa picture ko yung dahilan eh. May malalalim na dahilan kaya ka umiyak,”
“Nah, masaya lang ako kasi nagkaroon ako ng kaibigan na gaya mo. Masaya ako kasi naging magkaibigan tayo. Masaya ako kasi nagkaroon ako ng magandang kaibigan, at ikaw 'yon. 'Yon lang,”
“Chris.. just tell me—”
Sumeryoso ang mukha niya, “Nothing to worry about me, Chan. I'm fine, huwag ka ng makulit.”
Napahinto ako nang dahil sa inakto niya. Hindi siya ganito at lagi lang siyang nakangiti. Pero parang hindi ang kilala kong Chris ang kasama ko ngayon? Parang ibang tao.
I let out a deep breath then continue eating my foods. Tahimik ko na lang na kinain ang pagkain ko. Hindi na ako kumibo.
Parang naging awkward. Yung tipong kahit gusto ko siyang kulitin kung bakit, hindi ko magawa. Kapag magsisimula na akong magtanong ulit, umaatras yung dila ko.
Walang lumalabas na kahit na anong salita mula sa bibig ko. Tanging mga mararahas na hangin lang ang pinapakawalan ko.
BINABASA MO ANG
The Letters [COMPLETED]
Romance[UNDER REVISION] FIRST EVER ROMANCE-TRAGIC STORY THAT I'VE WROTE! --- Alam na'tin na sa bawat ngiti ay may kapalit na lumbay. Ang bawat buhay ay may kapalit na kamatayan. Ang pagmamahal ay may kaakibat na pagtitiyaga, pagsasakripisyo, at pagpaparaya...