***
Christopher's POV
---
Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi masabi kay Chantallia ang totoo. Wala naman akong magagawa eh. Tsaka kaibigan ko siya. May karapatan siyang malaman ang nangyayari sa akin ngayon at sa mga nakaraang buwan at taon.
Nakarating kami sa mall ng walang kibuan. Alam kong nagulat ko siya nang dahil sa mga sinabi ko kanina. Hindi ko nan siya masisisi kung magalit siya sa akin kasi hindi ko agad sinabi sa kanya.
Ipinarking ko ang kotse ko sa parking lot. Pinagbuksan ng pintuan ng kotse si Tally at inalalayan siyang makababa ng kotse.
Nang makababa na siya, inayos ko na ang sarili ko pati ang damit ko na parteng may gusot saka inaya na papunta ng loob ng mall si Tally. Mas mukha pa akong excited kaysa sa kanya. Hahaha!
Nang makapasok na kami ng mall, dire-diretso kami sa isang kainan. Tinanong ko itong kasama ko kung nagugutom na, tumango siya bilang tugon.
I ordered some foods na magugustuhan nitong kasama ko. Ako na raw kasi ang bahala eh. Alam ko naman yung mga hilig niyang kainin kaya may tiwala na siya kapag ako ang namimili ng pagkain naming dalawa sa tuwing lumalabas kami at namamasyal.
Ilang sandali pa'y dumating na yung mga inorder kong mga pagkain. Maganang kumain itong kasama ko kaya walang masasayang na pagkain. Lahat ng pagkaing nakahain, kaya niyang ubusin lahat.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain, nang biglang magtanong si Tally ng mga katanungang ayaw ko ng sagutin pa.
“So, alam na ba ni Ate Chantelle na may sakit ka?” tanong niya.
“Hindi niya pa alam sa ngayon. Ayaw ko pang sabihin. Hindi ko pa kasi kaya, Tally,” sagot ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya mga mata niya. Kasi alam kong magagalit siya sa akin.
Pero akala ko lang pala 'yon.
“So, kailan mo balak sabihin?” tanong niyang muli.
Bumuntong hininga ako bago sumagot. “Hindi ko alam eh. Basta, hindi pa ngayon. Saka na, kapag handa na ako,” sagot ko sa kanya at nanatiling sa malayo lang nakatingin.
Iniba ko na lang ang usapan. Para mailayo sa tungkol sa sakit ko at sa amin ni Chantelle. Ayoko kasing pag-usapan, naiiyak lang ako. Mas naaawa ako kay Chantelle sa nakikita kong resulta kapag umamin ako at kapag nakaman niya na may sakit ako. Mas hindi ko iyon makakaya. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak.
Kung saan-saan ako inilibot ni Sunset para malibang. Kahit pa paano naman ay gumaan ang pakiramdam ko. Naging masaya naman ako habang kasama si Sunset. I'm so very thankful that I have a friend like her.
Habang naglalakad, napapatitig ako sa mukha hi Sunset na sobrang saya. Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako sa harapan niya. Nagulantang na lang ako nang biglang lumingon siya sa akin.
“Oh, bakit ka nakangiti d'yan? Nagagandahan ka sa akin, ano?” aniya na siyang ikinatawa niya kaya napasama din ako sa nakakahawa niyang pagtawa. Kahit kailan talaga loko-loko itong kasama ko.
“Eh bakit ka nga ngumingiti d'yan? Miss mo si Ate, ano? Huwag kang mag-alala, hindi ako si Ate. Parehas man kami ng mukha, never akong magiging siya. Kaya iyang ngiti mo, ilaan mo na lang sa kanya,” aniya sabay ngisi.
“Masyado ka na ngang nahulog sa kakambal ko. Sana lang, ikaw ang piliin niya kapag umamin ka. Kapag umiyak ka kapag nabasted ka niya, ayain mo ako, ha? Iiinom natin ng alak 'yan,” dugtong pa niya sabay tapik sa balikat ko.
“Baliw, bawal ako sa alak,” natatawa kong tugon kaya napakamot na lang siya sa batok niya.
“Ayy... oo nga pala. Sige, tubig na lang sayo. HAHAHAHA!” Pana'y lang ang tawa naming dalawa dahil sa paminsan, minsang kalokohan niya.
Baliw talaga itong si Sunset. Kung ano-anong pinagsasasabi. Kung hindi lang babae ito, kukutusan ko ito eh. Pasalamat siya at naging babae siya. HAHAHAHA!
“So, paano ba 'yan? Mas boto ako kay Silver kaysa sayo,” aniya.
“Kaibigan ba talaga kita? Bakit ka sa kanya kumakampi? Dapat sa akin kasi kaibigan kita,”
“Ayoko nga. Hindi ka naman nanlilibre. Buti pa si Silver, nanlilibre siya.”
Aba! Ang sakit naman. Ikinukumpara ako sa Silver na 'yon. Tss! Mas gwapo pa nga ako do'n eh. Mas matangkad din ako. Tsaka... mabait kaya ako. Mas mabait kaysa sa lalakeng 'yon. Mukhang walang maibubuga. Tsk!
“Ano bang gusto mo? Tara, bibilhin natin lahat ng gusto mo,” aya ko sa kanya.
“Sure?” Nasilayan ko ang ngiting lumitaw sa mga labi niyang mapupula. Ang sarap niyang pagmasdang nakangiti lang.
“Yes, of course! Bibilhin natin lahat ng gusto mo,” nakangiti kong tugon sa kanya.
Nag-alala ako bigla kasi sumeryoso ang mukha niya.“Hindi naman talaga para sa akin yung bibilhin natin eh. Para kay Ate Telle.”
Ito ang pinakagusto kong ugali ni Sunset. Mas inuuna niya ang Ate niya kaysa sa sarili niyang kagustuhan. Mas inuuna niya ang pangangailangan ng karamihan kaysa sa sarili niyang pangangailangan.
Hindi maitatanggi na kambal nga sila ni Chantelle kasi parehas silang mabait. Lumaki ng may galang at mapagbigay. Sana hindi sila magbago at patuloy silang maging mapagbigay sa lahat.
“Bakit? Wala ka bang kailangan para sa sarili mo?” tanong ko pa.
“Meron pero mamaya na 'yon. Si Ate kasi nakita ko noong nakaraan na may hinahanap siyang brand ng chocolate na hindi niya makita kaya nanlulumo siyang umuwi ng bahay. Natatawa pa nga ako noon eh, kasi bad trip na bad trip siya that time,” sagot niya habang mahinang natatawa nang dahil sa ikinukwento niya sa akin.
May biglang pumasok na ideya kaya napangiti na lamang ako.
“What if... ako na lang ang bibili ng chocolate na 'yon para sa Ate mo?” nakangiti kong saad kay Sunset.
Napangiti siya, “Sige, if that's what you want,” tugon niya kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko. Magiging paraan na rin ito ng paghingi ko ng sorry sa kanya nang dahil sa inasal ko sa punyetang Silver na 'yon.
Sorry pero, mainit talaga nag dugo ko sa lalakeng 'yon. Nilalandi niya itong si Chantelle eh, mukha nga siyang ulupong sa paningin ko. Tsk! Hindi sila bagay. Mukhang basagulero at babaero si Silver kaya hindi siya nararapat kay Chantelle!
BINABASA MO ANG
The Letters [COMPLETED]
Romance[UNDER REVISION] FIRST EVER ROMANCE-TRAGIC STORY THAT I'VE WROTE! --- Alam na'tin na sa bawat ngiti ay may kapalit na lumbay. Ang bawat buhay ay may kapalit na kamatayan. Ang pagmamahal ay may kaakibat na pagtitiyaga, pagsasakripisyo, at pagpaparaya...